CHAPTER 15

0 0 0
                                    

Makalipas ng oras. Habang nasa biyahe sila ay tulog na tulog si Clarisse habang ang kanyang mga kaibigan ay kumakain pati na din ang mga iba pa nilang kaklase. Pero si Sir Cian naman at Sir Kurt ay nag-uusap at parang seryoso ang mga ito. Si Sir Kurt ay nakapwesto sa bandang bintana parehas sila ni Devi kaya malapit lang talaga ang pwesto ni Sir Cian kay Clarisse na tulog na tulog.

"Devi bakit tulog na tulog tong kaibigan mo puyat ba yan?" Tanong ni Sir Cian kay Devi.

"Ah Oo Sir hahahha!" Sagot naman ni Devi.

"Pinuyat siguro ni Sir!" Sabat naman ni Liza. kaya nagsitawanan ang mga nasa loob ng bus. Parang sanay na din kasi ang lahat na nagkakaroon ng asaran sa pagitan ng Sir Cian nila at kay Clarisse.

Nagising tuloy si Clarisse at pagdilat niya bumungad ang mukha ng Sir niya na tila nakatitig habang nakangisi sa kanya.

"Ano ba yan!" Reklamo agad ni Clarisse.

"Bakit inaano kita dyan?" Tanong agad ni Sir Cian sabay tawa.

"Ang aga-aga kasi ang harot!" Sagot naman ni Clarisse.

"Sorry na babe!" Pangaasar ulit nito sabay tawa.

"Haysssss!" Naghihimutok na si Clarisse.

"Bessy penge nga foods nagugutom ako!" Utos ni Clarisse kay Devi.

"Oh ayan!" agad naman siya binigyan ng baon nilang burger ni Devi.

"Gusto mo?" Alok ni Clarisse sa kanyang Sir.

"No okay lang ako!" Sagot naman ng kanyang Sir Cian.

Nakatitig lang sa kanya si Sir Cian kaya parang umuurong ang lahat ng mga kinakain niya pakiramdam niya busog na siya dahil sa titig ng kanyang Sir Cian.

"Pinagbaon mo ba ako ng swimming trunk?" Tanong nito sa kanya kaya dali-dali siyang nasamid.
At uminom ng tubig.

"AH ANO?" Tanong ni Clarisse rito dahil hindi na talaga niya kinakaya ang mga sinasabi sa kanya nito. Si Sir Kurt naman ay tumatawa lang pati ang mga kaibigan ni Clarisse.

"Ang sabi ko pinagbaon mo ba ako ng swimming trunk kasi sa tutuluyan natin mamaya may swimming pool!" Paliwanag nito sa kanya.

"Ewan ko sayo!" Sagot ni Clarisse sabay taray rito.

"Sungit!" Sabi ni Sir Cian sabay ngisi at titig ulit sa kumakain na si clarisse.

"Pwede bang wag mo akong tignan!" Pakiusap ni Clarisse dito.

"Bakit naman?" Pa-cute na tanong nito.

"Ewan ko sayo nakakainis kana!" Sagot ni Clarisse sabay tabi ulit ng kanyang kinakain at tsaka niya tinakpan ang kanyang mukha ng panyo niya para hindi niya makita ang Sir Cian niya na walang ibang ginawa kundi ang titigan siya.

Makalipas ng oras. Nakadating na din sila sa SPED school kaya bumaba na sila. Pagpasok nila may mga nakita sila kung paano magturo ang mga SPED teachers sa mga SPED students. At ayon dito, Modified curriculum ang ginagamit sa kanila tapos may mga suitable learning materials for specific disablity sa mga special students.

Mga iba't-ibang strategy na mahirap pala iapply kapag nagtuturo ng ganung klaseng bata. Gaya na lamang ng mga severe na kapag nag tantrums ay talagang nagwawala. Mga student na kulang sa pandinig na ginagamitan ng sign language, mga bulag na may librong sinasalat tapos ang bawat letra na nakalagay dito ay medyo matambok tapos sinasalat lang ito ng SPED student at marami pang iba. Karamihan din sa mga special children ay may mga special gifts and talent din sila. May mga magagaling mag drawing, magpintor kahit na may kulang sila sa pagiisip o sa bahagi ng kanilang katawan. May mga singer, dancer at marami pang iba na para sa iba ay mahirap gawin. Pero may kasabihan nga na kapag gusto may paraan kapag ayaw maraming dahilan kaya sa kabila ng kakulangan nila na yun mas matimbang pa din ang pangarap nila sa buhay.

Love encounterWhere stories live. Discover now