Pen's POV
"Tita, malapit na tayo?" Shae asked. Busy sa pagda-drive si ate Weng, which is tita ni Shae. We're on our way to Cavite.
"Ihing-ihi na ko, ta!" Sigaw ni Shae. "Lalabas na 'to! Sige ka, iihian ko 'tong kotse mo!"
Ginilid ni ate Weng ang kotse. Bumaba kami sa Jollibee. Napagdesisyunan namin na dito na lang din kumain ng lunch. In-abot namin samin 'yung order. Natulala ako sa cup ng coke. I saw Eli's face there. Napangiti ako ng mapait.
After lunch, we went back to the car. Mabuti na lang talaga at may kotse ang tita ni Shae, mahihirapan kasi kami bumyahe kung sakaling magco-commute, gawa ng kondisyon ni ate.
Nang makarating kami sa Cavite, may kakaiba akong naramdaman pero hindi ko nalang pinansin. Parang kagaya lang din sa Manila, kaya lang mas maraming puno at mas maliliit ang mga buildings.
Ilang sandali lang, nakarating na kami sa bahay ng tito ni Shae. It wasn't small nor too big, sakto lang. Maganda ang interior design, ang cozy lang.
Dito na muna nagpalipas ng gabi sila Shae at saka umuwi sa Manila kinabukasan.
"Wag mo kong kakalimutan ah! Message mo ko palagi. Susunod ako dito pag nag-college na ko." Naiiyak na sambit ni Shae at saka niyakap ako.
Okay naman rito, mababait ang mga kapitbahay. Mas tahimik.
Nagbukas ng pansitan si mama para makadagdag sa pang-araw araw namin, tuloy pa rin ang pagco-contest at gig ko sa mga bar. Nagi-inquire sa iba't-ibang institutes tuwing free time ko.
"Anak, tara na!" Tawag sa'kin ni mama. Kinembot kembot ko ang bewang ko para mag-kasya ang pantalon. Tumingin ako salamin at pinuyod ang buhok ko. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit bigla ko 'tong naramdaman. Nagising ako sa realidad nang tawagin ulit ako ni mama.
"Opo, ito na!" Sigaw ko. Dali-dali akong lumabas.
Pupunta kami sa Ospital ngayon para ipa-check up ang ulo ni ate, para masigurado na okay na 'to.
Hindi gaanong malayo ang Ospital mula sa bahay. Siguro ten minutes lang ang byahe. Nang makarating, umupo muna kami habang hinhintay ang doktor.
Nagpaalam muna ako kay mama para bumili ng pagkain sa cafeteria. Habang naglalakad ako, isang babae ang nakaagaw ng atensyon ko.
"Tita?" Tawag ko sakanya. Nang makita niya ko ay nanlaki din ang mata niya.
"P-Penelope, paano ka nakapunta rito?" Gulat na tanong niya.
"Dito na po kami sa Cavite nakatira nila mama. Pina-check up lang namin si ate." I explained. Tumango siya.
"Ikaw po? Bakit nasa Ospital ka? May nangyari po ba?" Tanong ko. A tear escaped her eye. Nanginginig ang kamay niya.
"S-Si kuya.." Bulong niya.
"Po?" Tanong ko.
"A-Ang papa mo, kritikal siya," Nanginginig na sambit niya. Nanlaki ang mata ko.
Pumasok ako sa silid kung saan naka-confine si papa. Halos madurog ang puso ko sa nakita ko, nakahiga siya sa kama at sobrang nanghihina. Maputla ang mga labi niya at naka-bonnet upang takpan ang ulo na sa tingin ko ay naubusan na ng buhok.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ Eli and Pen ]
Teen FictionSullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope Ariba, the babysitter of Elias' baby brother named Eldrich. Everything's going fine until a rumor spreads among the students of the Berkshire...