Chapter 3

1.6K 39 8
                                    

Pen's POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo, dumating na araw na hinihintay ko! Ang unang araw ko bilang babysitter at bilang estudyante ng Berkshire High!

Nagising ako ng 4am, nag-ayos na agad ako at nagpaalam kila mama at ate tapos pumunta na ko sa mansion.

"Goodmorning, ma'am Ana!" Bati ko sakanya. She responded with a smile.

"Yung pinausapan na'tin ah." Pagpapaalala niya, nag-nod ako for a yes.

"Oh and by the way, keep this as a secret. Your job as a babysitter should be confidential. For sure, your family knew about this, ask them not to tell this to anyone, okay?" Tanong niya.

"Opo, ma'am!" Sagot ko naman.

"Sige na I gotta go, just wait for Eldrich, palabas na 'yun." Sambit niya bago umalis.

Halos makatulog na ko sa sofa, akala ko ba palabas na si Eldrich eh isang oras na yata akong naghihintay dito!

Maya-maya, sa wakas bumaba na din si Eldrich saka si....omg si Eli!

"Goodmorning sir Eli! Goodmorning baby Eldrich!" I greeted while smiling widely.

Dire-diretso lang sa paglalakad si Eli, habang si Eldrich naman ay umapir sa'kin. Buti pa yung bata mabait!

Umupo silang dalawa sa sofa, busy si Eli sa pagi-ipad habang si Eldrich naman ay sinusuotan ng sapatos ng nanny niya. Tahimik ang buong bahay, at ayoko ng katahimikan kaya binasag ko yun.

"Did you ate a lot of vegetables today?" Tanong ko kay Eldrich.

"Yes, I ate one two three four...eight vegetables!" Sagot niya sabay pakita sa'kin ng five gamit ang kamay niya.

"That's not eight, that's five!"

"Basta I ate a lot! I cannot count it, I think I will be as strong as superman!" Sigaw niya. Pinisil ko ang cheeks niya, ang adorable talaga!

"Eh how about your kuya?" Tanong ko sabay tingin sa kuya Eli niya, he's wearing a headset, kaya malamang di niya ko maririnig.

"He also ate a lot!" Sagot niya.

"A lot of vegetables?"

"No! Papers! He's always eating a lot of that!" Sambit niya sabay tawa. Natawa nalang din ako. Napatingin ako kay Eli, nakatingin siya sa amin ni Eldrich habang nakakunot ang noo pero agad na binalik ang tingin sa ipad niya.

Nang matapos ng mag-ayos si Eldrich ay tumayo na kami, pumasok na silang dalawa sa kotse, susunod sana ako sakanila nang pagsarhan ako ng pinto ni Eli. Ang bastos!

"Doon po kayo." Sambit ni manong driver sabay turo sa isang kotse. Nakasimangot akong sumakay doon.

Oo nga pala, confidential nga pala 'tong trabaho ko. Hays.

"Goodmorning po! Pen nga po pala!" Pagpapakilala ko kay manong driver.

"Goodmorning, Pen. Kuya Eman nalang ang itawag mo sa'kin ." Bati naman niya pabalik.

Mahigit isang oras din ang byahe papunta sa school. Pagdating namin sa harap ng school, kumabog ang dibdib ko. Omg, this is it!

Bumaba na ako sa kotse, natulala ako sa laki ng school na'to. Parang dati, sa magazine ko lang to nakikita, pero ngayon nasa harap ko na. It feels surreal!

"Ahhhhhhh! Hello Berkshire, andito na ko!" Sigaw ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mapatingin ang mga estudyante sa'kin. Shocks, napalakas yata.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon