CHAPTER 1

24 0 0
                                    

Unang araw ng klase ni Anne Clarisse Chua mula sa Peace of mind high school (POM). Siya ay nasa grade 12 na, sobrang excited siya dahil huling year na at gagraduate na siya, kung hindi lang talaga siya naabutan ng K-12 baka nagtatrabaho na siya at natulungan niya na ang kanyang ina sa financial. Nag-iisang anak lang kasi si Clarisse at maaga siyang naulila sa kanyang ama dahil sa nambabae ito. kaya talagang mahigpit si Aling Mirna sa kanyang anak pagdating sa love love na yan. bawal muna siyang magka boyfriend hanggat hindi pa siya nakakapag tapos ng pag-aaral.

Flashback

"Pa pa wag mo kaming iwan ni Mama hindi mo naba kami mahal?".

nagwawala si clarisse sobra siyang nasasaktan dahil sa nakita niya din na umiiyak ang kanyang ina. nahuli kasi ng kanyang ina ang kayang ama na may ibang babae. Dakilang play boy talaga ang kanyang ama. hindi na talaga ito nagtino kahit na may anak pa siya.

"Mirna, kunin mo ang anak mong ito hindi ako makaalis." sabi ng kanyang ama dahil sa nakayakap pa din ito sa kanyang katawan at siya pa ang inis.

Walang nagawa si Clarisse kundi ang pabayaan ang pag-alis ng kanyang ama. kaya bata pa lang si Clarisse ay talagang tinatak ng kanyang ina sa isipan niya na, wag basta-basta magtitiwala dahil pare-parehas lang ang mga lalaki. kapag nakuha na ang gusto mo iiwan ka nalang.

-End of flashback....

Pagkatapos makapag-ayos at makapag almusal si clarisse ay agad-agad na siyang naglakad papunta sa school. Malapit lang ang eskwelahan niya sa kanilang bahay, kaya naglakad na lamang siya upang makatipid sa pamasahe, sapagkat gusto niya matulungan si aling mirna. Lalo na't kung anu-ano na ang pinapasok na raket ng kanyang ina, minsan naglalabada ito, nagkakarpintero, nagaalaga ng bata sa kapitbahay, o nangangatulong. hindi kasi nakapagtapos ng pagaaral ang kanyang ina kaya todo kayod talaga ito dahil sa ayaw ni aling mirna na maranasan ang paghihirap niya sa kanyang ina. kaya dapat makapagtapos talaga ng pag-aaral si Clarisse.

Unang araw ng klase ay sobra talagang na-miss ni Clarisse ang kanyang mga kaibigan na sila Liza, Devi, Marie at Bon. Siya lang ang HUMSS student sa kanilang magkakaibigan at puro GAS na ang mga ito. Halos karamihan ng subject nila ay magkaklase sila. Ito ang mga kaibigan na naging close niya mula noong grade 11 pa lang siya. Mga kaibigan niya na lagi siyang inaasar pero masaya siya sa tuwing kasama niya ang mga ito.

Sa unang pag pasok nila sa klase nakita nila ang teacher nilang lalaki. Ito ay nakatalikod at nagsusulat ito sa board. ito ay disente at gwapo pero mukhang suplado. Nang umupo na ang magkakaibigan kasama si Clarisse ay humarap na ang kanilang teacher sa kanila at saka ito nagpakilala.

"Hello class I'm your Sir. Cian de Bellen, 21 years old and I will be your teacher in the subject of computer and sa ayaw at sa gusto niyo magiging teacher nyo talaga ako hahaha" Sabi niya habang nakangiti.

Habang si Sir Cian ay nagpapaliwanag ng mga requirements sa kanyang klase ay tila ang mga estudyante at nag-bubulungan at kinukuhanan siya ng picture na naka-stolen.

"Ang gwapo niya myghad huhuhu!" Sabi ni Ana habang kinikilig pa, ang pinaka-close ni Clarisse sa mga naging kaibigan niya.

"hay naku ang gwapo nga pero mukhang suplado!". Pabulong na sabi ni Clarisse.

Habang naririnig pa ni Clarisse ang mga bulungan ng mga kaklase niya. Siya ay natatawa nalang sapagkat para sa kanya hindi niya tipo ang kanilang teacher sa computer subject nila. hindi niya alam pero unang tingin pa lang niya dito at mainit na ang kanyang dugo. wala naman siyang magagawa dahil estudyante lang siya at ito ay teacher niya pa. Siguro dahil sa galit siya sa mga lalaki at wala siyang tiwala lalo na sa past experience ng kanyang ina.

Isa-isang tinawag ni Sir. Cian ang kanyang mga estudyante upang magpakilala ang mga ito at dahil nasa unahan nakaupo si Clarisse siya ang nauna para magpakilala.

"hello classmates. I'm Anne Clarisse Chua 17 Years old and I'm a HUMSS student. I hope this subject is enjoyable that's all thank you!".

"Bakit ka nag HUMSS ?". biglang tanong ni Sir Cian habang ito ay nakangiti kay Clarisse.

"Kasi po sir ang kukunin ko pong course sa college is education at under ng HUMSS po ang educ kaya ito po napili ko." Sagot naman ni Clarisse.

"Ah okay so good luck Ms. Chua, thank you!".

Hanggang sa naubos ang oras ng klase nila sa pagpapakilala. kaya naman agad-agad na nagpaalam si Sir. Cian sa Klase. Hindi alam ni Clarisse kung bakit nakakaramdam siya ng inis sa kanilang teacher, kumukulo ang dugo niya lalo na sa tuwing nakikita niya itong nakangiti kagaya kanina nung tinanong siya nito kung bakit HUMSS ang pinili niyang track.

Nang matapos ang Klase ni Clarisse binili niya agad ang mga kailangan niya sa klase sa iba't-ibang class subject niya, gaya ng INDEX CARD na pinadadala ni Sir. Cian. wala pa masyado school works pero parang pagod na pagod si Clarisse dahil sa napuyat siya kakaisip kung ano mangyayari kinabukasan dahil sa kabado siya kaya hindi siya makatulog. kaya pagkauwi pa lang niya sa bahay ay nakatulog agad siya.

Love encounterWhere stories live. Discover now