Natapos na din ang mga report ng bawat reporter at abala na ang lahat para sa darating na midterm exam.
Pati na din ang pag submit ng mga requirements for midterm grade.Sinikap ni Clarisse na mag review lalo na sa subject ni Sir Cian dahil yun ang medyo hirap siya na subject.
Pagkalipas ng weekends......
Gumising ng maaga si Clarisse para makapag almusal at maaga siya papasok dahil sa pupunta siyang library para makapag review, ang mga kaibigan naman niya ay sa bahay nalang daw sila magrereview. kaya mag-isa lang si Clarisse na nagaaral sa library.
Pagkarating sa eskwela agad siyang dumeretso sa library upang makapagreview na. Una niyang nireview ang mga subject na sa tingin niya ay medyo madali-dali at balak niyang ihuli ang subject niya kay Sir Cian.
Habang nag rereview si Clarisse. Siya ay nagtataka dahil may naaninag siya sa gilid ng kanyang mga mata na may tumitingin sa kanya. Ito ay nakaupo sa kabilang mesa na kahilera din ng puwesto ng mesa niya at sa tingin niya ay si Sir Cian na pinagmamasdan siya.
Hindi nga nagkamali si Clarisse dahil pagtingin niya dito ay agad itong ibinaling ang tingin sa libro na binabasa nito at nagmamadaling tumayo at lumabas ng library.
Hindi maintindihan ni Clarisse kung bakit ganon ang naging reaction ni Sir Cian sa kanya dahil parang nataranta ito ng nahuli niya na nakatingin ito sa kanya.
Napapangiti naman siya ng hindi na naman niya alam kung bakit. pero syempre ibinaling nalang niya ang sarili sa nirereview niya. nilabas niya agad ang notebook niya sa subject ni Sir Cian.
Pagkalipas ng oras, pumunta na si Clarisse sa waiting area, sa labas mismo ng classroom nila. Nakita niya agad ang kanyang mga kaibigan na nagkekwentuhan.
"hoy bessy saan ka galing?". Tanong ni Ana dito.
"Sa library bessy nagreview ako! why?" sagot naman ni clarisse.
Hinila ng mga magkakaibigan si Clarisse at saka ito......
"Bes ano pala nangyari kahapon?" tanong ni bon dito.
"What do you mean?" pabalik tanong naman ni Clarisse habang ang mga kaibigan niya ay abang na abang sa sasabihin niya.
"Gaga diba naiwan ka kahapon, ano ginawa ninyo ni Sir?" tanong ni Devi.
"Ay naku, Edi malamang binigay niya yung topic para sa reporting ko." sagot naman ni Clarisse habang nakakunot ang kanyang noo.
"Sure ka? wala na kayong ginawa?" tanong ni Ana.
"ewan ko sa inyo dyan! parang tanga! ano ba nasa isip ninyo? " pagsisimangot ni Clarisse.
"Wala nevermind nalang bessy, Sige na focus kana dyan sa nirereview mo, parating na yun si Sir." sabi ni Bon sabay pasok silang lahat sa classroom.
Nang makapasok na silang lahat sa room ay umupo na sila sa kani- kanilang sariling upuan hanggang sa pumasok na din si Sir Cian.
Nang mag tagpo ang mga mata ni Sir Cian at Clarisse ay para silang nailang sa isa't-isa. Agad-agad silang umiwas ng tingin sa isa't-isa, napansin naman ito ng kanyang mga kaibigan kaya naman ng tumingin ito kay Clarisse ay parang may kasalanan si Clarisse, parang sinasabi nitong nga ito na bakit naglilihim si Clarisse sa kanila.
Nang magsisimula na ang klase, syempre exam kaya pina arrange ni Sir. Cian ang kanyang mga estudyante ng one sit apart.
"Hmmm Ms. Chua can you collect 3 pesos each from your classmates para sa test paper ninyo?" Utos naman ni Sir Cian sa kanya.

YOU ARE READING
Love encounter
عاطفيةAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...