LXXXVIII

10K 217 71
                                    

Deanna's Pov

Hindi ako gaanong makatulog kahit nakainom dahil sa hindi namin pagkakaunawan ng asawa ko, at para din macheck ko yun mga anak namin kahit hindi ako tumabi sa kanila. Nakakalungkot lang hindi ko man lang nahalikan ang baby triplets namin. Sinadya kong bamangon ng maaga para magluto ng almusal at maglaba ng damit ng mga anak namin pambawi sa asawa ko nagpaturo ako kay Nanay Maria. Nagsasampay na ako ng damit nang lumapit c Nanay

Nay: Anak ang aga mo naman naglaba at bakit hindi mo kami ginising ng Tatay mo para sana may kasama kang nagluto.

Deans: Nay kaya ko naman po, saka naglaba na  po ako para mabawasan po ang asawa ko ng iniisip

Nay: Anong oras kang nakauwi kagabi? Mainit ang ulo ni Jessica na bumaba kagabi kasi hindi ka nya nadatnan

Deans: Hindi ko po alam Nay basta tulog na po kayo nun, Nay pasensya po kung may hindi na naman po kami pagkakaunawan ng asawa ko po.

Nay: Ano kaba anak normal lang iyon sa mag-asawa pero pagusapan nyo para naman hindi tumagal ang tampuhan nyo malaki ang epekto nyan sa pag-alaga nyo sa mga anak nyo.

Deans: Opo Nay kakausapin ko po sya mamaya, pasensya na po talaga

Nay: Wala yun anak, oh tapos kana pala halika na at makakain na tayo. Nagsimula na kaming naglakad ni Deanna papasok.

Deans: Dala ko na rin yung inorder kong bulaklak para sa asawa ko, tatawagin ko muna sya para kumain baka sakaling gising na sya. Pagpasok ko nakaupo sya sa gilid ng kama at nakatingin sa akin ngumiti lang ako ng alanganin at lumapit, wifey para sayo sabay abot ko ng bulaklak tinanggap naman nya ito. Wifey sorry talaga sa nangyari, kung yun about sa pagtrabaho sana pag-usapan nalang natin at kung yun sa pag-inom ko kagabi pasensya kana kung ganun akong nakauwi kaysa kasi lumaki yun away natin pinili ko nalang manahimik. Okay lang sa akin kung sa kabila muna ako magstay para hindi ka mainis na nakakakita sa akin dito maluha-luha kong sambit.

Jema: Gising pa ako ng pumasok ang asawa ko para patahanin ang anak namin hindi din ako makatulog sa nangyari naunahan nya lang ako para puntahan ni Baby Jade tatayo na ako ng bubukas ang pinto kaya humiga ako agad at tumalikod akala ko tatabi na sya sa amin pero bumalik padin sa kabilang kwarto hinalikan naman nya ako bago umalis. Pagkagising ko kanina wala na sya sa kabilang kwarto kaya bumalik na ako sa kwarto namin saka naman biglang bumukas ang pinto at ang asawa ko na may dalang bulaklak at nagsosorry sa nangyari napansin kong basang-basa ang damit nya kaya nagtanong ako. Teka saan ka galing at basang-basa ang damit mo? napakamot nalang sya sa ulo

Deans: Ah k-kasi naglaba ako wifey nahihiyang sagot ko

Jema: Naglaba? bakit marunong kana? Hindi pa nga kita tinuruan ah.

Deans: Kasi wifey nagpaturo ako kay Nanay Maria, tumango-tango naman sya. Wifey sorry na talaga po.

Jema: Sinong kasama mong uminom kagabi at saan?

Deans: Sa bahay ni Tots wifey kasama namin c Bea

Jema: Sigurado kang tatlo lang kayo? Baka nambabae kayo.

Deans: H-hindi wifey kami lang talaga magkakasama ghad! paano ko sasabihin na dumaan c Chiara tiyak magagalit na naman sya.

Jema: Okay tipid kong sagot, pero bakit nauutal ka?!

Deans: Kami lang talaga magkakasama wifey. Gutom ka naba wifey? Nagluto na din ako kanina.

Jema: Siguraduhin mo lang Wong!, tungkol pala sa pagtrabaho ano sa tingin mo?

Deans: Wag muna wifey kaya pa naman natin saka may sahod ka padin naman magagamit mo yun maternity leave, saka pwede ako tumulong sa business ni Dad hindi naman ako magfull time para makadagdag din sa panggastos natin, saka ibebenta ko na yun sasakyan na hindi ko nagagamit.

You're My HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon