CHAPTER 9

2 0 0
                                        

Kinabukasan ay badtrip ang dalawang magkaibigan na Ana at Clarisse habang si Bon naman ay okay dahil sa malapit na nito matapos ang research nila at mukhang okay ang mga kagrupo nila.

Magkakatabi ang magkakaibigan pero parang hindi sila nagpapansinan. Napagitnaan sa upuan si Clarisse nina Ana at Devi si Bon naman at nasa likod at abala ito sa kagrupo, si Liza naman ay hindi pa dumarating.

"Devi pwede ba kitang kausapin?" Tanong ni Clarisse.

"Wag na bessy!" bulong ni Ana sa kanya.

"Hindi ko na kasi matiis ih naiinis ako sa inyo ni Liza, lagi nalang kayong may excuse sa tuwing gagawa ng research parang hindi kayo kaibigan nahihirapan na si Ana sa paggawa tapos kayo walang ginawa kundi ang magpasarap sa mga jowa niyo!" Pagalit na pagpapakiwanag ni Clarisse dahil sa hindi na niya talaga mapigilan.

"Bessy kasi ano ihhhh!" pagdadahilan na naman ni Devi.

"Hindi hindi ko na kailangan ng excuse kasi alam ko naman na ang idadahilan ninyo!" pagalit na sabi ni Clarisse.

"Mga bessy anong nangyari!" Biglang singit ni Liza dahil dumating na ito.

"Tanungin mo sa kanya kung ano ang pinagusapan namin!" pagalit na sagot ni Clarisse, sabay irap kay Devi na nakayuko at mukhang napapaluha.

Hanggang sa dumating na si Sir Cian nila at parang may pagtatakang tingin kay Clarisse dahil sa nakabusangot ang mukha nito. Tinapos na nila ang klase at ang tanging ginawa lang nila ay ang mag review sa subject nila samantalang si Sir Cian ay may inaayos na grade sa kanyang laptop.

Nang matapos ang klase naisipan ni Clarisse na pumunta sa kanyang teacher sa research na si Sir Dave dahil sa kailangan niyang ipresinta ang nagawa na nilang research na malapit na din matapos, kaya sinamahan na siya ng kanyang mga kaibigan.

Nang kumatok siya sa loob ng faculty sumalubong agad si Sir Cian na todo ngisi sa kanya. Nakaramdam na naman ng kaba si Clarisse. Hindi niya maintindihan pero parang naiinlab na siya sa kanyang teacher.

"Sir si Sir dave po?" tanong ni Clarisse nito.

"Ayun siya ohh!" sabay turo nito kay Sir dave na may iba din kausap na estudyante na nagpapakonsulta din ng research nito.

"Akala ko naman ako!" pabulong ni Sir Cian sabay walkout at pumunta ito sa kanyang mga kaibigan na nagaantay sa labas ng faculty.

"Sir Good afternoon po ask ko lang po kung okay na po ba ito?" Tanong ni Clarisse kay Sir Dave

"Oo okay na toh nakapag pa presinta kana naman na sakin nung nakaraan ih! dun tayo sa labas!" yaya nito sa kanya.

Kaya lumabas na sila at dun sila nagpatuloy magusap dahil sa mag restroom lng si Sir Dave.

Habang naguusap si Sir Dave at Clarisse ay padaan-daan naman sa paligid nila si Sir Cian at nakangisi pa ito.

"Sir Cian ano sa tingin mo okay n toh diba?" biglang tanong ni Sir Dave kay Sir Cian na nakalapit na kay Clarisse.

"Ha ano yun?" tanong ni Sir Cian sabay lapit kay Clarisse.

Kinabahan si Clarisse sa ginawa ni Sir Cian dahil sa na-corner na siya nito at napasandal na siya sa pader sa labas ng faculty. nakalapit pa ang mukha nito sa kanya habang nakangisi. habang si Sir Dave ay todo ngiti sa kanilang dalawa at ang mga kaibigan naman ni Clarisse ay hinahampas na si Sir Cian dahil sa kinikilig na ang mga ito.

"Ang bango niya myghadd hooo!" Sabi ni Clarisse sa kanyang isip at hindi siya humihinga dahil sa sobrang lapit na ni Sir Cian sa kanya.

"Oh my god bessy hahahhahahah " biglang sigaw ni Devi.

Love encounterWhere stories live. Discover now