Chapter 26

968 29 8
                                    

Pen's POV

"A-Ate Bianca.." Nanghihinang sambit ko.

"Paano ka napunta dito?" Tanong niya. Natahimik ako, di ako makapaniwala.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya ulit.

"Bakit m---"

Naputol ang sasabihin ko nang may narinig akong malakas na kalabog at iyak.

"Umalis ka na, Pen. Marami pa kong gagawin." Sambit niya at saka nagmadaling sinara ang pinto. Naiwan ako sa harap ng bahay niya, tulala at di pa rin makapaniwala.

Paano niya nagawa 'yun? Ganun ba kalaki ang galit nya sa'kin?

___

Pagdating ko sa mansion, naabutan ko si Eli sa sofa, natutulog. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Nakokonsensya ako, kailangan niya pa tuloy madamay. Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Pen?" Tawag niya sa'kin.

"San ka galing?" Tanong niya pa at saka dahan-dahang umupo habang nagkukusot pa ng mata.

"Dumaan lang ako kila mama." Palusot ko. "Bakit dyan ka natutulog? Hinihintay mo ko no?" Pagbibiro ko.

"Uhm kinda, but I just thought the sofa looks soft so I tried sleeping on it." Sagot naman niya. Nagkunwari naman akong nagtatampo. Natawa siya ng mahina.

"Alright, I waited for you. I missed you." Bulong niya, akmang hahawiin ang buhok ko nang may bumukas na pinto. Napa-tayo ako ng mabilis at agad na tumalikod kay Eli.

"Oh Pen, bakit ngayon ka lang? Ako na tuloy ang nagpatulog kay Eldrich." Sambit ni ate Mel.

"Sorry, ate. May dinaanan lang akong importante."

Tumango siya at tinapik ako sa balikat.

"Ay sir, napalitan ko na rin po 'yung sapin ng kama niyo. Pwede na po kayong humiga doon." Pahabol na sabi niya kay Eli.

Napahawak siya sa batok. "Thank you."

Nang pumunta si ate Mel sa kusina ay nagkatinginan kami ni Eli at saka tumawa.

"Muntik nanaman tayo dun!" Natatawang sambit ko. Hinila niya ulit ako, kaya napa-upo ako sa hita niya. Sandaling natulala ako pero nagising din sa realidad at agad na tumayo.

"Baka bumalik si ate Mel." Bulong ko.

"Two minutes lang."

Huminga ako ng malalim.


"Tara nalang sa kwarto?" Aya niya. Nanlaki ang mata ko.

"Ha?"

"Tara sa kwarto, matulog na tayo." Paglilinaw niya.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon