Ito na ang pinaka hinihintay ng mga estudyante sa POM high school. Ang pagkakaroon ng Sportsfest sa kanilang paaralan.
Maraming pumasok ng maaga upang ihanda ang mga dapat nilang gawin kagaya nalang ng food bazaar. naghanda na din ang mga representatib ng bawat track para sa iba't-ibang sports.
Naunang pumasok ang mga kaibigan ni Clarisse sapagkat magbabantay sila ng tinitindang streetfood. Sila kaso ang nakatoka sapagkat ang nag intindi na ng pagbili ng mga ititinda nila ay ang iba nilang kaklase. Habang nagtitinda ang mga kaibigan ni Clarisse, lumapit bigla si Sir Cian kasama ang kaibigan nitong teacher din na si Sir Dave.
"Hello student!" bati ni Sir Cian dito
"Hello po Sir! Bili na po kayo mga Sir, Masarap po yan!" Alok ni Devi.
Kaya bumili na ang dalawang teacher ngunit si Sir Cian ay parang may hinahanap.
"bakit parang kulang kayo nasan si...." tanong ni Sir Cian na may pagaalinlangan.
"Ha si Clarisse po ba Sir?" tanong ni Bon.
"Nandun pa sa bahay sir nag Beauty rest po" sabat ni Ana.
"Bakit?" curious na tanong ni Sir Cian.
"ha kasi po....." itutuloy na sana ni Devi ang sasabihin niya ngunit pinigilan ni Liza ito.
"Basta Sir later po papasok na po yun hehe!" sabi nalang ni Liza sabay peace sign.
"Ha okay" maikling tugon ni Sir Cian.
Pagkaalis ng dalawang teacher....
"Ano kaba bes bakit mo ako pinigilan?" inis na tanong ni Devi kay Liza.
"ano kaba syempre para ma-surprise sya sa beauty ng bessy natin mamaya noh" sabi ni liza.
"Oo nga noh hahahh!" Pag-aagree naman ni Bon.
"Tingin ko kung hindi estudyante ni Sir Cian si Bessy natin, may pag-asa na magustuhan ni Sir si bessy natin, kung maaga lang talaga pinanganak si bessy ih hahhaha!" sabat ni Ana.
kaya natawa nalang ang magkakaibigan.
(Sa bahay)
Nag-ayos na si Clarisse upang makapunta na siya sa school dahil aayusan pa siya ni Liza, nandun na kasi ang mga kaibigan niya dahil nagbantay ng kanilang food bazaar.
Nilagay na ni Clarisse sa kanyang bag mga sportwear na susuotin niya pati na din ang sapatos niya. yung make-up naman ay na kay liza kaya konti lang bitbit niya.
(Sa school)
Pagkarating sa school ni Clarisse ay nagkasalubong sila ni Sir Cian niya ngumiti ito pero tinarayan lang ni Clarisse dahil sa nasaktan si Clarisse sa inasal nito sa kanya nung nakaraan tapos bigla pa niyang nakita na may kasama itong ibang babae.
"Ngiti-ngiti ka pa dyan eh nung nakaraan kung supladuhan mo ako tapos may iba kapa, may girlfriend kana nga lalandi kapa, mukha mo, hindi mo ako madadala sa pag ganyan-ganyan mo!" bulong ni Clarisse habang naglalakad patungo sa kanyang mga kaibigan.
"Oh bessy halika na ayusan na kita! Bakit ganyan naman mukha mo? nakabusangot hahhaha!" tanong ni Liza sa kanya.
"Wala mainit lang kasi, sige na ayusan mo na ako!" sagot naman ni Clarisse.
Nang makapagayos na si Clarisse ay dumeretso na siya sa Gym kasama ang kanyang mga kaibigan dahil magsisimula na ang paglalaro ng basketball.
Pumunta si Clarisse sa mga kaklase niyang lalaki na kasali sa basketball dahil siya ang muse at rarampa sila ng may kasamang banner.

YOU ARE READING
Love encounter
RomanceAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...