Chapter 3- Pray

2.7K 178 6
                                    

Elisha

Napangiti si Dr. Andrada sa akin. Ang bait ng mga mata niya, hindi katulad noong isang doktor na nauna. Para siyang galit sa akin kung magtanong.

"Lahat tayo ay may misyon," sagot niya.

"Ano ang misyon ko?" naguguluhang tanong ko. Alam kong may misyon pa ako, ngunit ano? Kahit katiting na ideya... wala akong maisip.

"Siguro, iyong magpagaling ka, Elisha. Iyon ang misyon mo ngayon," sagot niya. Tumango ako.

"Ikaw, anong misyon mo?" tanong ko ngunit ngumiti lamang siya sa akin bilang tugon.

Tandaan mo ang iyong misyon.

Iyon na naman ang boses na nasa likod ng aking isipan. Kinakausap niya akong muli. Sino ba siya? Huminga ako nang malalim at tumango na lang din kay Dr. Andrada.

"Salamat," mahinang wika ko. Ngumiti siya at pinisil ang kamay ko bago tuluyang umalis.

Para akong isang bond paper— blangko. Wala akong maalala. Wala ni isang alaala. Ang tanging mayroon ako ay isang panaginip. Isang liwanag at isang boses na pinapaalala na mayroon akong misyon.

Elisha...

Ilang beses ko nang binigkas ang aking pangalan ngunit parang bago iyon sa aking pandinig. Lahat sila ay iyon ang tinatawag sa akin, ngunit bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko ay hindi ako iyon? Unti-unti akong nilalamon ng takot. I am scared of something I don't even know. Saan ako magsisimula? Paano?

"Elisha, you need to rest," boses iyon ng isang nakangiting nurse. Siya ang nakaputol sa mga alalahanin ko.

"Doctor's order," dagdag niya pa. "Papagalitan tayong dalawa ng gwapo mong doktor kapag hindi ka nagpahinga."

"Sino si Dr. Andrada?" Ngumiti ang nurse sa akin habang pinapalitan niya ang dextrose na nakasabit sa gilid ng kama.

"Siya ang isa sa pinakamagaling na Neuro & General Surgeon dito sa Pilipinas. Oh my God, hindi pala isa sa pinakamagaling, siya ang pinakamagaling. And he successfully saved you. Kaya magpahinga ka na bago pa magalit ang gwapong doktor."

Para siyang kinikilig at makailang ulit na nagtakip ng mukha bago tuluyang nakapagsulat sa chart na kanina lamang ay hawak ni Dr. Andrada.

"Kaya lang may girlfriend na siya. Napaka-swerteng nilalang." Napailing ito na para bang nanghihinayang sa naiisip bago inilagay ang chart sa harapan ng kama at ang ballpen sa bulsa ng blusa.

"Pero kasi naman, sobrang religious ni girlfriend. Baka malakas kay Lord kaya binigay ang pinaka sa lahat ng pinaka na lalaki sa kanya. Hay, matulog ka na nga ulit. Sumosobra na naman ako sa daldal." Natatawa niyang pinisil ang kamay ko.

"Pagaling ka, super girl."

Nahinto ang utak ko sa sinabi ng nurse na isang Neuro-Surgeon si Dr. Andrada. Hindi ko na naintindihan ang iba niyang sinabi. Paniguradong masasagot niya ang mga tanong ko kung bakit ako... blangko.

Kailangan ko siyang makausap.

Kinabukasan, nagising akong masakit ang ulo at parang inaapoy ng lagnat. Nagkagulo ang mga doktor at mga nurse. Kasama roon si Dr. Andrada. Halos hindi nawawalan ng tao sa kwarto ko. Parating may mga nakaputi sa tuwing magmumulat ako ng mga mata. Ang pinagtataka ko lamang, bakit parang wala akong pamilya na nagbabantay sa akin.

"Doc," tawag ko sa Doctor na mukhang na-surprise nang makita akong gising.

"How do you feel, Elisha?" tanong ni Dr. Andrada nang makabawi sa pagkagulat.

"Bakit... parang mag-isa lang ako?" I asked instead of answering his question which made him looked confused.

"What do you mean?"

"Bakit... Nasaan ang pamilya ko?" Sumeryoso ang mukha ni Dr. Andrada at makailang ulit huminga nang malalim, parang pinaghahandaan ang kung ano mang sasabihin.

"You... don't have... a family," Marahang sagot niya. "Anymore."

That explains why. Ilang araw na ba ako sa ospital o linggo... Subconsciously, iyon siguro ang kinakatakot ko. Mag-isa ako sa buhay.

"Kasama ko ba silang naaksidente?"

The doctor looked at me with pity on his eyes before he shook his head. "You need to rest," he said.

"I am stronger than you think I am," I told him.

"Of course. But this is..."

"Did they die noong naaksidente kami at ako lamang ang nakaligtas?" I asked, cutting what he was about to say.

"Am I the only survivor?" Parang may lungkot na humaplos sa aking puso. Parang naririnig ko ang unti-unting pagkabasag nito.

"You survived and that's something to thank for."

"I am thankful for the life extension that was given to me. I know that life is a gift we need to celebrate every day."

The doctor looked confused once again.

"Ilang araw na ako sa ospital?" pag-iiba ko sa usapan.

"Four weeks," sagot niya. Ganoon na ako katagal dito?

"Will I be able to walk again?" Mukha na kasing hindi dahil sa dami ng cast sa katawan ko. Nasasabik akong makita ang katawan ko at hindi ko alam ang dahilan.

"You need to undergo therapy," sagot nito.

"May amnesia ba ako?"

Napamaang si Dr. Andrada sa akin. Wala na yatang sense ang mga tinatanong ko. Epekto ba ng mga gamot ito? Pain killer kaya ang salarin bakit sala-salabat ang daloy ng usapan namin?

"Bakit mo naitanong?" balik na tanong niya. I raised my shoulder and let it fall pero sana sumagot na lang ako dahil sobrang sakit ng katawan ko kapag nagagalaw. Namuo ang butil ng pawis sa aking noo dahil sa sakit.

"Wala akong maalala. Everything... is just blank," sagot ko sa kanya.

"Everything?"

"Everything," maikling sagot ko. "I don't know who I am. And it... scares me."

Lumamlam ang mga mata ni Dr. Andrada. Para siyang naawa sa kalagayan ko.

"I am looking for a treatment for your amnesia. I am hoping it would just be temporary," sagot niya. "Magpahinga ka na, Elisha."

Sa iilang pagkakataon na nakakausap ko si Dr. Andrada, napapansin kong madalas niyang ginagawang palusot ang pagpapahinga ko just to end the conversation.

"Doc, can you do me a favor? Please?"

Tinitigan niya ako nang taimtim. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Did I cross the line? Asking him to do me a favor after saving my life?

"What is it?" tanong niya.

"Can you please pray for my healing?" Gumalaw ang labi ni Dr. Andrada at sumilay ang isang ngiti.

"I will ask my girlfriend to pray for you, she's a lot more religious than I am. But yes, I will pray for you," he replied then he squeezed my hand— like he always does before he left.

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon