Ginabi na si Clarisse at hindi pa siya nakakauwi dahil sa sunod-sunod na dating ng mga customer sa loob ng coffee shop. Pag gabi kasi maraming mga nagtatrabahong call center na malapit lang sa pwesto ng kanilang coffee shop. Naabutan na din ng malakas na ulan si Clarisse kaya namomroblema siya dahil sa wala siyang dalang payong.
"Girl nakakapagod myghad. Paano yan Girl mauna na ako may susundo sakin, yung kapatid kong lalaki. babush na ah. Ingat ka pauwi mo!" Paalam agad ni Marie.
"Cge girl ingat ka din!" Sagot ni Clarisse.
Naiwan na si Clarisse sa labas mismo ng Coffee shop habang umuulan ng pagkalakas-lakas. Hinihintay niyang huminto ngunit habang tumatagal ay lalo itong lumalakas kaya naisip na lamang niyang maligo. Binalutan niya ng plastik ang kanyang bag para hindi ito mabasa at buti nalang may baon siyang tsinelas.
Nang susugod na siya sa ulan.
"Oh my god!" Sigaw ni Clarisse dahil may lalaking biglang pumunta sa kanya para payungan siya nito.
"Wag kang nagpapaulan kasi!" Biglang sabi nito sa kanya ng may pagaalala.
"Sir Cian?!" Sabi ni Clarisse dahil sa hindi niya hindi kanina masyado nakilala.
"Oo ako toh si Sir Cian mo. Kalalabas ko lang kasi ng school at yung kotse ko malapit lang dito na nakaparada nakita kasi kita dyan magpapaulan, kaya sumabay kana sakin!" Sunod-sunod na sabi nito.
"Ha? hindi na po Sir okay lang po ako dito, iintayin ko nalang po na humina yung ulan!" Sagot niya rito.
"Hihintayin o susugod sa ulan? Eh kung magkasakit ka dyan?" Pagalit na sagot nito.
"Bakit kasi wala kang dalang payong mo? pasaway ka din eh!" Dagdag pa nito habang nakakunot ang noo.
"Galit ka po ba?" Tanong ni Clarisse.
"Hindi! pero malapit na kung hindi kapa sasabay magagalit na ako!" Sabi nito.
"Okay ito nga po!" Sabi ni Clarisse sabay silong sa payong ng kanyang Sir Cian. Hawak naman ni Sir Cian ang balikat nito na parang naka-akbay dahil para magkasya sila sa payong.
"Ang bango kaso masungit" Sabi ni Clarisse sa kanyang isipan dahil sa amoy baby ng kanyang Sir Cian.
"Sakay na!" Utos nito sa kanya. kaya wala ng nagawa pa si Clarisse kundi ang sumakay nalang para makauwi na din dahil bukas ay kailangan niyang makaatend sa orientation for their immersion.
"Ah sir Salamat po pala sa paghatid ha!" Sabi ni Clarisse dahil nasa harap na sila ng bahay nila. Saglit lang kasi ang biyahe kaya nga minsan walking distance lang ang ginagawa ni Clarisse. Kaso nga lang kasi malakas talaga ang ulan kaya hindi siya makauwi at buti nalang nandyan ang kanyang Sir Cian upang ihatid siya.
"No problem magdala ka kasi ng payong noh para hindi na nakakaabala!" Sagot naman nito na parang mainit ang ulo.
"okay po sir Salamat po, ingat po kayo pauwi pasensya na po sa abala!" Sabi ni Clarisse ng may diin ang huling salita.
Umalis naman agad ang Sir niya at agad siyang pumasok sa bahay.
"May toyo na naman ata, hindi ko naman sinabi sa kanya na ihatid ako tapos parang ako pa sinisisi niya!" pabulong na sabi ni Clarisse habang inaayos niya ang kanyang mga gamit dahil sa nakaplastik oa ito.
"Hoy anak anong bulong-bulong mo dyan?" Biglang sabi ng ina ni Clarisse.
"Ha wala po Ma! nakakainis lang po kasi bigla pong umulan ng malakas" Palusot ni Clarisse.
"Dapat kasi may dala kang payong. Ang tamad mo kasi magdala buti nalang naihatid ka ng teacher mo!" nakakahiya tuloy sa kanya!" Sabi ni Aling Mirna.

YOU ARE READING
Love encounter
RomansAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...