Chapter 27

906 22 1
                                    

Pen's POV

Nang gumising ako, naabutan ko si Eli na nakaupo sa tabi ko. Napa-ngiti agad ako, maya-maya lang, napaangat na ang ulo niya.

"Penelope.." Gulat na sambit niya. Pinisil niya ang kamay ko.

"What happened?" Nagaalalang tanong niya.

"Nahulog sa hagdan, clumsy ko kasi eh!" Natatawang sagot ko pero hindi siya natawa, seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"Seryoso nga, nahulog ako sa hagdan." Sambit ko. Huminga siya ng malalim.

"Be careful next time, okay?"

"I can't afford to lose you." Pabulong na dugtong niya pero enough para marinig ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong bakit?" Tanong naman niya.

"Bakit you can't afford to lose me?"

Sana dahil..

"Because you're important to me, Pen." Sagot niya.

Ofcourse, I am important to him because I healed him. Ano pa bang dahilan ang iniisip ko? Hays, Pen. You're being delusional.

He talked to me about what happened on school. People are looking for me daw, pero nung nalaman nilang naaksidente ako, nalungkot daw sila. Eli's not sure kung totoo bang nalungkot sila or they just want to show him na mababait sila pero deep inside they're celebrating.

"Hindi naman siguro." Sambit ko.

"Who knows,"

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, nag-ring ang phone niya. Sinagot niya iyon pero naka-silent kaya di ko narinig ang pinagusapan nila. Tumango tango lang si Eli.

"Okay, I'll be on my way." Sagot niya at saka binaba ang phone. Tumingin siya sa'kin, tumango agad ako kasi alam ko ng kailangan niyang umalis.

"Sorry, Pen. I'll be back." Bulong niya sabay halik sa noo ko. Nginitian ko siya.

Nang makaalis siya, nakatulog ako ng mababaw. Maya-maya, bumukas ang pinto. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, binukas ko ng kaunti ang mata ko pero nang makita kong si ate Bianca 'yun, pinikit ko ulit ang mata ko.

"Pen.." Panimula niya. Rinig ko sa boses niya ang pagka-lungkot.

"Sorry, kailangan mo pang madamay."

Ano? Akala ko...

"Naging mabait ka sa'kin kahit palagi kitang sinusungitan kaya nakokonsensya ako. Dapat si Elias lang ang gagantihan ko eh, pero dahil alam kong malapit ka sakanya, pati tuloy ikaw nadamay ko. Oo, Pen. Nahuhuli ko kayong dalawa ni Elias. Alam kong may gusto kayo sa isa't-isa. Napapasaya mo siya at ayokong nakikitang masaya siya, hindi niya deserve 'yun pagkatapos ng lahat ng ginawa niya samin. Dapat palagi siyang miserable. Kaya gusto ko siyang pabagsakin." Sambit niya.

Nang idilat ko ang mata ko, naglalakad na siya papunta sa pinto.

"Ate Bianca.." Tawag ko sakanya. Napatigil siya, hindi agad siya napa-lingon. Mukhang hindi niya inaasahan na gising ako at narinig ko ang mga sinabi niya.

Ngunit ilang sandali lang, nagpatuloy na siya sa paglalakad. Bubuksan niya na sana ang pinto nang sumalubong si mama at ate.

"Pen Pen!" Tawag sakin ni ate. Bakas ang saya sa mukha niya.

"Oh Bianca, andito ka pala. Tara may dala akong pagkain." Alok ni mama at saka inakbayan si ate Bianca. Hindi na nakatanggi si ate Bianca. Umupo sila sa parang maliit na sofa habang si ate, nasa tabi ko.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon