Lahat naman tayo gustong sumaya.
Lahat naman tayo gustong maranasan ang magmahal at mahalin.
Lahat naman tayo gusto ng happy ending.
Pero bakit ganun?
Nagmahal lang naman ako, bakit ko pa kailangang maranasan ito?
Bakit imbis na saya ang nararamdaman ko eh mas nangingibabaw ang kalungkutan.
Bakit sa tuwing naaalala o nakikita ko siya eh nasasaktan ako, nahihirapan at parang unti.unti akong pinapatay.
Ganito ba talaga ang umiibig? May nasasaktan? May umaasa? May nagpapakatanga? Nagkakasakitan?
Hindi ba pwdeng diretso nalang sa happy ending? Sana naman kasi may short cut para ba wala ng naghihirap na kalooban.
Pero kahit na ganun ang nangyayari, kahit na minsan hindi natin maiwasan masaktan gusto pa rin natin umibig ulit.
Kapag kaya ko ng magmahal ulit. Sana hindi na ako masasaktan.
Lahat naman kasi ng bagay may perfect time. Siguro iyong sa amin ni Sky, kunbaga sa movie: trailer lang iyon, sa pagkain: appetizer, sa excercise: warm up. Alam ko naman na magkikita at magkikita kami ng taong nakalaan para sa akin. Iyon bang sinasabi ng iba na "THE ONE" o kaya "SI DESTINY".
Kahit na hindi perfect basta iyong totoo.
Sabi nga ni Joshua Harris, "Real love is always fated. It has been arranged before time. It is the most meticulously prepared of coincidences. And fate, of course, is simply a secular term for the will of God, and coincidence for His grace."
Kaya tiwala lang.
BINABASA MO ANG
Chains of Love and Destiny [ON-GOING]
Teen FictionGusto ko pong magpa salamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa ginawa kong istorya, bumoto, at nag effort mag comment, hindi ko lubos akalain na may naglakas loob na bumasa sa ginawa ko. Marami pong salamat, ipagpatuloy niyo lang iyan. hahahaha...