Hospital
Jema's Pov
Hay napuyat ako sa kakaisip kung bakit ako biglang hinalikan ni Deanna(sus gustong-gusto mo naman mare)shut up self tuwing maalala ko yun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Hay Deanna Wong bat ganito. Pero erase-erase hanggang dun nalang dina kami magkikita ulit saka malay ko ba kung trip lang ako nun, o kaya may jowa na yun.
Natigil ako sa pag-iisip ng dumating c Ced ba bestfriend ko.
Ced: Oh mare kumusta naman ang date kagabi?
Jema: Di naman date yun, if date edi friendly date no more no less
Ced: Hoy Mare wag ka nga magsalita ng tapos baka mga gusto mo na sya eh.😂
Jema: Napaisip ako sa sinabi ni Ced Gusto ko nga ba sya? Pero masasabi ko na crush at hanggang dun lang yun.
Ced: Tulala ka mare hahaha mapaisip ka ano?oh cge alis na ako. (sabay beso kay Jema)
Deanna's Pov
Late na ako nagising dahil sa kakaisip kay Jema at sa halik ko sa kanya ewan ko ba bat nagawa ko yun may sarili atang isip itong katawan ko.
Hay baka magalit na yun sakin. Diko naman alam kung anong number nya kasi hindi ko naisip ng kunin kagabi.(bat affected mahal mo na?)hay self mahal ko na nga ba?
Puntahan ko nalang mamaya ulit sa hospital at kunin ko ang number nya.
Fast Forward
Napagdesisyonan ni Deanna na makipagkita sa mga kaibigan nya na kapwa din sundalo
Tots: Oh Wong anong atin?
Bea: Wag na naman trabaho pag-uusapan ha nako nakabakasyon tayo ngayon
Pongs: Oo nga naman Deans mag-enjoy naman tayo dika ba nagsasawa sa gubat?😂
Deanna: Wala pa nga ako sinasabi eh cge na mag-inuman tayo.
Tots/Bea: Hay mukhang ang daming magandang babae ngayon ah.
Pongs: Umandar na naman kamanyakan nyo
Tots: Ano kaba Pongs ngayon na nga lang ulit eh.
Bea: Kaya nga Pongs bawas din toh ng init hahaha
Deans: Hindi na kayo nagbago
Bea: At sayo pa talaga nanggaling yun? ikaw kaya ang playboy satin haha😂
Tots: Baka naman nainlove na si Wong kaya ganyan?
Pongs: And who's the lucky girl Wong?
Deans: Wala,diba pwedeng matured na?
Bea: Knowing you Wong? Ewan ko ha😂
Deans: Mga baliw kayo haha😂
Fast Forward
Naparami na ang inom ng magkakaibigan si Tots at Bea ay nag-eenjoy na kasama ang mga chicks na napili nila at nagdesisyon na si Pongs na ihatid ang dalawa samantalang c Deanna ay kaya pa naman magdrive imbes na uuwi sa bahay ay pinuntahan nya ang bahay ni Jema.
Jema's Pov
Nandito na ako sa bahay nagpapahinga sa aking kwarto katatapos ko lang gawin ang night rituals ko patulog na ako ng may magdoorbel nagtaka naman ako gabi na at sino naman ang pupunta dito.
Bumaba ako para icheck.
Nagulat ako ng nakita c Deanna. Agad kong binuksan ang gate at pinapasok ngunit lasing ito😠
