Chapter 6

1.1K 33 0
                                    

Pen's POV

Kasalukuyan na akong nasa mansion, pinapakain ng dinner si baby Eldrich.

"Ate Pen, I don't like this." Sambit niya sabay turo sa ampalaya.

"You know what, favorite 'yan ni Mufasa!"

"I like Simba more, is this also his favorite?" Tanong naman niya.

"Yes, like father like son diba?"

Ngumiti siya saka pinilit na kinain 'yun.

"Lions do not eat vegetables." Biglang singit ni Eli habang naglalakad papuntang kusina. Napatingin si Eldrich sakanya, tapos sa akin.

"Mufasa and Simba are the Lion Kings, they eat everything!"

"Even humans?"

Napakamot ako ulo. Shet, paano ba 'to.

"Yes, they eat humans who don't eat ampalaya!" Sambit ko. Nanlaki ang mata niya at agad na inubos 'yung ampalaya. Natawa ako.

"Good boy!"

Pabalik na sa kwarto si Eli, tumingin muna siya sa amin. Umiling-iling siya, napakunot ang noo ko. Ano 'yun? Jinu-judge niya ba yung pagba-babysit ko? Hmp, baka nga di nila mapakain ng kahit anong gulay si Eldrich dati eh.

Pagkatapos kumain ni Eldrich, pinatulog ko na siya sa pamamagitan ng pagkanta ko. Nang makatulog na siya ay bumaba ako para mag-hugas ng pinagkainan niya. Naabutan ko yung nanny niya na nagaayos ng mga gamit sa kusina.

"Hi po." Bati ko sakanya, hindi siya umimik.

"Ikaw si ate Bianca diba? Yun kasi yung nakalagay sa contacts ko." Sambit ko pa.

"Ako nga." Tipid na sagot niya habang patuloy pa rin sa pagaayos ng mga gamit.

"Ako po pala si Penelope pero Pen nalang for short!" Pagpapakilala ko pero di niya ko pinansin.

Maya-maya, pumunta na rin siya sa lababo.

"Ako na maghuhugas nyan." Sambit niya.

"Ay hindi ate Bianca, ako na po." Pagtanggi ko.

"Ako na."

"Tayong dalawa nalang po?"

Di na siya sumagot at kinuha nalang yung mga platong dala ko, isa-isa niya itong sinabunan.

"Ilang taon ka na po bang nagtatrabaho dito?" Tanong ko habang hinuhugasan yung mga sinabunan niya.

"Apat."

"Wow! Ang tagal mo na pala talaga dito! Edi hindi pa pala pinapanganak si Eldrich, nagtatrabaho ka na dito?" Tanong ko.

"Oo." Maikling sagot niya.

"Kwento sa'kin ni ma'am Ana, matagal na din daw nagtatrabaho ang pamilya mo dito. Nasan na pala 'yung mama mo?"

Napatigil siya at saka tumingin sa'kin. Binitawan niya 'yung hawak niyang pinggan at umalis sa harap ko.

Bakit ganun ang reaksyon niya? May nasabi ba ako?

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko na katabi lang ng kwarto ni Eldrich. Magpe-prepare na sana ako sa pagtulog nang biglang mamatay ang ilaw. Pinuntahan ko 'yung switch pero naka-on naman ito. Lumabas ako ng kwarto at nakita na walang ilaw ang buong bahay.

"Pen!" Sigaw ni ate Lina, isa sa mga maid dito. Inabutan niya ako ng flashlight.

"Nasaan si sir Eli?" Tanong niya sa'kin, nagpa-panic na sila. Kumunot ang noo ko.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon