Pen's POV
Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi habang magkahawak ang kamay. Panay ang tingin ko sa kamay namin. Di pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eli kanina.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Uuwi. I wanna sleep." Sagot niya. Tumigil kami saglit, nilabas niya ang phone niya at may dinial.
"Hello? Pick us up here. Near the vistamall. Thank you." Sambit ni Eli through phone call.
Umupo kami sa waiting shed, maya-maya binitawan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya.
"I thought you don't wanna hold my hand?" Tanong niya.
"Hindi naman sa ganun, sir. N-naaawkward lang kasi ako..." Sagot ko.
"How about this?" Tanong niya sabay hila sa bewang ko palapit sakanya. Shet! Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko.
Hinawakan niya ang ulo ko at sinandal sa balikat niya.
"I haven't tell you this but you look beautiful tonight, Penelope." Bulong niya.
Mas lalong nag-init ang mukha ko. Umayos ako ng upo at tumingin sakanya.
"Seryoso ka ba sir? Hindi ba masyado akong mababa para sa taste mo?" Tanong ko.
"You know what, i'm a fan abstract. Those artworks that looks like chaos, a messy artwork, but if you look closely into it, you will see it's beauty." Sambit niya. Kumunot ang noo ko.
"So, abstract ako?" Tanong ko. Tumingin siya sa'kin saka tumawa.
"At first, to be honest, I didn't liked you. Your whole presence, how we bumped into each other. But as time passes by, I come to appreciate you. It's not hard to like you, Pen. You are amazing."
"Teka lang sir ah, pwede po bang mag-tagalog kayo? Kahit konti lang. Parang lalabasan na ng dugo 'tong ilong ko eh!" Sigaw ko.
"Akala ko ba natatakot ka tuwing nagta-tagalog ako?" Tanong niya. Nanlaki ang mata ko.
"Hindi na sir! Dati 'yun pero ngayon pwede ka na mag-tagalog. Ang hirap din kasi e hehe." Sambit ko, natawa naman siya.
Maya-maya, biglang may bumusina. Tumayo kami at lumapit doon. Nakita namin si kuya Robert. Agad kaming sumakay. Umupo ako sa front seat katabi ni kuya Robert habang si Eli nasa likod.
Sa kalagitnaan ng byahe namin, biglang humikab ng malakas si kuya Robert.
"Kuya, inaantok ka?" Tanong ko.
"Naku hindi, Pen. Kaya pa naman." Sagot ni kuya Robert.
"I'll drive." Sambit ni Eli.
"Sir---"
"Sige na, it's been a long day for you. Get some rest. Ako na bahala." Pagputol ni Eli sa sasabihin ni kuya Robert. Napahawak nalang sa batok si kuya Robert at tinigil ang kotse. Lumipat siya sa likod habang si Eli naman, lumipat sa front seat.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ Eli and Pen ]
Novela JuvenilSullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope Ariba, the babysitter of Elias' baby brother named Eldrich. Everything's going fine until a rumor spreads among the students of the Berkshire...