Sa pangalawang araw ng klase nila clarisse sa subject ni Sir. Cian ay boring na boring si Clarisse dahil sa ayaw niya talaga ang subject na computer pero ang mga kaibigan at kaklase niya ay tutok na tutok sa pagmumukha ni Sir Cian dahil sa angking kagwapuhan nito.
Ngunit itong si Clarisse naman ay naiinis sapagkat ang kanyang mga kaibigan ay nagbubulungan at nagtatawanan habang ang kanilang guro ay nagsasalita sa harapan. kaya hindi niya tuloy maintindihan yung lesson.Hanggang sa napansin ni Sir Cian na umiingay, kaya nagtawag siya ng maaaring mag-basa ng power point presentation na naka-projector, sa kanyang mga estudyante gamit ang index card na may mga pangalan ng mga ito, para naman makinig ang kanyang mga estudyante.
At dahil sa sineswerte ay nabunot ang index card ni Clarisse, kya naman kilig na kilig ang kanyang mga kaibigan.
Habang nagbabasa si Clarisse ay nakatingin si Sir. Cian sa kanya ng nakangiti pa ito sa kanya.
"hihihi kinikilig ako sana pag tinawag ako ni Sir tignan niya din ako ng ganyan myghad!" Sabi ni ana habang kinikilig pa.
nakaramdam ng kaba si Clarisse ng ngumiti ito sa kanya parang may paru-paro na nasa loob kanyang tyan at ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Nang matapos magbasa ni Clarisse ay umupo na siya at saka nagpaliwanag si Sir. Cian kung ano ang ibig paliwanag ng binasa ni Clarisse.
Ngunit nang magtawag ulit si Sir. Cian ay natawag na naman siya, kaya naman nagulat ang buong klase at tila inaasar si Clarisse ng kanyang mga kaibigan."Ms. Chua". tawag ng kanyang guro.
"Ako na naman? hay". inis na sabi ni Clarisse.
"Kasalanan ko ba na ikaw ang nabunot ko Ms. Chua?, Ano magagawa ko kahit anong gawin ko ikaw pa din ang nabubunot ko." Sabi ni Sir Cian na may pang-aasar.
kumanta naman ang katabi niyang si JM ng pusong ligaw habang ang mga kaibigan niya ay kinikilig ng sobra.
"hihihi kinikilig talaga ako bes para sayo" sabi ni Bon na katabi niya at isa sa mga ka-close niya na din.
"hay naku pinagtitripan ata ako nito ih, nakakagigil na ha". Pataray na pabulong ni Clarisse. at lalo pa siya naiinis dahil nakangiti na naman ito na parang nang-aasar pa.
kaya walang magawa si Clarisse kung hindi ang tumayo nalang at sundin ang inuutos ni Sir.Cian sa kanya.
Pagkatapos niya magbasa, nakatingin na naman sa kanya si Sir Cian na parang sinasabi nito na wag siya umupo at kailangan niya basahin ang kadugtong nung binasa niya kanina, kaya binasa ulit ni Clarisse ang sumunod na slide ng power point presentation. Ngunit nang babasahin niya na."hindi pa kita tinatawag hahahaha",
sabi ni Sir Cian na may halong pang-aasar.Badtrip na naman si Clarisse at hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magsalita.
"kasi nakatingin ka sakin kaya akala ko babasahin ko yun dahil kadugtong yun ng binasa ko kanina po Sir " .
"ayieeee" . kantyawan ng buong klase sa kanya.
"inaasar ka nila Ms. Chua oh hahaha". Sabi ng kanyang guro.
hindi malaman ni Clarisse kung ano nga ba ang kanyang mararamdaman kung inis ba o kilig sapagkat Yung ngiti ng kanyang guro ang nagpapagulo sa kanyang nararamdaman.
hanggang sa nasingit ni Sir Cian sa discussion pagiging tamad niya pagdating sa lagluluto na kahit hotdog nalang ay sunog pa, noodles na malata at itlog na naiwang nakadikit nalang sa kawali.
"Bessy pagluto mo na siya hindi pala marunong magluto si Sir eh". pang-aasar ni Bon sa kanya.
"Tumigil nga kayo puro kayo kalandian dyan eh". inis na sagot ni Clarisse dito.
"Ha puro kalandian ha sige hahhahaha, Sir pagluluto ka daw po ni Ms. Chua, marunong daw po siya magluto", biglang pag tawag ni Devi sa kanilang Sir Cian.
"hoy ano ba kayo, wala akong sinasabi, sinungaling". inis na sagot ni Clarisse.
"Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon, bukas at kailanman
Mula noon, bukas at kailanman
Mula noon, bukas at kailanman". kantahan ng mga kaibigan ni Clarisse na pinangunahan ni Liza.Si Sir Cian naman ay tawa ng tawa kaya lalo naginit ang ulo ni Clarisse. hanggang sa natapos ang klase at buong araw na badtrip si Clarisse.
"Kamusta ang klase anak?" tanong ni Aling Mirna sa kanyang anak na si Clarisse.
"Okay naman po mama!" sagot ni Clarisse na parang badtrip.
"Bakit parang galit ka? "
"Hindi po Ma, Pagod lang po ako, pahinga na po ako sa kwarto Ma."
"Sige anak pero kumain ka muna dyan hah aalis lang ako at may raket ulit ako, lock mo nalang ung pinto ng bahay kapag matutulog kana ah may dala naman akong susi."
"Okay po ma, ingat po kayo" sagot ni Clarisse.
Nang umalis na ang kanyang ina, kumain na siya at gumawa na siya ng mga assignment pati na rin ang report niya sa ibang subject ay sinimulan niya na. hanggang sa nakatulog na siya dahil sa pagod.

YOU ARE READING
Love encounter
RomansaAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...