Chapter 25

1K 25 3
                                    

Pen's POV

"It is true. Eldrich is my son and Pen is the mother. Now, can we leave?" Eli said while holding my hand tightly.

Hinila niya ko patalikod sakanila, pero maya-maya napahinto siya.

"Now that I have spoken, I want you to stop bothering my girl. The moment you laid your hand or even your finger to Pen, I promise to make you pay for it." He said, looking furious. Tahimik pa rin silang lahat. He again held my hands and pull me away from the crowd.

"Hop in." Sambit niya. Sumunod ako at sumakay sa kotse niya. Sandali kaming natahimik, liningon ko siya. "Bakit mo sinabi 'yun? Baka lalo lang lumala ang sitwasyon."

"I don't care." Seryosong tugon niya.

"Celebrity ka, Sir. Hindi dap---"

"I don't fucking care, Pen. I want to protect you from them, I don't want you to get hurt."

"Pero pano ka? Baka pagalitan ka ng manager mo.."

"I'll be fine."

Hindi na ako nagsalita, nagmaneho na siya. Habang nasa byahe, may biglang pumasok sa isip ko. Nang makarating kami sa mansion, dumeretso ako sa room ko at saka humiga habang nakatingin sa kisame.

Maya-maya, nagulat ako nang bumukas ang pinto at ang mukha ni Eli ang nakita ko.

"Can I?" Tanong niya sabay turo sa tabi ko. Tumango ako. Humiga siya sa tabi ko.

"What if.." Sambit niya. Napalingon ako sakanya.

"What if totoo?"

Kumunot ang noo ko.

"Na anak natin si Eldrich?" Natatawang tanong ko. Natawa din siya ng bahagya at saka tumingin sa'kin.

"Ang sarap isipin." Mahinang sambit niya. Nanlaki ang mata ko.

"But don't worry, soon, we will be having our own Eldrich."

Dug dug dug.

Napahawak ako sa dibdib ko at saka nagmadaling bumangon.

"A-Ah Sir, m-may lakad pa pala ako!" Sambit ko at saka akmang tatayo nang bigla niya akong hilahin pa-higa.

"Can we stay like this a little longer?" Pakiusap niya. Tinignan ko siya, napaka-guwapo niya naman para tanggihan, at saka di ko rin naman maitatanggi na gusto ko pang manatili sa tabi niya ng matagal.

Ilang segundo lang kaming nakahiga habang nakatingin sa kisame.

"Pen?" Tawag niya sa'kin.

"Can you stop calling me sir?" Tanong niya.

"Po?"

"Stop calling me sir. I just find it weird now. I feel like 'love' or 'babe' suits better." Tugon niya. Natahimik ako, pero maya-maya lang ay bigla siyang tumawa.

"But kidding aside, stop calling me sir."

Tumango ako. "Yes, sir!" Sinamaan niya ko ng tingin.

"Call me sir or I'll kiss you?" Pananakot niya. "Kiss me." Natatawang tugon ko. Pumaibabaw siya sa'kin, napatigil tuloy ako sa pag-tawa.

Papalapit siya ng papalapit. Napa-pikit ako, hinihintay na lumapat ang labi niya sa labi ko. Pero biglang may tumunog kung saan kaya napa-tigil kami. Umayos na siya ng higa at kinapa ang bulsa niya.

"Hello?" Sagot niya rito.

"Heard about what happened in your school. Anong kalokohan 'yun, Elias? Balak mo bang mawalan ng trabaho? You're risking your career!" Rinig kong sabi ng kausap niya sa phone. Napa-hawak sa sentido si Eli. Umupo siya at nagsalita.

"Everything's alright. Chill, I know what I am doing." Kalmado pero naiinis na sagot niya.

"Chill? You expect us to chill? The hell, Elias. Sana inisip mo muna 'yung consequences ng gagawin mo. Career mo 'to, Elias." Galit na sagot naman ng kausap niya. Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi niya, mukhang tinggal na ni Eli ang loudpeak.

"Alright, let's talk about this later. I'm hanging up." Sambit ni Eli at saka binaba ang phone.

Lumapit ako sakanya. "Sorry..." Bulong ko.

"No, Pen. You don't need to be sorry."

"Kasalanan ko. I'm sorry." Sambit ko.

____

Kasalukuyan akong nasa byahe. Gustong-gusto ko na talaga malaman kung sino ang nagpakalat ng rumor na 'to.

Nang makarating ako doon, hinanap ko kaagad siya.

"Pen!" Sigaw ng pamilyar na boses. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Pete!" Bati ko sakanya.

"Halika, andun na si tito."

Sumunod ako sakanya. Hinatid niya ko sa opisina ng tito niya. Kinausap ko siya at sinabi ko 'yung kailangan ko. Thankfully, ka-trabaho niya pala yung pinadalhan ng article about samin nila Eli at Eldrich. Madali naming nahanap 'yung address nung nagpadala nito.

Hawak ko na 'yung papel nang makalabas ako sa opisina ng tito ni Pete.

"Nakuha mo?" Tanong ko. Ngumiti ako at saka tumango. "Salamat, Pete."

Nagmadali akong pumunta sa binigay nilang address. Mabuti nalang, medyo malapit lang 'to. Habang papalapit ako nang papalapit, palakas ng palakas din ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako, pero kailangan ko 'tong ituloy para kay Eli.

Maya-maya lang, nakarating na ko sa eskinita nila. Nag-tanong tanong ako sa mga tao doon.

"Alam niyo ho ba kung saan 'to?" Tanong ko sa ale na nagtitinda ng kamote. Tinignan niya ang hawak kong papel at tinuro ang pangatlong bahay sa dulo.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Ilang sandali pa, bumukas na ang pinto.

Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. P-Paano...

_____________________________________________________________
a/n: omg it's been a while! sorry for keeping you waiting, super busy talaga sa college huhu but i promise, I'll finish this story! mwa.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon