Elisha
"Malapit ng matapos ang mission mo. Kaunti na lang Elisha."
"Tapos po?"
"Babalik ka na dito."
"Babalik po... ako." Bakit ang bigat sa dibdib na dalin.
"Ayaw mo ba?" tanong Niya.
"Maari po ba akong manatili ng matagal doon?"
"Hindi ka tao, Elisha. Kailangan mong bumalik sa akin."
Hindi ako kumibo.
"Hanggang sa susunod, Elisha," paalam Niya.
Nagising ako na hinihingal.
"Elisha?"
"Doc Sal? Nasaan ako?"
"Nasa hospital ka. Okay ka lang? Bad dreams?"
"Not bad... just—" Huminga ako ng malalim at hindi na pinagpatuloy ang sasabihin.
"Gusto mong kumain?" he asked.
Bakit ako nakaconfine? Ahhh, yes, nawalan ako ng malay kahapon.
"Pwede ba akong kumain?" I asked back.
"What do you want to eat?"
Kinuha ni Doc ang pen light niya at tinutok sa mga mata ko. Pinigilan kong kumurap habang tinitingnan niya ang mga mata ko.
"What do you want to eat?" tanong niya ulit.
"Bakit ang aga mong nagduty?" Tiningnan ko ang labas. Madalim pa.
"Hindi ako umuwi. Pinamadali ko ang mga results mo. Stable naman lahat. Ano ang gusto mong kainin?" balik na tanong niya.
"Saan ka natulog?"
Doc Sal looked at the couch. "Bakit ba ayaw mong sabihin kung ano ang gusto mong kainin?"
"Coffee and—"
"Bawal ang coffee. Orange juice na lang."
"Ikaw na ang bahala," I murmured.
"Okay. Magpahinga ka ulit," utos ni Doc.
"Lalabas ka ba?"
"Hindi. Magpapadeliver lang ako." Bumalik siya sa couch at doon nagdudutdot sa cellphone.
"Doc, kailan ako lalabas ng hospital?"
Huminga ng malalim si Doc. Sal. Hindi siya tumingin sa akin. "Dito ka na titira," sagot niya.
"Ano?" nabiglang tanong ko.
"Tinakot mo kaming lahat, alam mo ba?" Bigla siyang nagsungit.
"Bakit nagagalit ka?"
"Bakit hindi ako magagalit? Napatulog ako sa sofa ng wala sa oras, paanong hindi ako magagalit?"
"Sino ba ang may sabing d'yan ka matulog?" tanong ko. He opened his mouth to reply but probably change his mind. Hindi niya na lang ako pinansin. "Lagi ka na lang nagagalit."
"Hindi ako galit, Elisha. 30 minutes bago dumating ang delivery."
"Galit ka Doc. Sinisigawan mo ako." Pinigilan kong tumawa but I failed. "Thank you, Doc. Sorry nag-alala ka."
"Sino ang may sabing nag-alala ako?" tanong niya sa akin.
"Nag-alala ka eh," biro ko. Ang akala ko ay maiinis siya but he just shook his head and smile.
"Iidlip ako, huwag kang maingay."
"Hindi ka magro-rounds?"
"Mamaya. Let me sleep."
"Paano ang food delivery kung matutulog ka, Doc?"
"My God, Elisha, minsan hidni ko alam kung hihilingin ko na tumahimik ka o ano..." Nayayamot na umupo ng maayos si Doc.
"Did you pray?" nakangiting tanong ko at ngumuso sa table na may rosary.
"While you were sleeping," he murmured. Kinuha niya ang rosary at nilagay sa bulsa.
"Ano ang pinagdasal mo?"
"World peace," sarcastic na sagot ni Doc.
"Pinagdasal mo ako?"
"Ang kulit mo ba? Ano ba mapapala mo kung malalaman mo ang pinagdasal ko?"
"It will make me smile if you prayed for me."
Iiling-iling si Doc. na sumundal sa at humalukipkip. "Then... smile."
My face lights up. "Thank you," I replied smiling. "Doc, may itatanong ako sa iyo. Just hypothetical question."
"Balak mo talaga akong huwag patulugin. Sige... anong tanong na naman iyan?"
I chewed my lower lip, carefully picking the right words to ask him. "If ever... na mawala ako—"
"Saan ka naman pupunta?" putol ni Doc sa gusto kong sabihin.
"Hypothetical question lang... if ever na mawala ako, will you remember your faith?"
Hindi kumibo si Doc. Nawala ang playful na mukha aura niya. "It's not funny," sabi nito.
"Remember your faith, always," bilin ko.
"Elisha—"
"If ever I am not here to remind you, everything happens for a reason, Doc Sal. Don't lose your faith when you get hurt. Above all things, pray to Him to give you strength."
"Stop... I don't like your hypothetical question... at all."
One day, you will wake up and I am not here. I will cherish this moment and I hope and pray you'll remember me... as your angel.
BINABASA MO ANG
SENT FROM ABOVE (Completed)
General FictionThe body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfill specific missions entailed by Him that can't be fulfilled unless the angel appears in human form...