Chapter 9- Truth

2.3K 183 16
                                    

Elisha

"Mukha kang nalugi," puna ni Nurse May pagpasok ko sa bahay.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Doc."

"Ayaw n'ya ba ng tea?" Tanong ni May.

"Ayaw niya sa akin." Pagod na sumalampak na lang ako sa sofa at doon nahiga.

"Uhm, kakamatay pa lang ng girlfriend n'ya. Magpalipas ka muna ng ilang bwan bago mo akitin."

Napatayo akong bigla sa sinabi ni Nurse May. "As a person ang ibig kong sabihin."

"Ah, akala ko ay may pagsintang purorot ka na kay Doc. Mahirap magmahal ng taong basag. Masusugatan ka lang."

"Grabe, hindi naman. As a person lang. Para kasing tuwing nakatingin siya sa akin, parang may disgust siya sa mata. Siguro naiisip niya bakit ako nabuhay, pero si Ms. Mira ay hindi niya nailigtas."

Natahimik si Nurse May. Napaupo akong muli sa sofa at niyakap ang isang throw pillow. "Kinakain siguro siya ng guilt."

"Hindi mo naman kasalanan iyon, Elisha. May hangganan ang kakayahan ng isang doktor." Wika ni Nurse May.

"Alam ko naman. Iyon nga ang kailangan n'yang maintindihan. May time line tayong lahat. Maaring hindi ko pa oras kaya nabuhay pa ako. Naaawa ako sa kanya, Nurse May. Kinakain siya ng guilt. Kinakain siya ng pain. Tinigilan n'yang manggamot dahil sa failure. Hindi na siya bumangon sa pagkakadapa." At gusto kong umiyak para sa kanya.

"Kausapin mo na lang siya, Elisha hanggat kaya mo pang kausapin." Payong muli ni Nurse May sa akin.

"Iyon na nga ang ginagawa ko," bulong ko. Tulungan N'yo po ako, Lord.

Kinabukasan, may dala akong yakult. Sabi kasi sa commercial, marami itong probiotics. Good for the stomach.

"Good morning, Sir." Masiglang bati ko sa nakasimangot na si Doc. Salazar.

"Yakult mo Sir." Binaba ko ang isang yakult sa harapan niya. Nakakunot ang noo niyang tinitigan ang yakult na akala mo ay kaaway. "Wala kasing litro n'yan Sir. Naghanap ako sa grocery."

"Elisha," nagtatagis ang bagang ni Sir Salazar nang tawagin ang pangalan ko.

"Yes po?"

"Hindi ko kailangan ng yakult. Kailangan ko ng katahimikan. Gusto kong mapag-isa."

"Sir, ang sabi sa bible, man does not live by bread alone. Kailangan mong makihalubilo paminsan-minsan. Kailangan mo ng kasama." Paliwanag ko pa.

"Huwag mo akong basahan ng verse sa bible. I don't need anyone. I don't need you. Sana ikaw na lang ang namatay, sana ikaw na lang ang nawala. Saka nandito pa si Mira. Gusto mo naman nang mamatay noon, hindi ba? Bakit hindi ka pa mawala! Kung hindi ako naipit sa schedule ko sa iyo, buhay pa sana siya ngayon. Sa kanya siguro napunta ang buhay na hawak mo."Sigaw ni Sir. Nabigla ako sa sinabi niya. Masakit pakinggan at may kurot sa dibdib ang bawat salita.

"Sana ikaw na lang ang hindi ko nailigtas nang sa ganoon ay hindi mo ako kinukulit."

Nangilid ang mga luha ko at nagbaba ng tingin.

"Ayan ang bintana, tumalon ka ulit sa building nang sa ganoon ay tuluyan ka nang mawala. Wala ng doktor ang sasagip sa iyo."

Nagpakamatay ba ako noon? Bakit? Wala ba akong takot sa Diyos noon para humantong sa pagkitil ng sarili kong buhay?

"Doc?"

"Huwag mo akong babasahan ng bible, Elisha na parang ang banal mo. Dahil sa ating dalawa, ikaw ang may kasalanan sa Diyos mo dahil nagtangka kang magpakamatay."

"Excuse me po," umiiyak akong lumabas ng office ni Doc Salazar. Kinuha ko ang bag at mabilis na nilisan ang opisina.

I failed.

'No, my child' bulong ng hangin.

Hindi ko alam kung saan pupunta kaya sa simbahan ako nagtungo. Doon ako umiyak nang umiyak. Hindi ko alam ang nangyari sa akin. Akala ko ay naaksidente ako at hindi ko na pinagkaabalahang hanapin sa internet ang tunay na nangyari. Pero bakit? Bakit kailangan kong tumalon ng building? Gaano ba ako nasasaktan noon? Mas matimbang ba ang sakit kaysa sa pagmamahal ng Diyos sa akin?

"Ineng, kanina ka pa umiiyak." May lumapit na isang matanda sa akin at binigyan ako ng panyo at tubig. "Malaki ba ang suliranin mo?"

Kinuha ko ang panyo at nagpahid ng muka. Nagpasalamat ako sa matanda at sa tubig na inabot niya sa akin.

"Nasasaktan lamang po ako," sagot ko sa tanong niya kanina.

"Ang luha ay parang panalangin, nakakalinis ng ating suliranin."

"Totoo po iyan. Maraming salamat po ulit sa panyo at tubig. Aalis na po ako." Paalam ko sa matanda. Dinala ako ng mabigat na damdamin sa sementeryo. Hinanap ko ang libingan ng aking mga magulang. Wala ni isang alaalang nagbalik sa akin. Wala ni isang pagtangis akong naramdaman. Ang bigat ng mga salita ni Doc. ang siyang nagpabagsak sa aking mga luha at ang kaalaman na minsan kong ninais na wakasan ang buhay ko. Napakaganda ng buhay para lamang sayangin.

Napagpasyahan kong umuwi nang humupa na ang sakit sa kalooban. Naglakad ako palabas ng sementeryo nang madaanan ko ang isang museleo. Naagaw ng isang pangalan ang atensiyon ko. Mira De Venecia. Pumasok ako sa bukas na museleo ay naupo sa upuan malapit sa puntod ni Mira.

"Maraming salamat, Mira." Wika ko habang sinasalat ang bawat letra ng pangalan sa kanyang lapida. "Minsan naikwento sa akin ni Doc na religious ka at nahawahan mo raw siya ng pananampalataya mo. Kung maibibigay ko lamang ang buhay ko sa iyo, ay gagawin ko kaya lamang ay alam kong alam mo na may hangganan ang lahat ng tao. Mangyayari ang nakatakda kaya dapat ay maging handa para tayo. Naiwan mo si Doc. na may malaking sugat sa puso."

Napatulala ako sa kawalan habang kinakausap si Mira.

"Alam kong payapa ka na diyan. Kasama Niya. Maganda, hindi ba? Walang pasakit at hindi saklaw ng kasakiman ng mga tao. Walang kalungkutan, walang pighati. Lahat masaya."

"Maraming salamat Mira, sa mga oras na pinahiram mo si Doc. upang gamutin ako."

"Elisha?"

Napatingin ako kay Doc. Salazar na may hawak na bulaklak sa bungad ng museleo.

"Paalam," bulong ko kay Mira.

"Sorry, I lived," I said to Doctor Salazar on my way out. Nanatili siyang nakatayo at nararamdaman ko ang pagtitig niya sa aking likuran.

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon