Natapos na ang buong week at mag Final na kaya naman ganoon pa din ang senaryo ng buhay ni Clarisse.
School at bahay lang. Tutok din siya sa kanyang pag-aaral dahil gusto niyang mapa-akyat ng stage ang kanyang ina sa darating na graduation niya lalo na't running siya bilang honor student sa track nila which is HUMSS at ang kanyang bestfriend naman na si Ana ay running din gaya niya pero GAS ang track nito.
Naghanap na din ng school na papasukan ang magkakaibigan at syempre nakapasa silang lahat sa mga inapplyan nilang school for college nila. Si liza nakatanggap ng scholarship sa Paris para kumuha ng course na fashion designer lalo na't mahilig ito sa pag dedesign ng mga damit. Si Devi naman ay kumuha ng Flight attendant sa school na Ateneo de manila at syempre scholar din siya dun. Si Bon naman ay mapupunta sa Canada para kumuha ng Accountancy. Si Ana naman ay kasama ni Clarisse na kumuha din ng scholarship sa Heart university at parehas silang education ang kinuha pero magkaiba ng major. Si Ana major in english at si Clarisse naman ay Major in Social science. Ang papasukan nila ay dito lang sa pilipinas at malapit lang sa kanilang uuwian.
Nakapagpasa na din ng mga requirements sila Clarisse syempre lahat sila tanggap sa mga school na ininquiran nila yun nga lang magkakalayo sila pero okay lang dahil para sa future naman nila yun.
Malapit na din magkaroon ng Immersion sila Clarisse at syempre kinailangan niya magipon para dun dahil medyo malaki-laki ang kailangan hindi naman niya pwede iasa lng sa kanyang ina ang lahat dahil sakto lamang ang sinesweldo nito. kaya naisipan ni Clarisse na mag part time Job tutal tatlo hanggang apat na oras lang naman siya pumapasok sa school.
Pumasok si Clarisse sa isang Coffee shop na malapit lang sa kanilang school para walking distance lang, natanggap naman siya agad at okay ang sweldo kaya siguradong makakapag ipon talaga siya.
Gumising na ng maaga si Clarisse upang pumasok na sa klase ni Sir Cian nila at dahil malapit na ang final exam ay kailangan nilang magmadali ng mga lessons.
"Okay class good morning so magsimula na tayo sa ating discussion" Sabi ni Sir Cian sa klase.
Kaya naman nagsimula na sila ngunit parang mainit ang ulo ni Sir Cian dahil sa daldalan ng klase.
"pssssss.... Ano ba yan diba nagmamadali tayo sa lesson. Ano magdadaldalan nalang ba kayo dyan ha?" Galit na suway ni Sir Cian sabay dabog ng whiteboard pen sa kanyang mesa.
"Kung ganyan kayo mas mabuti nalang na hindi natin ituloy ito. Ano itutuloy paba natin ito? kasi kung ako ang tatanungin okay lang sakin!" sunod-sunod na sabi ni Sir Cian.
Natahimik naman ang buong klase at hindi na naituloy ang klase dahil sa nag walk out bigla si Sir Cian.
"Guys mag self study nalang tayo wala naman tayo magagawa nagalit si Sir sa atin" sabi ni Liza sa klase.
"Bessy LQ ba kayo?" biglang tanong ni Ana kay Clarisse.
"Ha? LQ ka dyan hindi naman kami nun tsaka kilabutan ka nga kita mong teacher natin sya at isa pa may girlfriend yung tao kaya tumigil ka dyan!". Iritang sagot ni Clarisse dito.
"malay mo lang naman noh hehe" sagot ni Ana na parang may kilig pa.
"Hindi kasi nilambing ni bessy Clarisse natin kaya ganyan hahaaha" pang-aasar ni Bon.
"Tumigil nga kayo mag review nalang tayo!" suway ni Clarisse dito.
Hanggang sa mag tapos na ang klase ay hindi na sumipot pa ang Sir Cian nila.
Pagkauwi ni Clarisse ay hindi siya mapakali dahil sa iniisip niya ang Sir Cian niya na first time nagalit sa kanila. Dati kasi kahit magingay sila ay nakikisali pa ito pero nagulat siya sa pagbabago nito.
YOU ARE READING
Love encounter
DragosteAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...
