CHAPTER 16

2 0 0
                                    

Natagpuan nalang ni Clarisse ang kanyang sarili na nasa kwarto na siya habang ang kanyang mga kaibigan ay nasa tabi niya at nagchi-chikahan.

"Bessy anong nangyari?" Tanong ni Clarisse sa mga ito.

"Ay naku bessy ayun nalulunod ka kanina. Diba marunong ka naman lumangoy nakapunta ka nga sa malalim na area ng pool eh! Bakit kanina eh bigla ka nagkaganon!?" Sunod-sunod na sabi ni Liza.

"Kasi bessy namanhid bigla yung paa ko tapos hindi ako makalangoy kaya ayun!" Paliwanag naman ni Clarisse

"By the way paano ako nakaligtas kanina. Sino sa inyo ang sumagip sakin?" Dagdag na tanong ni Clarisse.

"Hindi kami ang sumagip sayo kundi si Sir Cian. " Sabi ni Devi.

"Ha paano?" Tanong ni Clarisse ng may pagkagulat.

"Ay naku bessy kung alam mo lang kung gaano kataranta si Sir kanina sayo dahil sa wala kang malay nung sinagip ka niya. " Sabi ni Bon.

"Ito si Liza hinanap si Sir kanina at buti nalang nasa lobby lang si Sir kasama si Sir Kurt. Kaya ayun ang night shining armor mo niligtas ka!" Paliwanag ni Devi.

"At juskoo kinikilig ako hahahhah CPR pa ang ginawa ni Sir kanina sayo dahil sa wala kang malay at nakainom ka ng tubig!" Dagdag ni Ana.

"Ano?" Pasigaw na tanong ni Clarisse sabay hawak sa kanyang labi.

"Oo sis noh hahahha OMG kinikilig talaga ako sa inyo pero syempre dapat sa atin atin lang toh dahil baka mapagalitan si Sir dahil sayo jusko ka hindi ka nagiingat babae ka!" Sabi ni Liza.

Flashback.......

"Sir! Sir! Si Clarisse po nalulunod!" Sigaw ni Liza sa kanyang mga Sir habang hinihingal pa ito kakatakbo.

"Ha!" Sigaw ng dalawang teacher.

Agad na dumeretso si Sir Cian at nagtatakbo tapos tumalon siya sa pool hanggang sa nakuha niya na si Clarisse at nakaramdam pa siya ng kaba dahil wala itong malay. Kaya wala siyang choice kundi ang i-CPR si Clarisse.

Nang halikan niya na ang labi ni Clarisse ay nakaramdam siya ng kaba na tila hindi niya maintindihan sa lambot pa lang ng labi nito ay parang inaakit ulit ang kanya para mahalikan ulit ito. Pagkatapos niyang i-CPR si Clarisse at makita ito na umuubo dahil sa tubig na nainom nito ay agad na lumayo si Sir Cian hanggang sa nawalan na ng malay si Clarisse dahil sa pagod ng kanyang katawan.

Kaya wala na din nagawa si Sir Cian kundi ang buhatin si Clarisse at patuluyin na ito sa kwarto nito.

End of flashback.......

"Patingin nga paa mo!" Sabi ni Ana sabay hawak sa paa ni Clarisse.

"Aray!" Daing ni Clarisse.

"Hala bessy bakit namumula napano ba yan?" Tanong ni Ana ng may pag-aalala.

"Oo nga wait labas lang ako hingi ako ng pang first aid dyan sa paa mo!" Sabi ni Liza sabay labas sa kwarto.

Makalipas ng segundo may pumasok na.....

"Sir si Clarisse po kasi namamaga yung paa!" Sabi ni Ana kay Sir Cian na kakapasok lang at may dalang pang first aid.

"Ano ba kasi ginagawa mo sa sarili mo?" Pagalit na tanong ni Sir Cian dito kaya ang mga kaibigan ni Clarisse ay lumabas ng kwarto.

"Sir pasensya na po kayo!" Sagot ni Clarisse sabay yuko.

"Sa susunod kasi magiingat ka okay at saka kung hindi ka marunong lumangoy wag kang magtapang -tapangan na kaya mo sa malalim." Dagdag pa nito at parang namumula ang magkabilang tenga nito habang hinihilot ang paa ni Clarisse ng oil dahil sa pamamaga nito.

"Opo sir pero marunong naman po talaga ako kaya lang po kasi bigla pong namanhid yang paa ko kanina kaya himdi po ako nakalangoy pasensya na po talaga kayo!"

"Napano ba kasi ito?" Tanong nito ng may pag-aalala.

"Hindi ko po alam Sir eh!" Sagot ni Clarisse pero sumagi sa kanyang isip na dahil ito kay Eunice na inaway siya nung nakaraan na nasa school siya. Napadapa din kasi nun pero hindi naman niya naramdaman na sumakit ang paa niya at talagang tsumempo pa na immersion nila.

"Sa susunod magiingat ka okay!" Pagpapaalala ni Sir Cian ulit sabay tingin kay Clarisse.

"Opo sir!" Sagot ni Clarisse.

Nakaramdam ng init sa mukha si Clarisse dahil sa nakita niya ang labi ni Sir Cian niya na mamula-mula pa. Hanggang sa bigla sumagi sa kanyang isipan na kung ano ang nangyari kanina.  May nakita siya kaninang mukha na hawak ang kanyang mga pisngi habang nanlalabo ang kanyang paningin. At hindi siya makapaniwala na si Sir Cian niya ito.

"Aaahh S-Sir o-okay na po ako. Thank you po ulit!" Utal-utal na sabi ni Clarisse sabay bawi ng kanyang paa na may bandage na din mula sa kamay ng kanyang Sir Cian.

"O-Okay!" Utal din na sagot naman ni Sir Cian sabay labas ng kwarto.

Pagkatapos lumabas ng kwarto ito. Makalipas ng minuto ay may dala ng pagkain ang kanyang mga kaibigan.

"Oh saan galing yan?" Tanong bigla ni Clarisse dito.

"Kila Sir Cian libre daw nila sa atin. Oh ayan ubusin mo daw yan sabi ni Sir!" Sabi ni Liza sa kanya sabay abot nito sa kanya ng Burger king at may kasamang french fries tapos may gatas pa na kasamang bear brand sterilize.

"Hala nakakahiya naman! Bakit kayo walang gatas?" Tanong ni Clarisse sa kanyang mga kaibigan na kumakain dahil ang drinks nito ay softdrinks.

"Bessy kasi nag-alala sayo si Sir kaya gatas sayo!" Agad na sabi ni Ana.

"Bayan para naman akong bata!" Reklamo ni Clarisse.

"Sige na ubusin mo na yan baka mapagalitan kami ni Sir dahil hindi namin pinakain ang bebe niya hahahha!"  Sabi naman ni Bon.

Kaya wala ng nagawa si Clarisse kundi ang ubusin ang kinakain niya. Hindi niya din maiwasan na mapangiti dahil nakikita niya ang pagiging caring ng Sir Cian niya sa kanya.

Pero sumasagi pa din sa kanyang isip na kailangan niya ito pigilan kung ano ma'n ang nararamdaman niya dahil sa sitwasyon nilang dalawa. Sapagkat teacher ito ay siya ay estdyante lamang nito. Bukod dito, may girlfriend ito at ayaw niy na masira ito ng dahil sa kanya kaya hangga't maari, hangga't maaga kailangan niya ng pigilan ang nararamdaman niya. Lalo na't kailangan niya makapagtapos ng pag-aaral bago siya magpaligaw.

Makalipas ng minuto nakatulog na din ang kanyang mga kaibigan ngunit siya ay gising pa. Hindi kasi siya makaisip dahil sa nangyari kanina lalo na ang ginawang pag- CPR ng kanyang Sir Cian.

Dahan-dahan lumabas si Clarisse ng kwarto at umupo siya sa wooden  chair sa labas ng kwarto nila. Doon muna siya at nagpapahangin.

"Oh bakit gising kapa?" Biglang tanong ni Sir Cian na naglalakad.

"Ayyyy! sir naman ih haysss!" Gulat na sagot ni Clarisse sabay hawak sa kanyang dibdib.

"Ay sorry kung nagulat kita hahahhaha!" Sagot naman nito sabay ngisi.

Biglang nakaramdam ng awkward ang dalawa sa isa't-isa at wala ng nagsasalita sa kanila.

"Ah Sir pasensya na po kayo kanina ha nakaabala pa po tuloy ako sa inyo!" Pangungunang sabi ni Clarisse ng may pagka-ilang.

"Ah okay na yun hayaan mo na yun at saka nakakapag alala din naman noh kaya ginawa ko yun!" Sagot naman nito na ikinagulat ni Clarisse.

"Nagaalala siya sakin?!" Sabi ni Clarisse sa kanyang isipan. habang nakatingin kay Sir Cian na nakatingin din sa kanya.

"Ah Sir sige po pasok na po ako. Inaantok na po ako eh. Salamat po ulit!" Paalam ni Clarisse habang nagmamadali na pumasok sa kwarto.

Pagpasok niya ay sumandal siya sa pintuan habang nakahawak siya sa kanyang dibdib. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso niya at parang gusto niyang halikan ang labi ng kanyang Sir Cian na nakatitig sa kanya kaya taranta siyang pumasok sa kwarto. Buti nalang at tulog na tulog ang mga kaibigan niya kaya hindi ito nagigising sa kahit anong kaluskos niya. 






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love encounterWhere stories live. Discover now