Maagang nagising si Clarisse dahil exam nila ngayong araw ng lunes at pupunta siya ng library para dun mag review.
Nang paakyat siya ng hagdan, nakasalubong niya ang kanyang Teacher na si Sir Cian. Nagkunwari siyang hindi niya ito nakita sa pamamagitan ng pagbaling niya ng atensyon sa pagbabasa ng text sa kanyang selpon. Nag earphone na din siya. Naaninag niya sa gilid ng kanyang mga mata na tinitignan siya nito at binabagalan ang paglakad nito.
"Iniintay ata nitong batiin ko siya ih. Manigas ka diyan. Dedma ka ngayon sakin!" Sabi ni Clarisse sa kanyang isipan.
Hanggang sa inunahan na siya nitong umakyat kaya dali-dali na siyang pumasok sa loob ng library.
Habang nagbabasa ng notes si Clarisse ay biglang dumating si Eunice sa kanyang pwesto at may mga kasama itong alipores.
"Hoy babae magusap nga tayo!" Sabi nito at malakas ang boses.
"Quiet plsss" Suway ng librarian.
Kaya huminga nalang ng malalim si Clarisse at lumabas sila ng library para doon mag-usap, sumunod naman agad ang mga alipores nito.
"Pwede ba tayo magusap?" Maangas na tanong ni Eunice.
"Nandito nga tayo sa labas diba nagtatanong kapa!" Maangas din na sagot ni Clarisse dahil umiinit na din ang kanyang ulo dahil sa babaeng ito.
"Wow ha pilosopo ka din eh noh! Girls mukhang may masasaktan na naman kayo oh!" Sabi ni Eunice sabay tingin sa kanyang mga alipores na maangas din.
"Ano ba problema ninyo?" tanong ni Clarisse dahil sa kaunti na lang ay mauubos na ang kanyang pasensya.
"Ikaw ang problema ko! ikaw! ikaw! ikaw!" Sabay duro ni Eunice kay Clarisse.
Buti nalang ang mga estudyante sa labas ng library ay wala dahil nasa kani-kanilang classroom na. Kaya walang nakakakita sa kanila.
"Ano ba! pwede ba ano ba kasi yun?!" Galit na tanong ni Clarisse.
"Kasi ikaw nilalande mo yung Ivan ko eh boyfriend ko yun. Plastikada at hampaslupa nga tapos malande pa! Mangaagaw ka!" Galit na galit na sabi ni Eunice sabay hila ng buhok ni Clarisse.
Hindi na napigilan din ni Clarisse ang galit niya kaya habang hila-hila ni Eunice ang kanyang buhok ay sinipa niya ang hita nito kaya agad na napalayo ito sa kanya.
"Hindi ko siya inaagaw sayo okay! At wala akong gusto sa kanya! Wala din akong pakealam kung kayo dahil may sarili akong buhay kaya wag mo ako sasabihan ng ganyan dahil hindi mo pa ako kilala!" Galit na sagot ni Clarisse habang hingal na hingal pa.
Tumayo ulit si Eunice at agad-agad na sinugod ng sabunot ulit si Clarisse habang ang nga alipores naman nito ay nasa tabi lang at nagbabantay dahil baka may biglang dumating.
"Ano ba! Ikaw babae ka nakakagigik kana ha! Hindi kita inaano pero ganyan ka! Buwiset!" Sambit ni Clarisse sabay tulak kay Eunice kaya si Eunice ay napalagapak sa semento.
"Anong nangyayari dito?" Biglang dating ni Sir Cian kasama ang mga kaibigan ni Clarisse at galit na galit pa ito.
Naabutan kasi ni Sir Cian si Eunice na putok ang nguso tapos magulo ang buhok at nakalagapak sa semento.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Biglang tanong ni Sir Cian kay Clarisse na parang siya ang sinisisi.
Habang ang mga alipores ni Eunice ay pasimpleng ngumingisi at si Eunice at nagpapaawa effect sa harap ni Sir Cian. Nakaramdam ng galit si Clarisse at kaunti nalang ay tutulo na ang kanyang luha kaya agad-agad siyang nag walk-out. Sumunod naman agad ang mga kaibigan nito.
"Bessy okay ka lang? Ano ba ang nangyari?" Nagaalalang tanong ni Ana kay Clarisse.
"Oo nga bessy! hala! Punta tayo clinic may sugat ka oh! pesteng Eunice yan napaka maldita talaga!" Galit na sabi ni Liza.
Naiiyak na sa galit si Clarisse at gusto niyang sugudin ang Sir Cian niya pero wala siyang magawa kaya nagtungo nalang sila papunta ng clinic kasama ang kanyang mga kaibigan.
Pagpasok nila ng clinic, nilagyan siya agad ng ointment ng nurse at naglakad na ang mga magkakaibigan palabas ng clinic. Nakasalubong naman nila si Eunice kasama ang mga alipores nito habang inaalalayan ito ni Sir Cian papuntang clinic din.
Tumingin naman ng masama si Sir Cian kay Clarisse kaya lalo itong nanggigil. Nang makalayo na silang magkakaibigan sa clinic, Sunod-sunod na nagtanong ang mga kaibigan nito.
"Bessy ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ulit ni Ana.
"Mamaya nalang bessy pwede? mag concentrate nalang tayo sa exam plsss!" Pakiusap naman ni Clarisse na parang naiiyak. kaya hindi na nagtangka pang magtanong ang mga kaibigan nito.
Natapos na din ang mga exam nila kaya agad na nagtungo si Clarisse ulit sa coffee shop para mag trabaho pinauna na din niyang umuwi ang kanyang mga kaibigan. habang nagma-mop si Clarisse ng sahig sa loob ng coffee shop. Naalala na naman niya ang pangyayari kanina at naluha siya bigla.
"Girl okay ka lang? bakit ka umiiyak?" Biglang tanong ni Marie dahil nakita siya nitong nakatulala habang may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
"Ha okay lang ako noh! Napuwing lang ako!" Pagpapalusot naman ni Clarisse.
"Ay naku gasgas na yang palusot na yan girl. Sige na! go sabihin mo na sakin kung ano problema mo!" Pangungumbinsi ni Marie.
"Wala nga sige na magtrabaho nalang tayo!" Sabi ni Clarisse sabay layo at saka ulit bumalik sa pagma-mop ng sahig.
Nang biglang may pumasok sa loob ng coffee shop at nagulat naman si Clarisse kaya hindi na niya ito nabati pa.
"Good evening po!" Bati ni Marie sa mga ito.
"Good evening too! Can I order one cappuccino, one brew cold coffee and..... Sis ano sayo?" Tanong naman ng isang babae na maganda kay bruhildang Eunice at kasama oa nila si Sir Cian na tumitingin ng pasimple kay Clarisse.
"Hmm Choco Coffee sakin ate!" Sagot naman ni Eunice sa babae na kahawak kamay ni Sir Cian.
Nagulat si Clarisse kaya agad siyang pumasok sa Restroom for employee ng coffee shop at dun siya nag labas ng sama ng loob.
"Hayy nakakainis kaya pala! Kaya pala mas kinampihan niya si Eunics dahil kapatid ni Eunice yung girlfriend niya! Buwiset sila magsama- sama sila!" Galit na sabi ni Clarisse habang mag-isa lang siya sa restroom. Nagpakawala lang siya ng init ng ulo at saka siya lumabas ng restroom. Pagkakabas niya.....
"Hmm hello Clarisse! Ask ko lang kung saan ung CR?" Biglang tanong ni Sir Cian na may pagkailang.
"Ha ayun sir ohh" sabay turo ni Clarisse sa kabilang pintuan lang ng pinasukan niyang restroom.
"Tanong tanong pa! bulag ba siya? Tusukin ko yang mata mo eh!" Bulong na sabi ni Clarisse habang papatalikod na siya kay Sir Cian niya.
"Ha Clarisse!?" Tawag ulit ni Sir Cian.
"Ano na naman ba yun?!" Galit na tanong ni Clarisse dito dahil hindi na talaga niya napigilan.
"Hmmm Sorry kanina!" Sagot nito sa kanya.
"Okay na po yun Sir! tapos na po yun at naiintindihan ko na yun!" Paliwanag naman ni Clarisse ng may diin, sabay walkout.
Nag focus nalang si Clarisse sa kanyang pagtatrabaho at buti nalang ay umalis na ang dahilan ng pagkainis niya.
YOU ARE READING
Love encounter
RomanceAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...
