Pen's POV
Kasalukuyan akong nasa sala, hinihintay sila Eli at baby Eldrich. Maya-maya, bumaba na sila.
"Goodmorning, sir Eli and baby Eldrich!" Bati ko sakanila. Hinug ako ni baby Eldrich.
"Oh sir Eli, hug na rin." Sambit ko, napa-tingin siya sa akin. "Joke lang!" Dugtong ko.
Di siya nagsalita, naglakad na siya.
"Sir, galit ka sa'kin?" Tanong ko habang naka-sunod sakanya.
"O baka naman, nagseselos ka?" Tanong ko pa, napalingon siya kaya napatigil ako sa paglakad.
"Why would I?" Sagot niya at saka pumasok na sa kotse.
"Sus, why would I daw. Eh ganyang-ganyan dati si sir kay Abi eh.." Bulong ni ate Lia. Napalingon ako sakanya.
"Po?"
"Ganyan. Kunwari sinusungitan ka pag nandyan ka pero pag wala ka, nababaliw 'yan." Sambit niya. Kumunot ang noo ko.
"Hindi mo alam no? Nung nawala ka bigla, tarantang-taranta yan si sir eh. Panay tanong sa amin kung nasaan ka. Tapos nung birthday mo, humingi pa 'yan ng pabor sa'kin. Tanungin daw kita kung anong paborito mong flavor. Naku, mukhang tinamaan na sa'yo si sir."
Natawa ako sinabi niya.
"Haynako ate Lia, impossible. Ang taas kaya ni sir, masyado akong mababa para sa standards niya. Parang ginto siya tas bato lang ako. Impossible talaga." Sambit ko sabay ngumiti ng pilit. Tinapik niya ko sa balikat.
"Sige na, pasok na. Baka malate ka pa."
Nginitian ko siya at saka sumakay na sa kotse.
____
"Pen?" Tawag sa'kin ng kung sino. Liningon ko siya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Ikaw?"
Ngumiti siya ng malapad.
"I'm so glad I found you here. Wala pa akong kakilala dito eh." Sambit niya.
"Dito ka pumapasok?" Tanong ko. Tumango siya.
"Transferee, Freshman, taking up BS Accountancy." Sagot niya.
"Eh bakit ngayon lang kita nakita? Diba last month pa ang pasukan?" Tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ Eli and Pen ]
Teen FictionSullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope Ariba, the babysitter of Elias' baby brother named Eldrich. Everything's going fine until a rumor spreads among the students of the Berkshire...