Chapter 32

807 28 0
                                    

Pen's POV

They say, first love never dies. No matter how much we bury it in the past, it will always prevail. It's incomparable, irreplaceable and just by looking at Eli's eyes, I can say that his love for her did not change, and I think, will never change.

"Sobrang ganda niya 'no?" Bulong ni Gianna. Tumango ako habang nakatingin pa rin kay Ms. Abigail. "Sobra," Sambit ko.

"So I would like to introduce to you all, Ms. Abigail Fuentes, an alumni of this school, a world-class performer!" Pagpapakilala ni Cleo.

Cleo also said na si Ms. Abigail daw ang magdi-direct sa performance namin, at sa mismong event. She'll also be one of the judge.

"Guys, break tayo 30 minutes. Mag-prepare kayo ng isang song, kakantahan niyo si Ms. Abigail." Sambit ni Callie. Nanlaki ang mata ko.

Agad akong umupo sa bench, tulala. Ano naman kaya ang kakantahin ko? Baka mapahiya ako sa harap ni Ms. Abigail!

"Okay, ready na ba kayo?" Tanong ni Cleo nang matapos ang 30 minutes time na binigay niya. Huminga ako ng malalim. Isa-isa kaming kumanta sa harap ni Ms. Abigail.

"Pen," Tawag sakin ni Cleo. Pumwesto ako sa gitna at nagsimulang kumanta, pumikit ako para lalong madama ang kanta.

"Fly me to the moon
And let me play among the stars
Let me know what Spring is like
On Jupiter and Mars.."

Binukas ko ang mata ko at tumungin kay Eli. He's also looking at me.

"In other words, hold my hand
In other words, darling, kiss me
Fill my heart with song
And let me sing forever more
You are all I worship
All I long for and adore
In other words, please be true
In other words, I love you"

Ngumiti siya sa'kin. But I know, there's something odd about his smile, umiwas kaagad ako ng tingin.

"Impressive. What's your name again?" Tanong ni Ms. Abigail. "Pen po." I answered.

"You know what, I feel like I already heard you before." Sambit niya habang inaalala kung saan niya ko narinig.

Nang matapos ang rehearsal, nauna na ako sa mansion. Hindi kaagad umuwi si Eli, may aasikasuhin siguro. Hinandaan ko ng meryenda si baby Eldrich at sinamahan siyang manood ng cartoons. Maya-maya lang, nakatulog na siya. Binuhat ko siya at inakyat sa kwarto niya. Bumaba ulit ako para mag-hugas ng pinagkainan namin.

"Why didn't you wait for me?"

Muntik ko ng mabagsak 'yung hinuhugasan kong plato nang sumulpot bigla si Eli. Naka-sando lang siya habang suot pa rin ang slacks.

"You should've texted me that you're going home already, sana naihatid kita." Dugtong niya pa, I sigh. "Hindi naman po kailangan."

Lumapit siya sa'kin habang umiinom ng tubig, sumandal siya sa wall at tinitigan ako. Lumunok ako saka nagsalita.

"Anong pakiramdam?" Tanong ko.

"Ng?" Nagtatakang tanong niya. "Na makita mo 'yung first love mo." Sagot ko naman. Ngumiti siya ng malapad.

"It feels... good." Sambit niya habang nakangiti pa rin, mukhang inaalala pa ang mga nangyari sakanila ni Ms. Abigail kanina. Nginitian ko siya ng pilit at saka binalik ang tingin sa mga platong hinuhugasan ko.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon