Jema's Pov
Nauna akong bumangon hinayaan ko nalang yung asawa ko matulog muna. Agad kong ginawa ang rituals at bumaba nakita ko naman na busy magprepare si Nanay at Mom ng dinner sa kusina dumiretyo ako at binati sila.
Mom: Oh anak ang aga palang kahit naman mamaya kana sana bumaba kaya na namin ito ng Nanay nyo.
Nay: Oo nga naman Jessica para sana nakapagpahinga ka muna alam namin pagod kayo.
Jema: Mom Nay pwede ko po ba kayo makausap po bakas sa mukha nila ang pagtataka
Nay: Anak ramdam kong may hindi ka masabi ano ba iyon sabihin mo na.
Mom: Oo nga anak kaming Nanay ramdam namin kung may hindi sinasabi ang anak namin. Ano nga ba yun?
Jema: Mom Nay ramdam ko kasing mailap c Deanna sa usapang pagkakaroon namin ng anak po malungkot kong saad
Mom: Anak baka naman hindi pa sya handa I mean baka gusto nya ikaw muna ang bine-baby nya.
Nay: Saka anak bago palang naman kayong mag-asawa unawain mo muna nalang sya. Alam namin na mahal na mahal ka nya siguro nag-aadjust palang sya.
Jema: Natatakot po kasi ako sa trabaho nya po yun ang totoo saka gusto ko po na sana kapag magstart ng process sa IVF nasa tabi ko lang sya sa kanya po kasi ako humuhugot ng lakas.
Mom: Hay iha wag kana masyadong mag-isip pa anak. Nandito lang kami ng Nanay nyo kung kailangan mo ng kausap sa ganitong bagay anak.
Nay: Oo nga naman anak basta unawain mo nalang sya at wag kang matakot na pagusapan nyong dalawa ang bagay na yun anak. Ang mag-asawa hindi yan naglilihim sa isa't isa.
Jema: Salamat po Nay, Mom sa pakikinig po sa akin sabay yakap ko. Ehem! Alam ko kung kaninong boses yun walang iba kundi ang asawa ko. Lumapit nalang ako saka humalik sa pisngi nya niyakap lang nya ako.
Deans: Seryoso ata ng pinaguusapan nyo po ah sabay ngiti ko. Bigla naman tumahimik ang asawa ko at tila nabigla sa sinabi ko.
Mom: Wala naman anak nagpapaturo lang itong asawa mong magluto sa amin ng Nanay nyo.
Nay: Gustong-gusto ka nyang ipagluto eh kaya eto at humihingi ng tulong.
Deans: Ang sweet naman ng asawa ko sabay halik ko sa noo nya saka ako umakbay ngumiti lang sya sa akin. Mom Nay hindi naman nya kailangan gawin yun kaya nga nandito na ako para pagsilbihan sya asawa ko na po sya.
Mom: Oo naman anak pero mabuti din yun pareho kayo marunong sa bahay sumang-ayon naman si balae.
Nay: Oh cge na maupo na kayo at kakain na tayo ng dinner pababa na din ang mga kapatid nyo.
Ilang sandali lang ay nagsimula na silang kumain at gaya ng dati hindi maiwasan ang kwentuhan.
Dad: Kelan nyo balak bumalik sa work kayong dalawa
Deanna: Sa susunod na araw kami papasok Dad
Jema: Dad balak ko po sana iadjust yun time ko po sa work po para mas marami po akong panahon sa asawa ko sabay ngiti ko.
Deans: Hindi mo naman kailangan gawin yun Bb saka baka maging busy din naman ako ulit sa work. Nakita kong nalungkot ang Bb ko hindi na sya umimik
Dad: Ako na ang bahala sa schedule mo iha saka mas okay na din yun para makapagrelax ka din sobrang toxic din minsan sa hospital.
Mom: Jema what if magpatayo ka nalang din ng clinic dito sa bahay nyo?
Jema: Ah Mom pangarap ko po yun talaga pero saka na po siguro Mom kaya ko pa naman po sa hospital po ngiti ko sa kanya.