Chapter 31

930 24 2
                                    

Pen's POV

Sunday.

Bumangon kaagad ako nang mag-alarm ang phone ko. Dumeretso ako sa banyo at naligo na, pagkatapos ay bumaba ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Tulog pa ang lahat, 5am pa lang kasi.

Napatingin ako sa lababo, naalala ko bigla si ate Bianca, napa-ngiti ako ng mapait.

Nagluto lang ako ng fried rice with bacon and egg at saka umalis na. Hindi ko na ginising si Eli, nag-text nalang ako sakanya na uuwi na ko.

"Pen pen!" Tawag sakin ni ate, naabutan ko siya sa sala. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I missed you, ate!" Sambit ko. Ngumiti siya ng malapad.

Pumunta ako sa kusina para ilapag ang binili kong cheesecake para sakanila. Naglabas ako ng plato at nag-hain para kay ate.

"Oh anak, andito ka na pala." Ani mama nang makarating sa bahay. Nag-mano ako sakanya at saka bumalik sa upuan para subuan si ate.

"Ma, may cheesecake doon." Sambit ko. Nag-punas siya ng pawis at saka umupo.

"Ikaw ba'y nagiipon na?" Tanong niya, nilingon ko siya.

"Opo, ma. May pinagiipunan po ako." Sagot ko.

"Mabuti 'yan anak, basta sana para sa sarili mo naman 'yan ah. Ang laki na ng naitulong mo sa amin."

"Eh ma, wala naman akong gustong pag-ipunan para sa sarili ko eh."

Tumayo siya at kumuha ng dalawang pinggan. "Diba may gusto kang microphone set? Yung hinihiling mo sa papa mo noon."

Napatigil ako. "Ayoko na po nun ma eh."

Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng pinggan na may cheesecake.

"Ang gusto ko po, makalipat na tayo ng bahay." Mahinang sambit ko. Natahimik si mama.

"Nabalitaan ko kay Shae, ma." Dugtong ko pa. "Pumupunta pa rin dito sila tita para paalisin tayo sa bahay ng kapatid niya."

"Eh anak.."

"Ayoko ng maramdaman niyo na pinagsisiksikan lang natin ang sarili natin bahay ni papa."

Hinawakan ni mama ang kamay ko at saka nginitian ako, pinapahiwatig na naiintindihan niya ko.

___

"Saan ba kasi tayo pupunta? Ano 'to walk trip?" Tanong ni Shae. Tinawanan ko siya.

"Paulit-ulit, Shae? Doon nga sa katrabaho ko sa mansion!"

"Gwapo ba 'yan? Baka 'yan na yung jinowa mo ah! Sabi ko si Eli eh!" Sigaw niya. Hinampas ko siya sa braso.

"Baliw ka talaga!"

Maya-maya lang, nakarating na kami sa eskinita nila ate Bianca. Hawak-hawak ko ang pansit na hinanda ni mama. Nang makarating kami sa bahay nila ay kumatok ako.

"Sino po sila?" Tanong babaeng sa tingin ko ay mas bata sa'kin ng isang taon.

"Si ate Bianca po? Katrabaho niya po ako sa mansion." Sagot ko.

"Ikaw ba si Penelope?" Tanong niya. Napangiti ako at saka tumango, agad niya kong pinapasok.

"Ate Pen, upo kayo!" Alok niya. "Teka lang ah, naliligo pa kasi si ate."

Tumango ako at saka nilibot ang tingin sa mga litratong nakasabit sa dingding.

"Ah, ate Pen. Alam mo ba, lagi kang kinekwento ni ate Bianca sa amin. Ang bait mo daw saka ang ganda. Tama nga siya!" Masiglang sambit niya, natawa naman ako.

Maya-maya, lumabas na si ate Bianca. May nakalagay pa na tuwalya sa ulo. Napaatras siya nang makita kami.

"O-Oh Pen!" Gulat na sambit niya. "Teka lang ah!"

Dali-dali siyang pumasok sa kwarto niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya sa saka umupo sa harap namin.

"Bat napadalaw ka? At saka sino siya?" Tanong niya sabay tingin kay Shae. Ngumiti naman ito.

"Si Shae po, ate. Kaibigan ko." Sagot ko. Pinakilala ko sila sa isa't-isa.

Sandali kaming nagkwentuhan. Pinakilala niya rin ako sa mga kapatid niya. Si Bella pala 'yung kausap ko kanina, nakababatang kapatid ni ate Bianca tapos 'yung bunso, si Beatrice, may down syndrome rin.

Kagaya ng ate ko, masiyahin din si Beatrice. Mahilig siya sumayaw-sayaw. Habang nagkakatuwaan kami, napatingin ako kay ate Bianca. Naka-ngiti siya, bakas mo sakanya ang kasiyahan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Well, siguro nga sobrang importante sakanya ang pamilya niya.

Monday.

Hindi na ko dumaan sa mansion, dumeretso na ako sa school. Umattend lang ako sa first subject kasi may long quiz kami, although excused naman kaming mga contestant sa bgt. Wala lang, mga kalahating oras pa naman bago kami magsimulang mag-rehearse eh.

"Bye, Pen! Enjoy ka sa pagbe-babysit, I mean sa pagre-rehearse! Susunod ako after recess!" Pamamaalam si Aud. Tinawanan ko siya.

Pumunta na ako sa covered court, sakto namang nagwa-warm up palang. Hinanap kaagad ng mata ko si Eli. Natanaw ko siyang nakaupo sa bench, habang nakatutok sa laptop niya, mukhang busy sa ginagawa.

"Guys! Ayusin natin ah, may manonood satin mamaya!" Sigaw ni Cleo, isa sa mga choreographer.

Nag-start na kaming mag-rehearse. Nagulat ako nang mag-bago ang formation, pinwesto na ko sa harap.

"Hindi po ba doon ako sa second row?" Nagtatakang tanong ko kay Cleo.

"Iniba na namin ang formation kanina, mas maliit ka kasi kay Alyssa kaya pinagpalit ko kayo." Sagot niya.

Kinabahan tuloy ako. Sino kaya ang manonood mamaya? Mukhang pati sila Cleo ay kinakabahan.

Napalingon ako kay Eli na busy pa rin sa laptop niya. Bigla namang tumabi sakanya si Gelo at may binulong. Napatigil saglit si Eli pero agad na binalik ang tingin sa laptop. Ang sungit niya tignan!

"Okay last one!" Sigaw ni Callie. Bumalik ulit kami sa unang formation at nagsimulang kantahin at sayawin 'yung unang verse.

Nang matapos kami, biglang may pumalakpak. Napatingi kami kung sino 'yun. Nanlaki ang mata ko nang makita ang babaeng naglalakad palapit sa amin.

Matangkad siya at mahaba ang buhok. Maganda rin ang hubog ng katawan niya, mestiza, matangos ang ilong. In short, maganda siya! Sosyal pa manamit, halata mong may kaya.

"Ms. Abigail Fuentes!" Sigaw ni Callie, namangha din sa ganda nito.

Sa di malamang dahilan, napatingin din ako kay Eli. Napako ang tingin niya sa babae. Bakas sa mukha ni Eli ang pagkagulat. Tumingin ulit ako sa babae, at tumingin kay Eli. Palipat-lipat ang tingin ko sakanila. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko.

Abigail Fuentes... Abi?

_________________________________________________________

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon