XLVII

10.8K 228 77
                                    

Deanna's Pov

Sinubukan kong habulin at sundan c Jema pero nabigo ako binalikan ko naman c Ysa para magpaalam na, dahil kailangan kong ayusin yung sa amin ng Bb ko oo may mali ako dahil hindi ako nagpaalam sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na may ginagawa akong masama, hindi na din ito nagsalita at tumango nalang sya. Agad ako nagdrive papunta sa hospital dumaan na din ako ng bulaklak at snack sa Starbucks ramdam ko ang galit ni Jema, nakakaramdam na din ako ng takot baka mamaya iwan na ako ng mahal ko pero gagawin ko ang lahat maging okay lang kami. Agad akong dumiretyo sa office ng Bb ko pero wala sya dun nagtanong din ako kay Jho at Ced ang sabi lang nila nag-early out c Jema hindi na din ako nagtagal agad akong nagdrive pauwi sa bahay, agad akong sinalubong ni Nanay Maria nagtanong ako kung nakauwi na c Jema pero wala pa daw dun na ako kinabahan at natakot.

Jema's Pov

Pagkatapos kong lumabas sa mall ay ang pagtulo ng luha ko, hindi ko maintindihan nasasaktan ako sa nakita ko dagdag pa yung hindi ko alam na may kasama syang iba pwede namang magsabi sya eh, ang mahalaga lang naman alam ko kung nasan at sinong kasama nya, girlfriend nya ako hindi nya ako basta kaibigan lang karapatan ko naman siguro yun. Nagpaalam na akong mag-early out dahil hindi din naman ako makapagfocus sa work sa nangyari sinadya ko din wag umuwi sa bahay nya uuwi muna ako sa bahay ko hindi ako handang makipagusap sa kanya sa ngayon. Bumili din ako ng alak balak ko uminom para makatulog na ako agad ayaw ko na mag-isip baka lalo lang akong mainis at magalit baka mamaya makapagsalita pa ako ng hindi nya magustuhan. Tinawagan ko naman c Cy para samahan muna ako. Si Cy ang boy bestfriend ko at parang kapatid na namin welcome na welcome sya sa bahay namin sa Laguna, babae kasi kaming lahat na magkakapatid kaya c Cy ang kuya-kuya namin alam nya ang tungkol sa amin ni Deanna yun nga lang hindi pa sila nagmeet balak ko din naman ipakilala sya kay Deanna kaso hindi nagkakatugma ang mga free day namin.

Calling Kuya Cy

Kring! Kring! Kring!

Cy: Hello Madam napatawag ka?

Jema: Hi bz ka ba?

Cy: Hindi naman masyado bakit ba?

Jema: Daan ka dito bahay inom tayo!

Cy: Hoy! madam ano bang nangyayari sayo? Nag-away ba kayo ni Deanna??

Jema: Basta punta ka nalang kung ayaw mo okay lang naman!

Cy: Oh Cge na madam! Bye!

Tut Tut Tut

Cy's Pov

Ngayon na nga lang tumawag c Madam Jema inom pa niyaya sa akin, grabe wala man lang Cy dinner tayo mga ganun. Alak agad? Mahina sya uminom kaya nga hindi talaga sya umiinom baka nag-away sila ni Deanna. Maalala ko lang nung uminom sya hindi na sya makapaglakad pinagalitan tuloy kami ni tito Jes. Agad naman akong nagdrive papunta sa bahay nya madali lang naman akong nakarating dumiretyo na ako sa sala nakaready na yung iinumin namin at nakita ko namang mugto ang mga mata nya. Hoy madam anong drama toh?!

Jema: Wag kana maraming tanong Cy pwede inom nalang tayo!!

Cy: Bahala ka nga jan dadamayan lang kita kung magkwento ka kung bakit.

Jema: Napilitan akong magkwento kay Cy sa totoong nangyari kanina. Hindi mo naman ako masisi kung ganun inasta ko diba? Nasaktan lang ako naluluha kong sambit kay Cy

Cy: Tama na pag-iyak madam cge na uminom na muna tayo pero bakit hindi mo man lang pinakinggan kasi? Baka naman kasi wala lang yun pinairal ko lang pagiging selosa mo inirapan nya lang ako

Jema: Hoy Cy! Nasaktan kasi ako paano naglilihim na sya sa akin, alam mo kung gaano ko kamahal c Deanna sya ang una kong kasintahan lahat-lahat sya ang una ko ano kaba! Natural takot na takot akong mawala sya!

You're My HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon