Chapter 18

1K 30 5
                                    

Pen's POV


Pumasok na ako sa kotse na dinadrive ni kuya Eman. Naghintay ako ng ilang minuto, nagulat ako nang kumatok sa salamin si Eli. Binaba ko 'yung binatana.

"Bakit, sir?" Tanong ko.

"Sa kabilang kotse tayo." Sambit niya at saka naglakad na palayo. Tinanggal ko ang seatbelt at sumunod sakanya.


Sa backseat ako sumakay at sa unahan naman siya, sa driver's seat. Maya-maya, napalingon siya.

"Do you really want me to look like your personal driver?" Tanong niya.

"Po?" Tanong ko. Nginuso niya 'yung seat sa tabi niya. Napatayo ako at saka lumipat sa tabi niya.


Maya-maya, nagulat ako nang isuot niya sa'kin yung seat belt. Napangiti ako.

"Parang sa teleserye lang sir ah." Sambit ko, umiwas siya ng tingin at saka nag-drive na.

Tahimik si Eli sa byahe kaya naisipan kong kausapin siya.

"Sir, gusto niyo po ba ng music?" Tanong ko. Tumango siya.

"Ano po bang favorite song mo, sir?" Tanong ko ulit.

Akmang bubuksan ko na 'yung radio nang hawakan niya ang kamay ko.


"Your voice. I wanna hear your voice." Sambit niya.

"M-My voice?"

"Yes, your voice is my favorite music."

Natulala ako sa sinabi niya.

"Pen?"

Nagising ako sa realidad nang tawagin niya ang pangalan ko. Umubo muna ako at saka kumanta.

Ilang saglit lang, nakarating na kami sa theater. Umupo kami sa bandang gitna. Naghintay kami ng mahigit kalahating oras.

"Sir!" Tawag ko kay Eli sabay tapik sa balikat niya. Tinanggal niya 'yung suot niyang earphones at saka binaling ang tingin sa stage.

Mahaba-haba din 'yung stage play. Ang gagaling ng actors, magaling na mag-portray ng roles, magaling pa kumanta. Sana, maging kagaya din nila ako. Sana makakanta din ako sa stage balang araw.

"Ang gagaling nila sir no?" Tanong ko kay Eli habang naglalakad kami palabas ng theater.

"They're great but you're better than them." Sagot niya. Napatigil ako. Tama ba 'yung narinig ko? Damn, Eli. Kanina mo pa ko pinapakilig..

Pagtingin ko sakanya, medyo nakalayo na pala siya. Tumakbo ako para maabutan siya.

"Where do you wanna eat?" Tanong niya habang nasa byahe kami.

"U-Uhm, kahit saan sir." Sagot ko.

"How about Jollibee?" Tanong niya. Nagningning ang mata ko.

"Opo, sir! Gusto ko 'yan!" Sambit ko. Natawa siya ng mahina.

"Alam mo sir, nakita kita sa Jollibee noon!" Kwento ko. Napatingin siya sa akin, pero agad na binalik ang tingin sa daan.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon