Pen's POV
Napabalikwas ako ng bangon nang mag-alarm ang phone ko. Agad akong nag-ayos para pumasok sa school. Ilang minuto lang akong naghintay kila baby Eldrich. Pagkababa nila ay binati ko kaagad sila.
"Good morning!" Masiglang bati ko, nginitian lang ako ni Eli. Mukhang wala sa mood. Agad naman akong niyakap ni baby Eldrich at saka umupo, hinihintay na suotan ko siya ng sapatos. Pinisil ko muna ang cheeks nya bago kunin ang sapatos niya.
Paalis na sana kami nang may pamilyar na boses ang tumawag sa'kin. "Pen.."
Liningon ko siya. Si ate Bianca, may suot siyang malaking bag, mukhang may pupuntahan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Salamat." Bakas sa tono ng pananalita niya ang sinseridad.
"Para saan, ate?" Tanong ko.
"Sa lahat. Sa pagiging mabait mo sa'kin. Sa pagpaparamdam sa'kin na hindi ako masamang tao. Maraming salamat, at pasensya ka na." Sambit niya. Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko anytime.
Tumingin naman siya kay Eli. "Sa'yo din Elias, at pati na rin sa nagawa ko sa kapatid mo."
"Kailangan ko ng umalis, gusto kong magsimula ulit at hindi ko 'yun magagawa kung mananatili ako dito, maaalala ko lang ang nangyari sa nanay ko. Magsisimula na kong umahon ulit." Sambit niya pa. Lumapit siya kay Eli at hinawakan ang balikat nito.
"Maari ka ng pumunta sa puntod ni nanay. Sigurado akong miss na miss ka na niya."
Bago umalis, niyakap niya muna si Eldrich na malapit ng umiyak. Namaalam ulit siya samin at saka lumabas ng pinto.
____
Habang nasa byahe, panay ang tingin ko sa phone habang iniisip kung imemessege ko ba si Eli. Namaalam kasi siya sa'kin na dadaan muna siya sa sementeryo.
"Kuya Eman?" Tawag ko sakanya. "Pwede ba tayong pumunta sa pinakamalapit na sementeryo?"
"Malelate ka na yata e,"
"Okay lang kuya, announcement lang naman ng mga qualified for bgt eh." Sambit ko, dahil dun ay inikot niya na ang manibela.
Nang makarating kami doon, agad hinanap ng mata ko si Eli. Mabuti nalang kaunti lang ang tao ngayon. Pero hindi pa rin ako sigurado kung ito nga 'yung sementeryong tinutukoy nila.
Natanaw ko sa di kalayuan ang likod ni Eli. Nakaupo siya at may hawak na bulaklak. Agad akong lumapit, at umupo sa tabi niya. Ilang minuto lang siyang nakayuko, hindi ako umimik at hinayaang sakupin kami ng katahimikan.
"Nay, sorry." Bulong niya, nanginginig ang boses. Maya-maya, may tumulong luha sa mata niya.
"Sorry if you had to die to protect me. Sorry for causing too much burden to you and your family. If I can only turn back time, sana nung naririnig kong nagaaway sila mom at dad, tinakpan ko nalang ang tenga ko. Sana hindi nalang ako nag-attempt na tumalon. Sana nakinig nalang ako sa'yo, sana bumaba na kaagad ako nung sinabi mong bumaba ako. You kept on saying you love me and that you will always be there for me pero nung araw na 'yun nakalimutan ko yun lahat, I lost my mind, all I wanted is to die. Nakalimutan kong nandyan ka pala, may will pa ko para mabuhay. Mas naging nanay ka pa sa'kin, but I lost you. You lost because of me and i'm so sorry for that." Humihikbing sambit nya habang nakatingin sa lapida. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ Eli and Pen ]
Teen FictionSullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope Ariba, the babysitter of Elias' baby brother named Eldrich. Everything's going fine until a rumor spreads among the students of the Berkshire...