Angel's POV
"Pero bakit po ako?" I asked Him. I couldn't see his face because of the light, but I know He is there. For He is always there. He never leaves our side.
"Dahil may tiwala ako sayo, anak," the voice replied. Alam kong sa likod ng boses na iyon ay nakangiti siya dahil mahahalata mo iyon sa naging tunog ng kanyang boses. Napapikit ako. Dinama ko ang nag-uumapaw Niyang presensya dahil isa iyon sa mga biyayang aking tatanggapin.
"Mayroon kang isang misyon..." He explained. Nanatili lamang akong nakapikit dahil alam kong sa oras na dumilat ako, hihigupin na ako ng isang presensya patungo sa lugar ng mga mortal na tao.
"Natatakot po ako," matapat kong sabi sa Kanya. Hindi ito nagsalita ngunit naramdaman ko ang kanyang mainit na palad sa aking ulo.
"Huwag kang matatakot, anak. Idilat mo ang iyong mga mata dahil kasama mo Ako, hindi kita pababayaan."
Unti-unti kong idinilat ang aking mata. Isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan, ngunit bago ko pa makita ang kanyang imahe... nabulag na ako ng liwanag.
Tandaan mo ang iyong misyon. Huling bilin niya.
Naramdaman ko ang paulit-ulit na pang-angat ng aking dibdib dulot ng isang bagay na naglalabas ng kuryente. Ano ba ang ginagawa nila sa akin? Bakit hindi ko maidilat ang aking mata? Bakit hindi ko maramdaman ang aking katawan?
Bakit parang wala akong kamalayan? Nasaan ba ako?
Ngunit nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig ko ang pagtunog ng isang makina. Wala ang tunog na iyon kanina noong may idinidikit sila sa aking katawan, at hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari ngunit noong tumunog ang makinang iyon, tumigil sila sa pagpapadaloy ng kuryente sa akin.
Narinig ko pa ang mga buntong-hininga ng mga taong kasama ko sa silid na akala mo ba ay nakaranas sila ng isang himala.
Sino sila? Sino... ako?
"Diyos ko, isa itong himala," ang sabi ng isang babaeng nasa loob ng silid. Kung hindi ako nagkakamali, narinig ko ang palakpak ng ibang tao sa loob.
"It is, patay na siya pero..." bitin na sabi ng isa pang babae. Unti-unti kong naramdaman ang aking sarili. Masakit ang iba't ibang parte ng aking katawan. Teka, katawan?
"She came back," sabi ng isang malalim na boses sa mga tao sa silid. Natahimik ang lahat. Ang tanging tunog lang ng makina ang aking naririnig maliban sa kanilang mga paghinga.
"Dr. Andrada, she's crying..."
Bagama't hindi ko sila nakikita sa oras na ito, alam kong bakas sa kanila ang pagkagulat. Maririnig mo ang sorpresa sa kanilang mga boses at parang ngayon lang sila nakaranas ng ganito. Isang magaspang na kamay ang nag-alis ng mga kristal na butil sa aking mga mata.
"Good job, everyone. Don't forget to say your grace to Him. Let's finish this," utos ng nagmamay-ari ng malalim na boses sa mga kasama niya. Muli ko pang naramdaman ang kanilang presensya sa akin bago ako muling nilamon ng aking panghihina.
Tandaan mo ang iyong misyon.
Tandaan mo ang iyong misyon.
Paulit-ulit kong naririnig ang tinig niya. Pamilyar... ngunit saan ko iyon narinig? Kilala ko ba siya? Teka, bakit masakit ang buo kong katawan? Pilit kong idinidilat ang aking mga mata. Mabigat—mabigat sila na parang maging ang pagdilat ay mahirap gawin.
"Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya," utos ng malalim na boses na aking narinig kanina. Naramdaman ko ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata. Bakit? Bakit ako umiiyak?
"You can do this. Manalig ka," wika ng boses na narinig ko noong kinukuryente ako. Kailan nga ba iyon?
"Dr. Andrada?" nagtatanong ang boses ng nagsalita. Doctor? Bakit mayroong doktor? Nasaan ba talaga ako?
"Hindi niya pa kaya. Sedate her and I will personally monitor her," sagot ng tinawag na Dr. Andrada.
"We'll do it, Dr. Andrada," sagot ng isang babae.
Teka lang, huwag niyo akong patulugin.
Tuluyan akong hinila ng antok. Paulit-ulit akong nananaginip ng mga ulap... ng puting liwanag. Paulit-ulit sinasabi ng liwanag ang 'Tandaan mo ang iyong misyon.'
Naroong marinig ko ang paligid at muli ay hihilahin ako ng antok. Naroong nararamdaman ko ang maingat na pagdampi ng daliri sa aking pisngi upang punasan ang mga luha sa aking mga mata, at muli ay maririnig ko ang tinig ng Doktor.
"Manalig ka."
Isang araw, nagkaroon na ako ng lakas na imulat ang aking mga mata. Isang nakangiting lalaki na nakadamit nang kulay puti ang bumungad sa akin— halos kakulay ng aking mga napapanaginipan, sa likod niya ay mga taong kapwa niya ay nakaputi ngunit hiniling niya na lumabas muna ang mga tao sa loob ng kwartong aking kinalalagyan. Kaming dalawa lamang ang natira.
"Hello, Elisha. Welcome back," nakangiting wika nito sa akin ngunit halata mo sa kanyang mata na mas naguguluhan pa siya kaysa sa natutuwa na makitang dilat na ang aking mata at ngayon ay mayroon ng malay-tao.
Hindi ako makapagsalita dahil sa tubo na nasa aking bibig. Hindi ako makagalaw dahil sa mga tali sa aking katawan. Ang tangi kong nagawa ay tumingin sa kanya at kumurap habang tinatapat niya ang pen light sa aking mata. Matapos iyon ay may ginalaw siyang mga aparato at nagsulat nang nagsulat sa hawak niyang mga papel. Nakatitig lamang ako sa kanya— minamasdan kung ano pa ang gagawin niya sa akin. Para bang natural lamang sa kanya ang ginagawa.
"Naririnig mo ako?" tanong niya na halos hindi makapaniwala. Pinilit kong tumango at doon ko naramdaman ang sakit sa buo kong katawan. Para bang may kung anong gustong lumabas sa aking bibig ngunit ang pagbuka lamang noon ay napakahirap na. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita ngunit wala ni isa ang lumabas doon. Nang siya ay makabawi muli siyang nagsalita.
"Dahan-dahan. Naka-cast ang halos buo mong katawan," bakas ang pag-aalala sa tono ng kanyang boses. Hinawakan ng lalaki ang kamay ko upang pigilan ako sa pag-galaw.
"Kailangan ko nang bawasan ang pagpapatulog sayo," kinakausap niya ako pero hindi ko siya maintindihan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tumitig sa kanyang mata na para bang nanghihipnotismo.
Nasaan ako? Sino ba siya? At sino ba talaga... ako?
BINABASA MO ANG
SENT FROM ABOVE (Completed)
General FictionThe body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfill specific missions entailed by Him that can't be fulfilled unless the angel appears in human form...