Everyone wants to be at the top. Everyone wants to be just like Ted Cernas. The man of every woman's dream and every man's nightmare. The man who got it all. The looks, the fame, the money and the voice that can melt an ice sculpture of a heart. Oh he have it all indeed. But he once hit rock bottom. He once know how it felt to crawl for dear life. How he nearly died picking up the pieces of his broken heart.
He loved Tem with everything in him that he started dreaming big for both of them. But when she left, she took with her his love and his dreams. All that's left of him was the feeling of regret that he ever loved her.
"Ayoko na Ted." Ha? Ano ang ayaw nito? Ayaw na nitong kumain? Himala ata. Sinigang na hipon ang ulam, paborito nito at mas malakas pa itong kumain kaysa sa kanya kapag ito ang ulam.
"Ayaw mo nang kumain? Busog ka na? May himala!" Biro niya dito ngunit hindi ito natawa at ni hindi man lang pinatulan ang pang-aasar niya. Nagsimula siyang mag-alala. "Mama bear, are you okay?" Sinipat niya ang ulo at leeg nito para tignan kung may lagnat ito ngunit wala naman. 'Mama bear' ang tawag niya dito at 'Papa bear' naman ang tawag nito sa kanya. Anak naman nila si Teddy bear na ipinanganak sa amusement park. Madalas silang kantyawan ng mga kaibigan nila lalo na nina Kristoff at Bianca na ang baduy daw ng endearment nila.
"Ayoko na. Maghiwalay na tayo." Seryoso pa din ang mukhang sabi nito.
"Ano na naman bang trip mo, Clarity Mae?" Natatawang tanong niya dito. Madalas naman kasi nitong gawin na pagtripan siya na makikipaghiwalay daw ito kuno.
"Seryoso ako Ted. Ayoko na. Hindi ko alam kung paano pero nagising nalang ako isang araw, hindi na kita mahal." Hindi niya alam pero para siyang nabingi. Kinakabahan din siya dahil kahit kailan hindi ito ganito kaseryoso kung magsalita.
"Stop this nonsense." Tiim bagang na sabi niya dito. Ayaw niya ang pinag-uusapan nila.
"No. Let us both face it. Wala nang patutunguhan ang relasyon na ito. Wala na tayong oras para sa isa't isa. We grew apart, can you not see it? We drifted away from each other." Ibinagsak niya ang kubyertos na hawak niya.
"I said stop! Kung tungkol ito sa offer na natanggap ko galing sa Blackjack Records, kung gusto mo lang tanggapin ko iyon kaya ka nagkakaganyan ay itigil mo na. Hindi na magbabago ang isip ko. I'm not going to accept the offer. There will be other opportunities for me." Kung tungkol lamang ito doon sa offer kaya siya nagdadrama ng ganito ay walang patutunguhan. He had already decided. Sure, it's a big opportunity. It's actually huge but he can't accept it. If he does then he needs to leave for US. Oo, pangarap niya yun pero pangarap niya ding tuparin ang mga pangarap na iyon kasama si Tem. Kasama ito sa pangarap niya.Marami pang oportunidad na dadating, naniniwala siya doon.
"Hindi. Hindi mo ako naiintindihan! When I said, we drifted that also goes for our dreams. Iba na ang pangarap ko. Suddenly, it doesn't include you anymore. Iba na ang gusto ko. Everything changed. I'm sorry." Sabi nito at parang gusto niyang magwala sa narinig. Papaanong magiiba ang lahat? Ganoon nalang ba kadaling magbago ang mga ito? Isang araw, hindi na siya kasama sa lahat ng pangarap nito na kung tutuusin ay parang hindi kapapani-paniwala. No, ayaw niyang maniwala dahil alam niya na imposible. Imposible dahil bakit yung kanya ay hindi nagbago? At habang buhay na atang hindi magbabago.
Tumayo ito at niligpit ang pinagkainan. Habang siya, tumigil ata sa pag-ikot ang mundo niya at sa pagtigil nito dahan-dahang gumuguho lahat sa paligid.
"Aalis na ako." Nataranta siya ng marinig ito galing kay Tem. Hindi pwede. Hindi ito pwedeng umalis nang hindi binabawi ang sinabi. Joke lang iyon. Alam niyang joke lang yun.
Bago pa ito tuluyang makarating sa pintuan ay maagap niya itong hinawakan. "Sabihin mo munang hindi totoo ang lahat ng sinabi mo. Na hindi ka talagang nakikipaghiwalay sa akin. Na mahal mo pa rin ako. Na walang nagbago sa mga pangarap natin. Na-na joke lang ang lahat ng iyon." Desperado. Yun siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.