Nagkayayaan ang mga magkakaibigang doctor sa bahay ni Jema dahil lately ay naging bz sila sa kanilang mga trabaho mag-isa naman si Jema sa bahay nya sa ngayon dahil nasa Laguna naman ang kanyang mga magulang gusto man ni Jema na magkakasama na sila sa bahay na pinatayo nya ay hindi parin pumayag ang tatay nito dahil nandun na daw ang buhay na nakasanayan nila at nandun din ang kanilang kabuhayan kung saan sila nagsimula hindi nila ito basta-basta maiiwan.Kaya wala ring nagawa c Jema kaya dumadalaw nalang ang mga magulang nito sa kanya.Nagluto naman si Jema para sa kanyang mga kaibigan.Pagtapos nilang kumain nagtungo sila sa garden ni Jema para magpahangin at makapagkwentuhan na rin.
Ced: Ui mare ang sarap ng niluto mo ah busog na busog ako parang may halong pagmamahal ah😂
Jho: Kaya nga eh saka hindi ka naman dati nagluluto bes puro ka padeliver pero ngayon iba ha😂
Jema: Ano ba kayo? Anong pinagsasabi nyo?sanay irap ko sa dalawang ito nakikain na nga kung ano-ano ba sinasabi
Ced: Sungit naman mare hindi ba unumbra yang beauty mo kay Deanna? Sabay tawa
Jho: Saka bes pansin ko din blooming ka ngayon yieh kayo na noh? Jusko ko bes baka umandar na pagiging marupok mo ah haha
Jema: Agad ko namang kunurot c Jho bwisit tong dalawang toh Tse! Baka nga ikaw jan Jho eh hindi pa manligaw c Bea eh sinasagot mo na(tumawa naman c Ced) atleast ako liligawan na sabay taas ng kilay
Ced: Halla sya nako mare ang tanong nanliligaw na nga ba talaga?
Jho: Paanong nanliligaw bes eh mukha naman atang c Jema manliligaw dun kasi hindi na nya mahintay😂 aray! Mare naman makahampas ka naman eh spiker ka kaya nung college
Jema: Hoy! Jho bunganga mo walang preno😠 ako manliligaw? Duh! Confident ako noh liligawan ako ni Deanna ako lang nagsabi na magpagaling muna sya.🙄 Mga crush nyo nga ata walang balak manligaw sa inyo eh.
Ced: Excuse me Mareng Jema nagdate na kaya kami ni Tots( ha?? Gulat si Jema at Jho) bat ba ako namula shet!😐nako patay nadulas ata ako hindi ko nga alam kung date yun eh nagsabay lang naman kami kumain sa food court.Ouch! Ano ba kayo tama na sakit nyo kumurot.
Jho: Hoy Ced anong date pinagsasabi mo bat wala kaming alam?? Kayo na noh? sabay taas ng kilay
Jema: Oo nga bes paanong nagdate kayo? Bz kayang magbantay yung dalawa kay Deanna ang landi mo din eh ano?
Ced: Paano ko ikwento magkakasama nga tayo sa trabaho isang hospital kaso hindi naman tayo nagkikita. Saka FYI Jho hindi pa kami soon palang😍(landi ihh) Aray naman eh magkakapasa na ako sa ginagawa nyo.Saka hindi ko alam kung date ba yun kasi hindi naman plano na magkita kami at magkasabay kumain nagkataon nga lang eh.
Jho: Nagkataon? Maniwala ako Ced baka naman talagang sinadya mong magpapansin kay Tots hehe😂
Ced: Hoy! Ang itim mo na nga ang kapal mo pa ako? Duh! Magpapansin? Itong gandang toh hindi na kailangan sabay smirk kay Jho
Jho: Wow naman makakahiya naman sa balat mo Ced FYI din pareho tayong maitim c Jema lang kaya maputi satin😂pero ako pinakamaganda sa mata ni Lt.De Leon😍
Jema: Tumigil nga kayong dalawa jan(sabay kurot sa dalawa) wag na kayong mag-away tanggapin nyo nalang dalawa na ako lang ang maganda😏(grabe mare pahingi ng confidence😅)
Ced: Alam mo mare lakas ng tiwala mo sa sarili mo eh😂 so ano nga ba talaga kayo ni Deanna?
Jho: Oo nga mare kasi hindi naman tumigil yung 1st love mo hehe😂 pero mas bet ko si Deanna gandang gwapo kagaya ni pinsan nya😍
Jema: Ewan ko nga eh masasabi kong yun puso ko kay Deanna pero gumugulo naman sa isip ko c Fhen pareho naman sila na sa ayaw at gusto manliligaw daw
Ced: Haba ng hair mare anong gamit mong shampoo?😂
Jho: Hay nako bes alam mo mahirap yan hanggang maaga dapat mamili kana sa kanilang dalawa kung sino mas matimbang para sayo
Ced: Saka mare kapag pinatagal mo pa yan mas lalong masakit atleast kung sasabihin mo ng mas maaga hindi na aasa yung isa.
Jema: Hindi ko alam mga bes naguguluhan ako masaya ako kapag kasama ko si Deanna kahit simpleng usap lang pinapagaan nya ang pakiramdam ko.Kay Fhen naman halos mapuno na ng bulaklak yung opisina ko araw-araw syang nagpapadala ng pagkain at kung ano-ano pa sabi ko naman na nagbago na yung nararamdaman ko hindi na gaya ng dati nung bata pa kami kaso mapilit naman kaya hinahayaan ko nalang ramdam ko naman ang effort at sincerity nya pero ewan eh😐
Ced: Nako mare mahirap nga talaga yan eh pero mare take your time wag ka magmadali ikaw lang makakaalam at makakaramdam kung sino ba sa kanila
Jho: Totoo yan bes kahit sino sa kanila ang gusto mo support ka namin nandito lang kami para sayo.(sabay yakap ng dalawa kay Jema)
Nagpaalam na ang mga magkakaibigan dahil gumagabi narin gusto na nilang magpahinga dahil maaga na naman sila pumasok kinabukasan hinatid naman ni Jema ang mga kaibigan hanggang sa gate at nung makaalis na ang sasakyan nila pumasok na din ito sa kanyang bahay.
Fhen's Pov
Nandito ako ngayon sa Bar para mag-inom simula ng bumalik ako dito wala akong pinalagpas na araw kundi suyuin c Jema para iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal kaso wala! Araw-araw ko syang pinapadalhan ng bulaklak at kung anu-ano pa pero hindi man lang ito pinapansin masakit dito sabay turo sa puso. Isa pang problema ay nagising na ang aking karibal kay Jema oo tama gising na si Deanna na anak ng may ari ng hospital pero wala akong pakialam mayaman naman ako kagaya nya wala akong pakialam maubos man ang kayamanan ko! mapasakin lang c Jema hinding hindi ko hahayaan na mapunta sya sa iba! Magkamatayan na! Sabay tikom ng kamao. Magiging akin ka Jema kahit ipagtabuyan mo pa ako sa akin ka parin mapupunta! Tandaan mo yan!(evil laugh)
A/N
*Goodmorning guys! Have a good day ahead
*Thank you for reading and voting my story
*Goodmorning Ms. maryjoybayudan
*Thank you sa pagfollow sa akin guys jannineronquillo salamat sayo
*Sorry sa typo/errors/ grammar
* Thank you love you all readers!❣
