"Bakit ako nandito?" tanong ni Clarisse sa kanyang sarili sapagkat nasa isang stage siya na maraming mga tao na naghihiyawan at nakita niya na may mga kasama din siya sa stage at puro mga nakagown ito. nakita niya din ang kanyang sarili na naka nude off-shoulder long back gown siya at may glitters na kumikinang habang ang kanyang buhok ay nakapulupot na nka-bun pero messy look tignan. may nakalagay din sa katawan niya na sash na nakalagay dictate dun na "Ms. friendship".Hanggang sa may lalaki na lumapit sa kanya pero ang tanging nakikita niyang malinaw ay ang katawan nitong hindi ganon kalakihan pero maputi, nakapants ito at naka-polo shirt na kulay sky blue.
Lumapit ito sa kanya sa stage mismo at may binigay na isang tangkay ng red rose. kaya ang mga tao ay biglang umakyat din sa stage at ang natatandaan niya ay si Ana na kilig na kilig pa at isang bakla na hindi niya kilala pero niyugyog siya habang siya naman ay nakatulala at nakatingin sa isang blured guy na papababa ng stage mismo.Sometimes I run, Sometimes I hide, Sometimes I'm scaring you, all i really want is to hold you tight🎶........... (Calling Ana)
napabangon si Clarisse bigla dahil sa ring tone ng kanyang selpon at si Ana pala ang tumatawag, ang kanyang pinaka bestfriend.
"hello bes nasan kana? " tanong nito sa kanya.
"Nandto bahay kagigising ko lang, bakit?" sagot ni Clarisse.
"Gaga ka mag-ayos kana late kana, bilisan mo, mag sisumula na ang klase." Pag sigaw sa kanya ni Ana sa selpon.
Agad-agad na tumayo si Clarisse sa higaan at madaling-madali siya dahil mag aala- syete na at klase niya wala na din ang mama niya, hindi na siya nakapag almusal at ligo, hilamos at toothbrush tapos bihis nalang ang ginawa niya.
Tumakbo papunta si Clarisse sa school at hingal na hingal, Saktong pagpasok nya ay pagpasok din ng teacher nila na si Ma'am Espina. ang teacher nila sa personality development. Medyo mataba ito, maputi at mukhang suplada talaga, ang super strict na teacher nila dahil gusto niya kapag papasok ay nakalipstick at nakaipit ang buhok ng mga babae, samantalang ang mga lalaki naman ay naka 2by 3 haircut.
Sa kamalasan, hindi nakapag ayos si Clarisse kaya napatayo siya ng kanyang guro.
"Ms. Chua bakit ganyan ang itsura mo? diba sabi ko, gusto ko sa klase natin ay nakaayos, nakalipstick kahit light color lang at nakapony ng maayos ang buhok. bakit ganyan ang itsura mo para kang hindi naligo, pawis na pawis kapa, unang klase niyo ito pero mukhang pang uwian na ang itsura mo". bulyaw sa kanya ni Ms. Espina.
Nakatungo na lang si Clarisse habang ang iba niyang kaklase ay nagbubulong-bulongan.
"Ay nku dugyot ang baho hahahha" bulong ni Eunice na kahilera lng ng upuan niya. habang ang mga alipores na nasa likod nito ay natatawa.
Si Eunice na tinatarayan siya lagi kahit wala naman siyang ginagawa dito ay lagi siya nitong pinariringgan o noh kaya ay tinatarayan o dinadabugan. pero walang pake si Clarisse, hindi niya ito pinapatulan at mas iniintindi nalang niya ang pag-aaral niya. buti nalang sa isang subject niya lang ito kaklase dahil ang track nito ay ABM."Ay nku impakta talaga yan c eunice wag mo nalang pakinggan yan bes, bakit kaba na-late ng gising bes?" tanong sa kanya ni Ana na katabi niya.
"Napasarap ang tulog ko bes ih" sagot naman ni Clarisse.
"Ang sabihin mo napuyat ka lang kakaisip kay Sir Cian hihihi" pang-aasar sa kanya ni Ana.
"Ano kaba bes badtrip kaya ako dun ayaw ko nga pumasok sa klase nun ih, kasi parang trip niya ako lagi." inis na sabi ni Clarisse.
"Baka crush ka ayieee hihihi", sabi naman ni Bon.
"Aayusan kita later bes hah para naman maganda ka sa klase ni Sir hihihi" sabi ni Liza.

YOU ARE READING
Love encounter
Storie d'amoreAko si Anne Clarisse Chua ang senior high school student mula sa Peace of mind high school. Ang babaeng maganda , masipag sa pagaaral, prangka, palakaibigan at madaling magalit. Isang babae na pilit hinahanap ang kanyang Mr. Blured guy na natagpuan...