CHAPTER 14

7 0 0
                                        

Nang dumating na ang araw ng Linggo inayos na ni Clarisse ang mga dapat niyang baunin. Para bukas dahil immersion na nila.

Dalawang araw kasi ang immersion nila at all in all na pupuntahan nilang lugar ay nasa pito. Monday ay Manila bulletin, PAG-ASA, SPED school sa manila. Tapos magiistay lang sila for one day sa Hotel sa manila at Pagdating naman ng Tuesday ang pupuntahan naman nila ay DOH, Engineering company, DEPED at pang huli ay ang senate.

Ring........Ring........

"Hello bessy, Oh bakit?" Tanong agad ni Clarisse sa tumatawag na si Ana.

"Bessy bukas tabi nalang kayo ni Devi ah!" Bungad agad sa kanya nito.

"Bati naba kayo?" Tanong naman niya rito.

"Oo bati na kami pero ikaw kasi gusto niyang katabi ih tapos tabi ko nalang si Liza kasi si Bon may katabi na din si Leasly" Paliwanag naman nito agad.

"Okay no problem, basta bukas walang male-late ah!" Paalala agad ni Clarisse.

"Opo inay!" Sagot naman nito sabay tawa.

"Gaga hahahha Sige babush na inaayos ko mga gamit ko eh!" Paalam agad ni Clarisse dito.

Nang paggabi. Hindi makatulog si Clarisse dahil parang excited siya para bukas, hindi niya malaman kung kakabahan ba siya o hindi.

Naiisip niya din bigla ang kanyang Sir Cian. naalala niya yung gabi na kung saan nanaginip siya about sa blured guy na naka sky blue polo shirt tapos bigla niyang nakita ang kanyang Sir Cian na nakasuot na ganun din. Hindi niya maintindihan kung bakit madalas niya napapanaginipan ang blured guy na yun tapos nacocompare niya yun lagi sa kanyang Sir Cian.

kaya nag research siya sa google about sa mga meaning ng panaginip at nakalagay dun na kapag madalas daw nananaginip about sa isang tao na hindi mo kilala o makilala ay soulmate mo daw yun at posible na magkatotoo daw yun.

Kinaumagahan, Pagdating ng alas-kwatro ng madaling araw ay hindi pa din siya makatulog dahil sa kakaisip sa blured guy niya.

"Hay nakakainis magpatulog ka naman ohhh jusme alas-kwatro na pala, hindi ma'n lang ako natulog" Sabi ni Clarisse sabay tingin sa alarm clock niya.

Kaya dali-dali siyang tumayo para maligo at kumain dahil kailangan mga 5:30 ay nasa school na siya.

Pagkatapos niyang kumain ay nagmadali na siyang maligo. Inayos na din niya ang mga dadalhin niya. Nag suot lang siya ng White shirt and maong pants tapos tsaka siya nag sapatos na color white. Naglagay lang siya ng light liptint and then nagpulbo siya tapos nagipit ng buhok na nakapalupot. Medyo kulot kasi siya at kunting hangin lang ay haggard ng tignan kaya madalas niyang tinatali ang kanyang buhok.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay nagsulat siya ng letter para sa kanyang ina na hanggang ngayon ay natutulog pa para alam nito na umalis na siya.

Naglakad na siya patungo sa kanilang school at pagbungad niya nandoon na ang kanyang mga kaibigan na nag-aabang sa kanya. Saktong alas-singko siya nakarating at may 30 minutes pa para magintay.

"Bessy I'm so excited!" Bungad agad ni Ana sa kanya.

"Same bessy!" Sagot naman niya dito na parang walang lakas dahil sa wala pa siyang tulog.

"Oh bakit parang hinang-hina ka?" Tanong ni Bon sa kanya.

"Oo nga parang may sakit ka!" Sabi naman ni Devi.

"Para kang zombie bessy hahahha ano nangyari sayo?" Tanong naman ni Liza.

"Puyat lang kasi sa work" Palusot ni Clarisse.

Love encounterWhere stories live. Discover now