Deanna's Pov
Nagising akong may tumatawag ang sakit ng ulo ko tinignan ko kung anong oras na Jusko! dalawang oras palang ako nakatulog nanlaki ang mata ko sa tumatawag sa akin ng madaling araw c Gen. Carlos sinagot ko naman agad.
Me: Sir Hello po
Gen.Carlos: Hello Lt. Wong pasensya kana sa istorbo napatawag ako dahil kailangan ko ng tulong mo
Me: Nako hindi ko matatanggihan c Gen. Carlos sa dami ng tulong nya sa akin. Ano po yun sir?
Gen. Carlos: May VIP kasing parating isang Italian Ambassador kailangan nya ng escort sikreto lang ang pagdating nya kaya ganitong oras. Nasa mission naman c Lt. De Leon at Lt. Carlos ikaw lang ang inaasahan kong pwedeng umalalay sa sa tropa anak. Tito nalang diba sabi ko?
Me: P-pasensya na po hindi lang po ako sanay tito haha cge po anong oras po ba?
Gen. Carlos: Ngayon na dadaanan ka dyan ng ating tropa yun damit nyong pang scout ranger ang gamitin mo. Cge na Deans mag-iingat kayo tawagan mo ako kung may kahina-hinala ng kilos saka mag-iingat kayo ikaw ang magli-lead ng team.
Me: Sige po tito maghahanda na ako. Bye po
Tut! Tut! Tut!
Naligo muna ako para maalis kahit papano ang alak sa katawan ko, saka ako nagbihis nagmadali na akong bumaba hindi na ako nakapagpaalam kay Nanay Maria dahil madaling araw palang saka ayaw ko syang mag-alala tungkol sa mission dahil confidential ang lakad namin. Nakita ko naman agad ang sasakyan namin dali-dali na akong sumakay at inoff ang phone ko radio nalang ang gagamitin namin kumontak ng back up kung sakali lang naman. Dumiretyo kami agad ng tropa sa Airport nakicoordinate naman kami agad sa mga taga Aviation Security Group nakita naman agad namin ang VIP na i-eescort namin hindi na kami nagsayang ng oras dumiretyo na kami sa Malacañang Palace pagkatapos nun hindi padin ako pwedeng umalis nagbantay parin kami sa labas para sa kaligtasan na din na ating bisita. Gusto ko ng umalis pero wala akong magawa hindi mawala sa isip ko ang pamilya ko kung kumusta na ang asawa ko at ang future babies namin. Nag-aalala na ako ng sobra baka mas lalo ng galit ang asawa ko dahil hindi nya ako makontak at nasa trabaho na naman ako pero malaki ang utang na loob ko kay General sya ang dahilan kung bakit nakapagpakasal kami sa ibang bansa kahit na kakaleave ko lang, nakapunta kami ng US kahit hindi pa naapproved ang early retirement ko. Kaya maliit lang itong pabor na hiningi nya saka isa pa sundalo padin ako. Hindi bale Mommy at Babies darating agad c Dada pagkatapos nito uuwi na tayo agad sa bahay. Kukuha ako ng tubig dahil uhaw na ako pero nabitiwan ko bigla ang baso ko bigla na akong kinabahan Lord wag naman po sanang may masamang mangyari po dasal ko hindi ko parin maopen ang phone ko hangga't nasa duty pa ako baka lang matrace nila ang location namin masyadong mapanganib iba padin ang nag-iingat kaso hindi mawala sa isip ko ang mag-ina ko miss na miss ko na sila ng sobra. Isa't kalahating araw din ako nagbantay dahil dumating na si Bea at Caloy nauunawaan naman nila ako dahila alam nilang buntis ang asawa ko kaya imbes dalawang araw ako naging isa't kalahating araw nalang nagpasalamat naman ako sa kanila at nagmadaling umuwi ng bahay naligo lang ako saglit didiretyo na akong Laguna pero bago ako magsimulang magdrive nag-open na ako phone nanlumo ako sa mga nabasa kong text galing kay Tatay nasa hospital ang mag-ina ko😭 kailangan kong makarating agad! pinilit kong pinakalma ang sarili ko baka ako naman ang maaksidente Lord! wag mo naman pong hayaan na may mangyaring masama sa mag-ina ko hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanila kasalanan ko po Lord kung ano man ang nangyari sana makinig ako kina Tatay at Nanay na wag umalis ng bahay. Pinaghahampas ko ang manubela saka humagulhol kalma Deanna! kailangan mong kumalma para makarating kana agad sa mag-ina mo pag-aalo ko sa sarili ko ng medyo kumalma ako nagsimula na akong magdrive tinahak ko agad ang daan papunta sa hospital tinext naman ako ni Tatay kung saan kaya didiretyo ako. Sinasagad ko na ang takbo ng sasakyan ko para makarating lang sa hospital ilang oras lang ang byahe ko pumunta na muna ako sa information desk para tanungin ang room ng asawa ko nakuha ko naman agad halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko ng malapit na ako sa kwarto nya nasa labas c Dad at Mom nanlilisik ang mata ni Dad bago pa ako magsalita isang malakas na suntok ang dumampi sa labi ko dahilan para pumutok ang labi ko saka ako kwinelyohan ni Dad inawat naman sya ni Mom