Pen's POV
Kasalukuyan akong naglalakad palabas sa gate habang tumatakbo sa isip ko 'yung sinabi ni Eli kanina.
"Pen!" Tawag ng kung sino. Nagising ako sa realidad nang akbayan niya ko. Si Aud pala.
"Ready ka na for tomorrow?" Tanong niya, nanlaki ang mata ko. Hala! Audition na pala bukas!
"Ah Aud una na ko ah, magre-rehearse pa ko!" Sigaw ko sabay takbo palabas ng gate.
Nang makarating ako sa mansion, nagpalit agad ako ng uniform at hinintay sila sa sala habang pabulong na kumakanta.
"Hi ate Pen!" Tawag ni baby Eldrich sa'kin. Napalingon ako, nakita ko silang dalawa na naglalakad papuntang sala.
"Hello, baby!" Bati ko kay baby Eldrich habang nakatingin kay Eli. Tumingin din siya pero agad na umiwas.
Umupo na silang dalawa sa sofa, tinulungan kong magtanggal ng sapatos si baby Eldrich. Pagkatapos, as usual sinamahan ko siya manood ng movies tapos pinakain siya ng dinner.
Nang makatulog na siya, dinala ko ma siya sa room niya. Akmang bababa na ako nang saktong bumukas ang pinto ng kwarto ni Eli. Nagka-tinginan kami. Maya-maya, iniwas niya ang tingin niya at sa halip ay tinignan yung pinto.
"It seems fine." Bulong niya habang sinusuri yung pinto. Napa-kunot ang noo ko.
"Goodnight po, sir!" Bati ko sakanya.
"Goodnight." Bati niya pabalik at saka agad na sinara ang pinto.
Bakit ang weird niya yata today?
Pagkatapos kong mag-hugas ng plato, umakyat na rin ako sa room ko at nag-rehearse. Maya-maya, may kumatok.
"Hoy Pen! Babaan mo naman boses mo! Baka maabala si sir eh." Sambit ni ate Mel. Tumango ako.
"Opo, ate."
Hininaan ko nalang ang boses ko. Pagkatapos kong mag-rehearse, tumingin ako sa bintana at tinitigan ang mga bituin.
Naalala ko ang sinabi ni papa sa akin noon. May kanya-kanya raw tayong bituin, may mga makikinang at mayroong hindi. Kapag naipakita na natin sa mundo kung sino tayo, magiging makinang ang bituin natin.
Siguro wala bang kinang ang bituin ko pero soon, very soon, magiging makinang na ito.
_____
Friday.
"Go, Pen!" Sigaw nila Aud. Huminga ako ng malalim.
"Gagawin ko ba talaga 'to?" Nagaalangang tanong ko.
"Malamang, Pen! You should! Andito kami, susuportahan ka namin. Diba?" Sambit ni Aud.
"Yes, let's go Pepe!" Sigaw ni Lele. Natawa kaming lahat.
121.
Pang-121 auditionee ako. Huminga ako ng malalim. Wooh Pen, kaya mo 'to!
Habang pabulong akong nagrerehearse, may nakita akong pamilyar na imahe. Si Eli! Tumalikod ako para di niya ako makita. Maya-maya, umalis na din siya.
Mabuti nalang talaga blind audition 'to. Kung sakali mang di ako makapasok, atleast walang makakaalam na boses ko ang ginamit ni ate Ritz. Pero kung makapasok man ako, dun ko na ipapakita sa kanilang lahat kung sino talaga ako.
"120!"
Kumabog ang dibdib ko. Isa nalang, ako na! Shet!
"Teka, retouch muna kita!" Sambit ni Michelle sabay apply ng press powder sa mukha ko. Napa-ubo tuloy ako.
"Tama na tama na, blind audition naman yun Mimi eh!" Pagrereklamo ko.
"Ayan na!" Sigaw ni Aud.
"121!"
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Go, Pen! Fighting!" Sigaw nila Aud.
Nanginginig akong pumasok sa room. Pumwesto ako sa harap ng microphone. Nagsimula ng tumugtog 'yung instrumental.
"You can still be with the Wizard
What you've worked and waited for
You can have all you ever wanted.."Medyo nanginginig pa ko. Naco-concious ako. Ano kayang reaksyon nila ngayon?
"I know
But I don't want it
No, I can't want it
AnymoreSomething has changed within me
Something is not the same
I'm through with playing by the rules
Of someone else's game..."Inisip ko nalang na nagugustuhan nila ang performance ko.
"Too late for second guessing
Too late to go back to sleep
It's time to trust my instincts
Close my eyes and leap.."Naalala ko 'yung sinabi sa akin ni papa noon. Magniningning daw ako, makakaya ko daw abutin ang pangarap ko.
"It's time to try
Defying gravity
I think I'll try
Defying gravity
And you can't pull me downCan't I make you understand?
You're having delusions of grandeurI'm through accepting limits
'Cause someone says they're so
Some things I cannot change
But till I try, I'll never knowToo long I've been afraid of
Losing love I guess I've lost
Well, if that's love
It comes at much too high a cost."Pumikit ako at inimagine ko na nakatungtong ako sa entablado habang nagpeperform sa harap ng maraming tao. Lahat sila nakangiti, winawagayway ang mga kamay nila at ineenjoy ang kantang inalay ko para sakanila.
Nang matapos ko na 'yung kanta, napangiti ako.
"Thank you po." Sambit ko sabay bow.
Akmang lalakad na ko palabas ng silid nang may narinig akong pamilyar na boses.
"So it's you!" Sambit niya. Napalingon ako. It was... Eli.
"Sir?" Gulat na tanong ko.
"Aria.."
_______________________________________________________________
short ud but upcoming chapters will be filled w/ pen & eli moments woot woot! ty for reading beautiful and handsome ppl!
BINABASA MO ANG
Serendipity [ Eli and Pen ]
Teen FictionSullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope Ariba, the babysitter of Elias' baby brother named Eldrich. Everything's going fine until a rumor spreads among the students of the Berkshire...