Nakaayos na ang bata sa operating room. Binabasa ko ang report ng medical history niya habang hinihintay si Doc. Chan galing sa admin.
"Thank you, Doc." Bulong ng nurse ko sa team. "Sana bumalik ka na,"
Delikado ang lagay ng bata kung hindi maooperahan ngayon. Hindi ito tatagal ng hanggang bukas.
Napatingin kami ng buong team ng pumasok si Doc. Chan na may dalang papel. Tumango siya sa akin at nakahinga kami ng maluwag. Lumabas kami ni Doc. Chan upang magpalit ng gloves. Nakapaikot na ang buong team sa bata nang pumasok ulit kami. Pumuwesto ako sa tapat ng ulo ng bata. Naghihintay ang buong team ng utos mula sa akin.
"Let us pray," I said na ikinangiti ng mga mata nila sa kabila ng surgical mask na suot.
Lord, lend me your healing hands as we operate this child today. Let you merciful heart guide our hands to do the things you wanted us to do. Stay with us, as this operation will be hard. Let your Holy Spirit calm the mother who is now lifting up her child unto your mercy. Amen.
I look at my team after we pray. We have the determination in our eyes.
"Patient is ready," sabi ng anesthesiologist ko. Huminga ako ng malalim at pumikit sandali. Mukha ni Elisha ang dumaan sa isipan ko.
God bless you.
"Scalpel," I said and my hand immediately hold the familiar tool I am so capable to hold. Tahimik kami at kalmado sa kabila ng masalimuot na operasyon. Ilang bag ng dugo na ang inilagay sa pasyente. Sa kabila ng blood transfusion, hindi bumaba ang blood pressure ng pasyente na ikipinagpasalamat namin. Tatlong buong oras kaming nag-operate at ng maibuhol ko ang huling sinulid sa ulo ng bata ay napahinga kami literal ng malalim. My team started to clap and some has tears in their eyes.
"Thank you, Doc. Sal," wika nila.
"Alagaan n'yo ang pasyente natin. Call me kung may emergency. Doc. Chan, sa iyo ko ipagkakatiwala ang recovery ng bata." Bilin ko sa kanila.
"Ako ang bahala, Doc. Sal. Patulugin ko si Doc. Santiago kapag nanggulo." Biro nito na ikinatawa namin ng bahagya. Tiningnan kong muli ang bata bago ako nagpaalam sa team ko na mauna ng lumabas.
Sinalubong ako ng nanay ng bata paglabas ko sa operating room.
"Doc," umiiyak na tawag niya sa akin.
"Ligtas po siya," sagot ko. Umiiyak na yumakap sa akin ang nanay. Ako naman ay hinagod ang likod nito upang kumalma. Sa upuan sa hallway natanaw ko si Elisha na nakaupo at naktingin sa gawi namin.
"Kumalma nap o kayo. Baka kayo naman ang maatake sa puso," biro ko sa matanda. Napangiti ito ng bahagya at lumayo sa akin.
"Ang sabi ng kaibigan mo ay pinakamagaling na doctor ka. Ikaw lamang ang tumanggap na operahan ang anak ko. Lahat sila ay ayaw siyang galawin. Ngunit sabi ng kaibigan mo ay magtiwala ako. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Kulang yata ang salitang salamat para sa iyo. Tatanawin kong malaking utang na loo bang ginawa mo, Doc. Kahit ipangutang ko ang pambayad sa iyo ay ayos lamang. Naoperahan moa ng anak ko, nailigtas mo siya."
"Ginawa ko lang po ang tama. Huwag po kayong mag-alala sa doctor's fee ko. Iwa-waive ko na po para makabawas sa babayaran ninyo."
Umiyak na naman si nanay kaya nagtagal ako bago ko nalapitan si Elisha.
"Nandito ka pa,"
"Hinihintay kita Doc para magpasalamat." Nakangiting sagot niya. Tumayo siya at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Nasaan si Nurse May?" Bakit nag-iisa lang ito ngayon?
"Half day lang kasi siya ngayon. Kailangan n'ya ring dalin sa doktor ang nanay niya kaya nagpaiwan na lang ako para hintayin ka. Alam ko namang umuwi. Alam ko na ang address ko." Sagot nito.
"Kumain ka na ba?"
Tumango si Elisha, "Mauna na ako, Doc. Sal. Maraming salamat sa pagtulong mo sa bata."
"Sandali, hintayin mo ako. Magwa-wash up lang ako. Kita tayo sa reception area in ten minutes." Nauna akong maglakad kay Elisha at pumunta sa doctor's quarter upang magwash up. Hindi ako pwedeng umalis ng may dugo pa ang suot na scrub. Naabutan ako ni Doc. Chan na paalis ng dumating siya sa doctor's quarter.
"Salamat ulit, Doc. Sal." Wika niya.
"Wala iyon. 'Yung mga bilin ko,"
Tumango si Doc. Chan at lumabas na ako ng doctor's quarter. Hinanap ko si Elisha sa reception area at nakita ko siyang nagmamasid ng mga pumapasok sa hospital.
"Elisha," tawag ko sa kanya. Mukha siyang natauhan sa pagkakazoom out niya at naguguluhang tuningin sa akin. "Okay ka lang,"
"Yeah, para lang may nakita akong kakilala pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita." Sagot niya.
"May memories kang bumabalik?"
Nakakunot noon siyang umiling. "Zero pa rin," sagot niya.
"Tara, nagugutom ako. I need to speak to you." Tahimik na sumunod sa akin si Elisha at nag-aalangang tumingin sa akin ng pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse. Hindi kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. She let me order my food and she asked for a dessert na lang dahil kumain na raw siya.
"Kailan ka babalik sa opisina?" Tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin. Nakakunot ang noo niya na mukhang naguguluhan sa tanong ko.
"Nagre-sign na ako, Sir." Sagot niya. So I am back to being Sir.
"Sino ang may sabi?"
"Ako," maikling sagot ni Elisha. "Wala ka bang sasabihin, Sir?"
Nahinto ako sa pagnguya ng broccoli na kinakain ko. Bigla akong kinabahan sa way ng pagtitig niya. Kung kanina ay mainit ang palad niya, ngayon ay parang may yelo na nanunuot sa akin kapag tumititig siya ng taimtim.
"Sorry," I said sincerely.
"Para saan?"
"Sa mga nasabi ko," I replied to her na ikinataas ng mga kilay niya.
"Alin doon?" Mahinahong tanong ni Elisha.
"Lahat ng nasabi kong hindi maganda."
"Gaya ng?"
"Jesus Christ, kailangan kong isa-isahin?" I asked her back na ikinatango niya bago ngumiti. "Joke lang. Hindi naman ako magsisinungaling na hindi ako nasaktan sa mga sinabi mo. Hindi ka dapat humihiling na sana, ibang tao na lang ang namatay at hindi ang mahal mo sa buhay," pangaral ni Elisha sa akin.
"May mga tao kasing dadating sa buhay natin para bigyan tayo ng lesson, meron ding taong dadating para magstay for a while. Huwag kang magagalit sa buhay dahil iyon naman talaga ang dapat mangyari. Mawawala naman tayong lahat dito. May nauuna nga lang at mayroong nahuhuli."
"I know and I'm sorry. I really didn't mean it."
"Pwede bang humingi ng condition bago kita patawarin?" Hindi ako hinintay na sumagot ni Elisha. "Can you look at the children with brain tumor doon sa hospital na pinagvolunteer ko?"
"What is your plan on doing this?" Nagtatakang tanong ko.
"So you can see how many of them needs you." She said while smiling. "Mas bagay sayo ang doctor's uniform kaysa naka coat and tie."
I chuckled and continue to eat. "Babalik ka ba ng office kung pupunta ako sa hospital? Hindi matantya ng bagong assistant ko ang asin sa kape." Biro ko sa kanya na ikinatawa ni Elisha.
"Kulang siya sa practice," tumatawang sagot ni Elisha.
"Ano? Deal?"
"Deal," nakangiting niyang sagot. "Yakult ba, ayaw mo?"
Natatawa akong ngumuya at saka umiling. "Maliit e, kulang sa akin." Biro ko. "Sino ang nakita mo sa hospital?"
Nagkibit ng balikat si Elisha. "Hindi ko alam ang name eh, must be the angel of death." Simpleng sagot niya. Ah, kinilabutan ako sa biro niya.
BINABASA MO ANG
SENT FROM ABOVE (Completed)
General FictionThe body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfill specific missions entailed by Him that can't be fulfilled unless the angel appears in human form...