CHAPTER 10

2 0 0
                                    

Kinabukasan na pagpasok ni Clarisse ay para siyang tatrangkasuhin dahil sa sakit ng kanyang katawan.

"Parang katatapos lang manganak ha! hahahha" Sabi ni Eunice. Dahil sa paglalakad ni Clarisse.

Papasok kasi si Clarisse at naglalakad siya ngunit.......

"Aray!" Sigaw na reklamo ni Clarisse dahil sa pinatid siya ni Eunice. Nagsitawanan naman ang mga kasama  nitong alipores.

"Clarisse okay ka lang?" Biglang lapit naman ni Ivan.

"Ano ba Ivan bitiwan mo nga yang babae na yan. Hampaslupa yan noh!" Sigaw ni Eunice habang inaalalayan ni Ivan na tumayo si Clarisse.

Sobrang sakit na ng buong katawan ni Clarisse at para na siyang hihimatayin. Pinagpapawisan na din siya.

"Ano nangyayari dito?" Biglang singit ni Sir Cian sa daan dahil natagpuan nito na inaalalayan ni Ivan si Clarisse. Nahimatay bigla si Clarisse at hinang-hina na siya. hindi na niya namalayan ang susunod na nangyari.

Nang mahimatay si Clarisse ay biglang lumapit si Sir Cian sa kanya at binuhat siya upang dalhin sa clinic. Si Eunice naman at ang mga kasama nitong alipores ay umalis na din at pumunta sa kanya-kanyang klase pati na din si Ivan.

Habang buhat-buhat ni Sir Cian si Clarisse ay napapadilat ito ng unti at may naaninag ito.

"Sino toh?" tanong ni Clarisse sa kanyang isipan

Tumingin naman si Sir Cian sa kanya at ngumiti. hanggang sa tuluyan ng napapikit si Clarisse.

Nagising si Clarisse dahil sa kwentuhan ng mga nasa paligid niya. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nasa isang kama siya, habang ang mga kaibigan niyang nagkekwentuhan ay nasa paligid ng kanyang kama.

"Bakit ako nandito?" Tanong ni Clarisse sa kanyang mga kaibigan at akmang tatayo na siya.

"Bessy wag ka munang tumayo, ang tigas na naman ng ulo mo!" Suway sa kanya ni Ana.

"Ay naku bessy hindi din namin alam basta pagpasok namin sa room dumating si Sir sabi niya magreview nalang daw tapos sabi niya pa nasa clinic ka daw kasi nahimatay ka bigla!" pagpapaliwanag ni Liza.

"Ha sinong Sir?" tanong ni Clarisse.

"Gaga edi si Sir Cian mo hahaha" sagot naman ni Bon.

"So ibig sabihin siya yung bumuhat kanina sakin nung nahimatay ako?" tanong ni Clarisse sa kanyang sarili habang ito ay nakaawang ang labi.

"Ha! ANO?" Gulat na tanong ng kanyang mga kaibigan sa kanya.

"Ano sabi mo bessy? Tama ba yung narinig namin binuhat ka ni Sir Cian? Sir Cian mismo?" Sunod-sunod na tanong naman ni Devi.

Kaya naman tumango si Clarisse.

"Oh my god! paano nangyari yun?" Sigaw na tanong ni Devi, habang ang mga kaibigan ay nakaawang ang mga labi dahil sa gulat.

"Ano ba kayo! wag kayong maingay baka marinig ng nurse."

"Pano ba nangyari kasi!?" Tanong ulit ni Devi.

"Ganito kasi yun papasok ako kanina tapos sobrang sakit ng katawan ko at para akong lalagnatin and then ito naman si Eunice nung papalakad ako pinatid ako edi nadapa ako, lumapit naman ngayon si Ivan para alalayan ako at ito naman si Eunice mag huhurumentado sa inis sakin, tapos medyo nakaramdam na ako na para akong tatrangkasuhin tapos ayun biglang sumulpot si Sir Cian, Ano daw nangyayari hanggang sa nahimatay na ako pero naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin tapos medyo naaninag ko ung mukha nya at si Sir Cian yun." Pagpapaliwanag ni Clarisse.

Love encounterWhere stories live. Discover now