Dr.Wong's Office
Pinatawag ni Dr.Wong si Dr. Galanza dahil hindi na ito makapaghintay na ibalita ang magandang balita at gusto din kasi ni Dr.Wong na sya ang attending physician ng anak.
Dr.Wong's Pov
Salamat panginoon ko tunay kang makapangyarihan binuhay mo ang anak ko sa pamamagitan ng milagro ngayon naman ay nagising na ito walang hanggang pasasalamat sa iyo ama. Pinatawag ko si Dr. Galanza para ibalita na nagising na c Deanna dapat nyang malaman para na din mabawasan ang pag-aalala nya sa anak ko alam ko naman kahit hindi nya sabihin malaki ang naging epekto sa kanya sa nangyari kay Deanna pumapasok na mugto ang mga mata at madalas ay malayo ang iniisip hindi sya masigla sa nakaraang araw. Kaya pinatawag ko sya sa isa naming nurse.
Dr.Galanza's Pov
Panibagong araw na naman ng pagkukunwari kong masaya sa mga taong nasa paligid ko lalo sa mga pasyente ko hindi nila ako pwedeng makita na mahina saka kailangan naman iwaksi ang emosyon ko sa trabaho dahil kailangan kong gampanan ang profession ko bilang isang doctor. Akala ng iba masaya ako pero sa totoo lang hirap na hirap ako araw-araw akong nag-aalala para kay Deanna kung bakit ang tagal nyang magising kung gigising ba sya o hindi na?(napaluha na naman ang dalaga) naglalakad ako sa hallway papunta sa office ni Dr.Wong pinatawag nya kasi ako sa isa naming nurse.Nagtaka naman ako kung bakit kaya tinanong ko ang nurse pero hindi nya daw alam naisip ko na baka related lang din ito sa trabaho ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok.
Tok! Tok! Tok!
Dr.Wong: Pasok (habang nakatingin sa laptop)
Dr.Jema: Hi goodmorning Doc pinatawag nyo daw po ako sabay ngiti
Dr.Wong: Umangat naman ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Jema at saka din ako ngumiti bakas sa mata ni Jema ang lungkot kahit ito ay nakangiti. Oo iha pinatawag kita maupo ka muna
Dr.Jema: Bakit ganito ang nararamdaman ko bigla akong kinakabahan mawawalan na ata ako ng trabaho dahil sa ginawa ko sa operation ni Deanna dahil nalabag ko ang ibang rules at protocol ng hospital nanlalamig ang kamay ko hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho tumutulong ako sa pagpapa-aral sa kapatid ko. Doc ano po bang pag-uusapan natin?(kinakabahan)
Dr.Wong: Halata ko kay Jema na kinakabahan hindi kasi ito mapakali at hindi din ito makatingin sa akin sa mata. Relax Doc masyado ka atang tense(sabay ngiti)
Dr.Jema: Ahh Ehhh hindi naman ho Doc nagulat lang po ako sa pagbilang pagtawag mo po sakin.Alam ko kasi na may nagawa akong mali sa operasyon ni Deanna sabay yuko
Dr.Wong: Ano kaba iha wala kang kasalanan alam mo ba kung ako man ang nasa sitwasyon mo gagawin ko din ang ginawa mo.Gagawin ko ang lahat mailigtas lang ang mahal ko kahit mawalan pa ako ng trabaho dahil buhay ang usapan dito napakatapang mo iha sa desisyon mo ganun ba kahalaga ang anak ko sayo?
Dr.Jema: Ho? Nagulat naman ako sa sinabi ni Doc nagooverthink kana naman self dika mawawalan ng trabaho😂 Katungkulan ko pong gawin ang lahat para mailigtas ang pasyente ko po Doc bilang isang doctor po trabaho po natin yun.Aaminin ko po Doc mahalaga po si Deanna sakin(harot Jema ah tatay kaya yan ni Deanna😂)
Dr.Wong: Alam ko iyon iha dahil hindi mo gagawin na labagin ang rules natin kung hindi sya mahalaga sa iyo dahil alam mo ang consequence ng ginawa mo maaring matanggal ka sa hospital maging ang lisensya mo bilang Doctor kaya pinahanga mo ako
Dr.Jema: Natulala naman at hindi agad nakapagsalita sa narinig kay Dr.Wong oo nga naman bat hindi ko naisip yun? Pero wala eh ang nasa isip ko lang nun ay ang kaligtasan ni Deanna😍 Doc salamat po sa tiwalang binigay mo na ako ang manguna sa operasyon ni Deanna alam ko po maraming akong mga Senior na Doctor mas maraming karanasan pero pinili mo ako.
Dr.Wong: Iha pinili kita dahil bilang ama ni Deanna alam ko sa sarili ko ang nagmamahal hindi hahayaan mapahamak ang mahal nya gagawin at gagawin ang lahat para sa mahal nya kaya anak puntahan mo na sya hinihintay ka nya tumulo na naman ang luha ko sabay ngiti
Dr.Jema: Nanlaki ang mata ko sa huling salita ni Doc Wong hindi ako makapaniwala.Doc ang ibig mong sabihin---hindi ko natapos ang tanong ko ng magsalita ulit c Dr.Wong
Dr.Wong: Oo iha nagising na sya(sabay tayo at yakap kay Jema)
Dr.Jema: Deanna yun lang ang salitang nasambit ko pagkatapos kung marinig yun kay Doc.Wong kasabay ng pagyakap nya sa akin ang pagdaloy ng luha sa akin hindi kalungkutan kundi kasiyahan.Salamat panginoon😇 Hay See you Lt.Wong😍
A/N
*Salamat po sa lahat ng nagbabasa feel free po na magcomment o magmessage ifollow din po ako kung gusto nyo
*Sorry sa typo/errors/grammar☺
