CHAPTER 4:

4 0 0
                                        


Nang makauwi na si clarisse sa kanila pagkatapos ng klase ay dumeretso, agad siya sa kwarto at kinuha niya ang laptop niya para masimulan niya na ang report na ibinigay ni Sir Cian sa kanya. Talagang sinikap niyang matapos ang PPT sa loob ng isang araw lang para naman isang araw din niya aaralin ang report niya. Dahil ayaw niya talagang mapahiya sa harap ng klase lalo na't kasama nya sa pagdidiscuss niya si Sir Cian.

Nang matapos niya na ang mga schoolworks niya at pati na din ang PPT presentation niya ay nag muni-muni muna siya.

Naisip niya bigla yung blured guy na dalawang beses niya ng napapanaginipan at nagtataka siya kung bakit ganun lagi ang senaryo ng panaginip niya. Naisip niya din ang teacher niyang si Sir Cian na kung bakit ganon ang trato sa kanya , na parang trip siya, noong una lagi siyang tinatawag kapag may discussion ngayon naman siya lang ang nabunot para sa unang magrereport.

"nakakainis ka, akala mo magpapatalo ako sayo, pinagtitripan mo talaga ako eh noh, bakit kaba ganyan ha, kapal mo ha, parang pinahihirapan mo pa ako hah, sino kaba para ganyanin mo ako ha!" inis na sabi ni Clarisse sa teddy bear stufftoy na hawak niya at habang sinusuntok niya ito dahil sa inis niya kay Sir Cian.

knock knock.........

"Anak sino kausap mo? may kaaway kaba?" tanong ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang kwarto dahil sa akala nito na may kinakausap siya.

"Ma wala po script lang po yun sa binabasa ko sa wattpad hehe!" palusot na sagot naman ni Clarisse.

Dumating na ang araw ng report presentation ni Clarisse at medyo kabado talaga siya dahil siya lang mag-isa. kaya naman inaral niya talaga ang topic na naka-assign sa kanya dahil ayaw niya mapahiya sa klase.

Pumasok na sa klase si Sir Cian at sinimulan niya na ang pagrereport niya.

"Good morning sir, Good morning classmates so I'm here in front to all of you to discuss about Chapter 1 which is all about empowerment technologies. So before we proceed to our topic, can you please give me some things that you know about the importance of technology in our country or in whole world?"

Nag si taasan naman ng kamay ang kanyang mga kaklase at isa-isa niya itong tinawag. natuwa naman si Sir Cian dahil nakita niya kung anong strategy ang ginawa ni Clarisse para naman makinig sa kanya ang mga kaklase nito.

Hanggang sa nadiscuss na din ni Clarisse ang mga nakapaloob sa Empowerment technology, isa na dito ang importance in using social media, ano ang dapat gawin sa pagamit ng social media.

"Sino po may tanong sa discussion?". pagpiprisinta ni Clarisse sa klase.

"Ako Ms. Chua, diba nabanggit mo na din yung importance in using social media, So nakapaloob din ba dito kung paano maging responsable in using social media like Facebook and many more? "
biglang tanong ni Sir Cian sa kanya.

"Syempre sir nakapaloob yun dito kung paano tayo magiging responsable sa pagamit ng social media, kung ano ang dapat gawing public at private na information tungkol sa atin, kasi po diba maraming mga hacker ngayon, maraming mga scam, kaya dapat maging maingat tayo sa lahat ng information na ilalagay natin sa account natin at dapat din po yung password na gagamitin natin ay mahirap hulaan at hindi natin dapat basta-basta binibigay yun kahit kanino." Pagpapaliwanag ni Clarisse.

"Kahit boyfriend mo pa? hindi mo ibibigay yung password mo? " biglang tanong ni Sir Cian. kaya nagsihiyawan ang buong klase.

"Syempre sir noh, for my privacy din yun at saka kung may tiwala siya sa sa akin, hindi niya ako dapat pilitin na ibigay yung Password ko sa kanya. ganun din siya, hindi ko siya dapat pilitin, kasi sa isang relasyon dapat may tinatawag na TRUST." malinaw na pagpapaliwanag ni Clarisse.

"Wowwwwwwww! tamaaaa! tamaaa!" sigawan ng mga kaklase niya.

"Ako kasi binigay ko yung password ko sa kanya ih" biglang sagot ni Sir Cian.

"Kanino po Sir? kay Clarisse po ba?" tanong ni liza na may pang-aasar.

"Pssssstt tumigil nga kayo!" saway ni Clarisse dito.

"Oo binigay ko sa kanya" sabay tingin kay Clarisse na nakangiti, kaya ang klase ay todo kilig.

Si Clarisse naman ay pilit niyang dinededma at kinukurot niya ang sarili niyang balat para hindi siya mawala sa report presentation niya. binabalewala niya ang kanyang teacher kahit pa mukhang nagpapa-cute ito sa kanya. Hanggang sa natapos na ang report niya kaya nakahinga na ng maayos si Clarisse.

"Thank you Ms. Chua. maganda yung presenatiom mo, parang hindi nga ako kailangan sumingit ih, magaling at talagang pinaghandaan mo hah." sabi nito sa kanya with a smiling face.

"Your always welcome po Sir!" sagot naman ni Clarisse dito.

"Sir pinaghandaan po talaga ng bessy namin yan kasi po syempre para mapansin niyo! hihihi" biglang singit ni devi.

Kaya tinapakan ni Clarisse ang paa nito sa ilalim ng lamesa.

"Aray! ano ba!" sigaw ni devi. habang tinitignan ni clarisse ito ng masama.

"napansin ko naman ih, Ang ganda nga ih!" biglang titig ni Sir Cian kay Clarisse.

tinignan naman din ni Clarisse ito at talagang tutok na tutok ang kanilang mga mata sa isa't-isa. hanggang sa....

"hahahaha ayieeeeeeee!" hiyawan na naman ng mga kaibigan ni Clarisse. buti nalang wala na ang ibang kaklase nila sa classroom at sila nalang ang natira para iligpit ang mga gamit nila dahil uwian na nila. tumatawa naman si Sir Cian.

Hindi maintindihan ni Clarisse ang kanyang nararamdaman. Minsan natatagpuan nalang niya ang sarili na ngumingiti mag-isa lalo na kapag kasabay niya c Ana kapag pupunta sa mall.

"Bes okay ka lang haha? " Biglang tanong ni Ana sa kanya dahil napansin na ngumingiti siya habang nakadungaw sa bintana ng jeep na sinasakyan nila.

"Ha bes?" nakatulala bigla c clarisse. parang wala siya sa sarili.

"Ang sabi ko okay ka lang ba dyan? para kang baliw dyan na nangingiti, ano bang nakakatuwa sa labas? " tanong ulit ni Ana sa kanya sabay dungaw nito din sa bintana.

"Oo okay lang ako noh!" sagot niya dito.

"Wala naman hah baliw kana bes hahahah baka iniisip mo si Sir kaya ka ganyan hahaha natatawa ako sayo bessy! "

binalewala nalang ni Clarisse ang sinabi ng kanyang kaibigan. nilibang nalang niya ang kanyang sarili sa pag window shopping nila sa mall.
pagkatapos ay umuwi na din sila.

Love encounterWhere stories live. Discover now