Salazar
"Morning, Doc," bati sa akin ng mga kasamahan ko.
"Morning," ganting sagot ko.
"Good mood, Doc?" biro ng isang nurse at ibinigay sa akin ang chart ng pasyente.
"Hmmm." Nagkibit balikat na lamang ako.
Hindi nakaligtas sa mata ng mga kasamahan kong Doc. ang maganda kong mood. Ang mga kaibigan ko— Doc. Chan at Doc. Maricar ay hindi ako tinantanan ng tukso.
"May proposal bang magaganap mamaya?" tanong ni Doc. Chan. Nasa Doctor's office kami at nagpapalitan ng reports.
"Kailangan ba naming maghanda ng antacid later para hindi kami maduwal sa sweetness mo mamaya?" dugtong ni Doc. Maricar.
"Huh?"
Inabot ko ang chart na nasa kamay ni Doc. Maricar at hindi sila pinansin. Binasa ko ang report nila kay Maggie. Ready na ang bata na operahan.
"We will schedule her operation this week."
"That's the plan," Doc. Chan replied. "Mabalik tayo sa usapan, isang deretsong tanong, Doc. Sal—"
"Gago," sagot ko bago pa dugtungan ni Doc. Chan ang sasabihin.
"'Uy, baka mapurnada pa ang love life n'yan. Mabuti nga at naka-moe-on na. Naka-move-on ka na nga ba?"
"Hindi naman deretso ang usisa mo, Doc. Maricar ano?"
"Ngumingiti ka na kasi. Saka you changed... for good. You believed in Him na without trying so hard. The signing of the cross is easier for you now. Hindi mo napapansin?"
Napaisip ako sa sinabi ni Doc. Maricar.
"Am I not that kind of person before?" naguguluhang tanong ko na ikinailing ng dalawa.
"Before... can I say her name?" paalam ni Doc. Chan and probably my heart that dictates that hearing her name will not be painful now.
"When you and Mira were together, most of the time she will force you to believe because she was a believer. And we know that most medical staff, most doctors don't believe in divine intervention. We believed in science, aren't we?"
Alanganin akong tumango.
"But when Elisha came, your miracle, I don't know how to explain..." napakamot ng ulo si Doc. Chan.
"She mends your soul and leads you to Him." Doc. Maricar pointed up. "Without forcing you," she added.
"I always go to chapel before my rounds begin," Doc Maricar continued. "And Elisha, most of the time, she was already there, praying. She always prays for you, Doc. Sal."
Well, if that news didn't melt my heart, I don't know how to call this warm feeling inside.
"She is praying for you and that's something."
Napatango ako kay Doc. Maricar.
"So if you will pursue her, remember to pray for her, and ask Him for her hand," payo ni Doc Maricar. "She is a daughter of a King. You need to ask for permission from her father."
"Wow, ibang level ng payo iyon," biro ni Doc. Chan.
"Payo lang. Kapag kasi si Elisha ang nasaktan, baka turukan ka agad ng formalin ng mga nurse dito," natatawang wika ni Doc. Maricar. "Alaga ni Elisha ang mga iyon sa tinapay at kape."
Naalala ko ang kape na naipamigay niya kung kaya nangiti ako.
"I know," I murmured. "She gave my coffee to them, even her own bread."
"So, ano nga, magdadala kami ng antacid mamaya? Heads-up, bro, para hindi masayang ang alak na iinumin ko."
"Gandahan moa ng costume mo mamaya, baka kami ang masuka sa iyon," ganting biro ko kay Doc. Chan.
I went to my own office at 11:30 to find it empty. Tinawag ko si Nurse May na dumaan sa office ko. She immediately stopped when she heard her name.
"Si Elisha?" tanong ko.
"Parang nakita ko kanina sa childrens ward. Pabalik na siguro dahil aalis daw kayo ng 12."
"Akala ko nakalimutan n'ya," wala sa loob na sagot ko na ikinangiti ni Nurse May.
"Hindi ko na alam kung anong amnesia ang meron siya, long term at temporary, minsan sabay pa."
Natawa ako sa biro ng nurse na naging kaibigan na ni Elisha. Nagpaalam ito sa akin at iniwan akong mag-isa.
Hindi naman nagtagal ay dumating si Elisha sa office.
"Aga mo. Akala ko malalate ka dahil nag-rounds ka."
"Sabi ko, 12 'di ba? Ready ka na ba? Malapit naman nang mag-12."
"Okay sige. Saan ba tayo pupunta?"
"Secret. Hindi mo rin naman alam kahit sabihin ko ang pangalan ng lugar," biro ko kay Elisha.
"Marunong na akong maghanap sa internet," sagot niya na kunwari ay nagtatampo ngunit nagpipigil naman ng ngiti.
Our lunch went well and we talked about Maggie's condition. Elisha beamed when I told her that the operation will be scheduled this week and I already talked to my team. I like seeing this happy, with happy tears to match and a smiling face. I like seeing her and be with her.
Maybe Doc. Maricar was right. Before I talk to Elisha about my growing feelings for her, I need to pray for these feelings first. I need to be someone who she prayed.
I moved on and I am ready to take the next step. And I will pray for this... I will pray that she will be the one. I like her to be the one.
Bandang 4pm, nasa office ako at naroon si Elisha na may kausap sa phone na supplier ng yakult kung hindi ako nagkakamali sa narinig— dumaan ang isang grupo ng nurse at huminto sa tapat ng pintuan ng office.
"Good afternoon Doc. Sal, hiramin sana namin si Elisha."
"Hindi ako nagpapahiram, sorry," sagot ko na ikinatawa nila. Nagmamadali namang nagpaalam si Elisha sa kausap na may pangako na magkita sila bukas sa hospital at dalin ang order niyang yakult.
"Saan kayo pupunta?"
"Maghahanda na para sa party mamaya. Mayroon na lang tayong 3 hours," sagot ng isang nurse.
Napasinghap si Elisha.
"Luh, nakalimutan na naman niya," biro ng isa pang nurse.
"Doc, hindi yata nainom ng gamot si Elisha."
"Ewan ko ba d'yan at mamumuti ang buhok ko yata ng maaga."
Nagtawanan sila maging si Elisha.
"Doc. sama na ako sa mga angels," paalam ni Elisha. Kunwari ay busy ako at sinenyasan ko siya na sumige na siya.
"Sige Doc. Mamaya na lang. Ano nga pala ang costume mo?"
"Lab-gown at stethoscope. Hulaan mo kung ano ako later."
"Ang dali naman Doc. Isa kang reseta mamaya. Sana maintindihan ko ang nakasulat," tumatawang sagot ni Elisha na ikinatawa ng mga nurse sa labas.
"Umalis ka na nga. Magkita tayo mamaya. Ingat kayo."
"Bye, Doc. Sal," paalam ng buong gang ng nurse ni Elisha.
BINABASA MO ANG
SENT FROM ABOVE (Completed)
General FictionThe body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfill specific missions entailed by Him that can't be fulfilled unless the angel appears in human form...