CHAPTER 6

6 0 0
                                        

Natapos na din ang hell week at regular classes na naman pero syempre may program pa din sa school.

Ang Peace of Mind High School (POM) ay abalang-abala sa paghahanda para sa darating na Sportsfest.

Maaga pumasok si Clarisse sapagkat siya ang president ng klase at kinailangan niya umattend sa meeting para sa paghahanda ng sportsfest. Sa totoo lang ayaw niya umattend sa mga ganon na event, mas gusto nalang niya na matulog sa bahay maghapon o noh kaya tulungan ang kanyang ina sa paghahanap buhay.

Pagkadating niya sa school ay pumasok na siya sa Classroom. Sa isang Classroom na kung saan gaganapin ang meeting. Napag meetingan nila na kinakailangan na ang bawat track ay may partisipasyon pagdating sa Food Bazaar. kinailangan din na may representatib sa bawat track na sasali sa mga sports, like basketball, volleyball, badminton, chess, at scrable, pati na din ang pagiging muse sa mga sports ay kailangan.

Pagkatapos ng meeting ay dumeretso na agad si Clarisse sa classroom upang ibalita kung ano ang napag meetingan, nandun na din ang kanyang mga kaibigan pati na din si Ivan na ngumiti at unang bumati sa kanya.

"Hello Clarisse!" bati ni Ivan.

Ngiti lang ang sinukli ni Clarisse dito. Lumapit agad siya sa kanyang mga kaibigan.

"Bes musta ang meeting" tanong agad ni Bon.

"Ayun nga kailangan natin mag meeting lahat about dun, wala pa naman si Sir diba, meeting muna tayo!" Agad na sabi ni Clarisse.

"Guys meeting daw tayo!" Sigaw ni Devi sa Klase.

Kaya nag meeting sila agad, napag desisyunan ng lahat na ang ititinda nila para sa food bazaar ay mga streetfoods like kwek-kwek, fishball, squidballs, chicken balls, kikiam tapos ang drinks ay gulaman. Magtitinda din sila ng mga gummy candies na papangalanan nila ng k-pop artist like Park bo gummy worms. Okay na din ang mga sports representatib ang kulang nalang ay ang muse.

"So guys Muse nalang yung kulang po, kailangan natin nun lalo na sa basketball" Sabi ni Ana sa klase.

"Mag botohan na tayo!" Sabi ni liza.

Hanggang sa ang na botong muse ay walang kundi si Clarisse.
Walang na siyang nagawa sa mga gusto classmates niya.

"Bes ako bahala sayo later, bili tayo ng sportswear mo okie,ako mamimili sa mall!" Excited na sabi ni Liza.

"Okay" pilit na sabi ni Clarisse.

Nang mag uwian na dumeretso agad ang magkakaibigan sa mall ng kasama si Clarisse upang mabilhan siya ng mga kailangan. Si liza ang halos gumastos, siya kasi ang may kaya talaga sa buhay sa magkakaibigan. Si devi, Ana at Bon naman tama lang.

Dumeretso agad sila sa Department store...........

"Mga bes diba si Sir Cian yun?" tanong ni Bon.

Nakita kasi ng magkakaibigan si Sir Cian na may kasamang babae. Maganda ito dahil sa mahabang pilik mata, morena, sexy, maganda ang hugis ng mata, kikay pa kung manamit at medyo may katangkaran, hanggang balikat siya ni Sir Cian.

Magka-akbay pa ito habang tumitingin ng mga damit ang kasama nitong babae. Agad na nagtago ang magkakaibigan sa corner ng mga damit at palihim na sumilip sa Sir Cian nila.

Hindi maintindihan ni Clarisse pero nakaramdam siya ng inis at para siyang maiiyak sa nakita niya, kumirot ang kanyang puso, gusto niyang hablutin ang buhok ng babae at ilayo ito sa Sir Cian niya.

"Bes okay ka lang?!" Agad na tanong ni Ana na may pagaalala kay Clarisse.

Nakita kasi ni Ana na may pumapatak na luha sa mga mata ni Clarisse.

"Okay lang ako, halika na baka makita pa nila tayo dito!" walang gana na sagot Clarisse.

Umuwi agad ang magkakaibigan. Nakapili na kasi agad si liza ng susuotin ni Clarisse at ang napili nito ay ang Nike Crop top T-shirt with Dolphin Short na color navy blue. Pinatatakan na din nila ng sulat na GAS AND HUMSS sa mismong likod ng t-shirt nito dahil
Magkasama naman ang team nila sapagkat kaunti lamang sila, bale ang mga makakalaban nila ay ang STEM, ABM, Techvoc at ICT track.
Ang ipapartner naman na pampaa ni Clarisse dito ay Nike air shox ultra navy blue and pink na hiniram niya lang kay Liza.

"Bessy hindi ba parang masyadong Bulgar naman kung ito ang susuotin ko?" tanong ni Clarisse habang binababa ang crop top tshirt.

Sinukat ulit kasi ni Clarisse ang nabili nilang sportwear pagkauwi sa bahay ni liza kasama ang mga iba pa nilang kaibigan. Pagpapraktisan din kasi siya na ayusan ng mga ito para sa darating na sportsfest.

"Mas bagay sayo bessy kapag light color na make-up lang, mas simple, mas maganda kaya ang pipiliin kong color ng eyeshadow mo is light brown na may halong pink tapos konting blush on and then nude color na lipstick that's it, Oh diba pak!" pagpapaliwanag ni Liza habang inaayusan siya nito.

"Ang ganda mo bessy naku for sure magagandahan sayo si Sir Cian" sabat ni Ana.

"Ay naku tumigil nga kayo dyan kita niyong mag girlfriend kasama kanina eh!" pagalit sa sabi ni Clarisse.

"Selos ka naman?!" tanong ni Devi.

"hoy wag kayong ganyan nasasaktan ang bessy natin!" Singit ni Bon.

Walang ibang ginawa ang mga kaibigan ni Clarisse kundi ang mag Chikkahan tungkol kay Sir Cian, nagulat kasi sila na may kasama itong babae sa mall at mukhang girlfriend.

Hindi maintindihan ni Clarisse kung bakit siya nakakaramdam ng kirot sa kanyang puso, hanggang sa pag-uwi niya ay matamlay siya.

"Anak okay ka lang?" Bungad na tanong ng kanyang ina pagkarating dahil napansin siya nito na malungkot siya.

"Okay lang po ako Ma, Pagod lang po!" Sagot naman ni Clarisse.

"Saan kaba galing at na-late ka ng uwi?" tanong ulit ng kanyang ina.

"Sa mall po kasama ko sila Ana po, binilhan lang po nila ako ng susuotin sa sportfest po namin next week." Pagpapaliwanag ni Clarisse.

"Ah okay sige anak umakyat kana at magpahinga" sagot naman ng kanyang ina.

Umakyat na si Clarisse sa kwarto niya at sa sobrang pagod niya hindi na siya nakapag-ayos kaya nakatulog siya ng maaga.

"Bakit ako nandito?" tanong ni Clarisse sa kanyang sarili sapagkat nasa isang stage siya na maraming mga tao na naghihiyawan at nakita niya na may mga kasama din siya sa stage at puro mga nakagown ito. nakita niya din ang kanyang sarili na naka nude off-shoulder long back gown siya at may glitters na kumikinang habang ang kanyang buhok ay nakapulupot na nka-bun pero messy look tignan. may nakalagay din sa katawan niya na sash na nakalagay dictate dun na "Ms. friendship".

Hanggang sa may lalaki na lumapit sa kanya pero ang tanging nakikita niyang malinaw ay ang katawan nitong hindi ganon kalakihan pero maputi, nakapants ito at naka-polo shirt na kulay sky blue.
Lumapit ito sa kanya sa stage mismo at may binigay na isang tangkay ng red rose. kaya ang mga tao ay biglang umakyat din sa stage at ang natatandaan niya ay si Ana na kilig na kilig pa at isang bakla na hindi niya kilala pero niyugyog siya habang siya naman ay nakatulala at nakatingin sa isang blured guy na papababa ng stage mismo.

Sometimes I run, sometimes I hide, Sometimes I'm scaring you, All I really want is to hold you tight........🎶 (Alarm ringtone)

Bumangon agad si Clarisse ng nakatunganga, sapagkat napanaginipan na naman niya si Mr. Blured Guy, ang lalaki na nagbigay sa kanya ng isang tangkay ng rosas, tatlong beses niya na itong napapanagipan at para sa kanya napaka misteryoso nito.

Hindi mawala sa kanyang isipan ito. Araw-araw na pagpasok niya hinahanap niya sa pangangatawan ng mga lalaking estudyante kung sino si Mr. Blured Guy.

Love encounterWhere stories live. Discover now