Chapter 14

1K 36 7
                                    

Pen's POV

Kumakain na ng dinner si baby Eldrich at Eli. Naka-upo ako sa tabi ni baby Eldrich para masubuan siya. Patingin tingin ako kay Eli, naka-focus lang siya sa pagkain, mukhang bad mood talaga.

"Sir, okay lang po kayo?" Tanong ko. Tumingin siya, bakas sa mukha niya ang pagkayamot. Ano kayang problema niya?

"B-Bakit sir?" Nauutol na tanong ko. Umiwas siya ng tingin at saka tumayo.

"Teka sir, mag-juice ka po muna!" Sambit ko. Di niya ko pinansin, patuloy siyang naglakad at pumunta na sa kwarto niya. Binalik ko ang tingin kay baby Eldrich.

"Anong problema ng kuya mo?" Tanong ko.

"I don't know, he's been in a bad mood since yesterday. I don't know why." Sagot niya.

Pagkatapos kumain ni baby Eldrich, nag-hugas na ako ng pinggan at saka umakyat para matulog. Maya-maya, nagising ako sa di malamang dahilan. Bumaba ako para uminom ng tubig.

Napalingon ako nang may marinig na tunog. Shet, baka may multo! O baka naman, magnanakaw? Patay ako nito!

Nagtago ako sa gilid ng ref. Nagulat ako nang bumukas ang ilaw, nakarinig ako ng yabag. Inabangan ko siya, nang marinig ko na malapit na siya, pumunta ako sa harap niya at binuhusan siya ng tubig.

Nanlaki ang mata ko nang makita si... Eli!

"Fuck!" Sigaw niya habang nakatingin sa damit niya.

"Sir! Sorry sir!" Paumanhin ko habang pinupunasan yung damit niya na basang-basa dahil sa pag-tapon ko ng tubig.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Stop." Maawtoridad na sambit niya. Hinubad niya ang damit niya at saka binigay sa'kin.

"Wash this." Utos niya ,pero sa halip na kunin yung damit niya, napatingin ako sa katawan niya. Damn.

"Ang sarap..." Bulong ko.

"What?" Tanong ni Eli. Nanlaki ang mata ko nang marealize ang sinabi ko.

"Ang s-sarap! Ang sarap mag-laba! Woooh laba laba sa hatinggabi! Ang saya!" Palusot ko at saka pumunta sa lababo para labhan yung damit niya. Sumayaw sayaw pa ko habang nagkukusot.

Maya-maya, liningon ko siya. Nandun pa rin siya, nakatayo at nakatingin sa akin. Iniwas niya ang tingin niya at saka pumunta na sa kwarto niya.

Napa-hinga ako ng maluwag. Oh my, feeling ko namumula ako. He's damn hot!

____

Kinabukasan, nagising ako ng maaga, dinala ko na yung damit ni Eli sa room niya. Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Tinitigan ko siya. Ang perfect ng features, his eyes, nose, lips, everything seems perfect. He's too good for my eyes. Ang gwapo gwapo talaga.

Pagkatapos nun, nag-ayos na ako at saka bumaba para hintayin silang dalawa. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay bumaba na sila.

"Sir, dinala ko na po 'yung damit mo sa kwarto mo." Sambit ko. Napatingin sa'kin sila ate Lia, Bianca at Mel. Nanlaki ang mata ni Eli.

"I told you not to enter my room without my permission." Inis na sambit niya. Magsasalita pa sana ako nang maglakad na siya. "Eldrich, let's go." Sambit niya pa, nauna na sila sa kotse. Naiwan akong nakatulala.

"Uy Pen, ano 'yun ha?" Usisa ni ate Lia.

"May ginawa kayo ni sir kagabi?" Tanong naman ni ate Mel.

"Kaya pala maingay sa sala kagabi.." Bulong ni ate Lia.

Napatingin ako sakanila.

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

"Sus, wag ka na mahiya. First time mo?" Tanong ni ate Mel. Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi nila?

Pero teka, bakit parang galit sa'kin si sir? Ano kayang nagawa ko? O baka may problema siya?

____

Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama sila Aud. Ilang araw na ang nakalipas, ilang araw na din na sinusungitan ako ni Eli. Well, wala namang bago doon kasi diba dati pa naman, talagang masungit na siya. Pero, akala ko okay na kami. Nakakausap ko na siya hanggang sa biglang parang iniwasan na niya ko, yamot siya sa'kin palagi, di niya ko pinapansin and I don't have any idea kung bakit ganun.

"Napanood niyo yung bagong commercial ni Eli?" Tanong ni Lele.

"Oo, ang gwapo niya nga eh! Na-convince niya tuloy ako bumili ng growee!" Sambit naman ni Michelle sabay labas nung binili niyang growee.

"Siguro para sa atin yung ineendorse niya na pangpatangkad, di kasi natin siya ma-reach, masyado siya mataas!" Sigaw ni Aud.

Napatingin ako dun sa growee. Bakit ako, abot kamay ko siya pero ang layo niya pa rin sa'kin. He's a star, while I am just a.... nothing.

"Speaking of Eli, there he is!" Sigaw ni Lele sabay nguso sa direksyon kung nasaan si Eli.

Palabas na siya sa cafeteria, may nagpapapicture sakanya na mga babae. Tumayo at saka sinundan siya. Umakyat siya sa third floor. Nang kumonti na ang tao, tinawag ko siya.

"Sir!" Tawag ko sakanya. Napatigil siya at saka nilingon ako.

"Sir, teka lang!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sakanya.

"What?" Masungit na tanong niya.

"Galit ka ba sa'kin? Sorry sir, sorry po kung pumasok ako sa room niyo nung isang araw, o baka naiirita kayo sa'kin? Sorry po, hindi na ko magiging makulit. Behave na ko!"

Di siya sumagot, tinitigan niya lang ako. Maya-maya, tinalikuran niya ko at saka nagpatuloy na maglakad pababa ng hagdan.

"Sir!" Tawag ko ulit.

"What?!" Galit na tanong niya.

"Ano po bang nagawa ko? Ilang araw na kayong ganyan sa'kin eh." Sambit ko pero di niya ko pinansin.

"Sir, sabihin mo nama---"

"Damn! Nag-alala ako sa'yo!" Sigaw niya.

"I waited for you! I called you for almost a hundred times! I thought something bad happened to you! Damn it, Penelope! I was so fucking worried!"

Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Nananaginip ba ako?

"Sir..." Tanging nasambit ko. Bumaba na siya ng hagdan. Again, he left me dumbfounded.

___________________________________________________________

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon