Natapos na din ang iba nilang exam sa ibang subject at huling araw na ito.
Sa huling araw na ito ang test nila ay kay Sir Cian nalang. Kaya pagpasok palang nila ay masaya sila ngunit itong si Clarisse ay badtrip at parang may sariling mundo dahil kapag breaktime hindi na ito sumasama sa kanyang mga kaibigan dahil sa ayaw niyang makita ang kinaiinisan niya, walang iba kundi si Eunice na kapatid pala ng jowa ng Sir Cian niya. At ang lagi niyang dahilan sa mga kaibigan niya ay nagtitipid siya. Kaya lang wala siyang magawa ngayong araw na ito dahil makikita niya si Sir Cian niya.
Habang siya ay nagbubuklat ng mga notes niya para makapag review kasama ang kanyang mga kaibigan ay biglang pumasok na si Sir Cian nila na at ikinagulat ng lahat dahil sa porma ng buhok nito.
"Good morning class!" Bati niya sa loob ng Klase. Tumingin naman siya kay Clarisse na nakabaling ang atensyon sa binabasang notes. Pasimpleng kinalabit naman ni Ana si Clarisse at tumingin lang ito ng saglit kay Sir Cian at agad din nag-alis ng tingin ito.
Papalakad si Sir Cian papunta sa kanyang lamesa at talagang naglakad siya sa direksyon nila Clarisse.
"Oh diba mukha na tayong magkakasing edad!" Biglang sabi nito at sabay tuktok sa lamesa nila Ana na katabi din ni Clarisse. Napatingin naman si Clarisse sa nakangising mukha ni Sir Cian niya. Agad niya itong tinarayan.
"Eh ano naman kung ganon?!" Bulong ni Clarisse sa kanyang sarili.
"Bessy ikaw ata pinariringgan ni Sir hehehe kinikilig ako sa inyo!" Bulong ni Ana kay Clarisse habang kinikilig pa ito.
"Tumigil ka nga diyan! Papansin lang yan!" Bulong din ni Clarisse dito.
"Okay class one sit apart nalang po!" Sabi ni Sir Cian sa klase.
kaya agad na nag-ayos ang klase at saka nagayos para makapag simula na mag exam.
"Clarisse!" tawag ni Ivan sabay lapit kay Clarisse.
"Oh ano yun?" Tanong naman ni Clarisse dito.
"Gusto ko lang sana mag sorry sa ginawa ni Eunice sayo! Pasensya kana talaga, sana maging friends pa din tayo!" Sabi nito sa kanya at mukha naman na sincere.
"Hayaan mo na yun tapos na yun tsaka bakit ikaw ang nagsosorry sakin siya dapat ang gumagawa nyan!" Sagot naman ni Clarisse.
"Okay Class go back to your sit, wag na magdaldalan!" biglang sabi ni Sir Cian sa klase at tumingin pa ito sa direksyon nila Clarisse na nakikipag usap kay Ivan. Tinarayan naman ito ni Clarisse.
"sige goodluck sa exam!" Bati ni Ivan sabay tapik sa balikat niya at saka ito bumalik sa upuan niya kaya ngumiti na lang si Clarisse dito.
Nakita naman ni Clarisse na parang sumama ang tingin ni Sir Cian niya kaya tinarayan niya ito.
Nang magsimula na sila sa exam. Pabalik-balik si Sir Cian sa pwesto ni Clarisse at parang ipinapakita nito ang bago niyang hairstyle. Gustong matawa ni Clarisse pero pinipigilan niya. Ang hairstyle kasi nito ay parang naka shark shape ang buhok nito kaya hindi maalis ang ngisi ni Clarisse. Si Sir Cian naman ay parang naiinis na kaya agad itong umupo at kinuha ang selpon para gawin niyang salamin ito at makita ang kanyang sarili.
Pilit na nag focus nalang si Clarisse sa exam. At agad din naman natapos hanggang sa pinapasa na ang test paper. Hindi na pinacheck ng Sir Cian nila at pinagbigyan silang asikauhin ang iba pa nilang requirements like Research paper at ang resume nila for the immersion.
Pagkatapos ng exam, pumunta si Clarisse sa restroom para dun tumawa ng tumawa dahil sa hindi na talaga niya kayang pigilan pa, lalo na kapag nakikita niya ang pagmumukha ng Sir Cian niya.Naabutan tuloy siya ng kanyang mga kaibigan na tumatawa.
YOU ARE READING
Love encounter
RomanceAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...