Chapter 8- Sir Salazar

2.2K 173 24
                                    

Salazar

Mahigit isang buwan buhat ng mawala si Mira... mahigit isang buwan buhat ng magbitiw ako bilang doctor. Akala ko ay matatag na ako at naisantabi na ang lahat ngunit sa isang iglap ay bumalik ang guilt sa akin ng lumitaw si Elisha. Bakit buhay siya at si Mira ay hindi? Bakit?

"Good morning, Doc."

Kunot noo kong inikot ang upuan ko upang siguraduhin kung tama ang boses na narinig ko.

"Coffee?" nakangiting tanong ni Elisha.

"What are you doing in here?"

Alanganin niyang inilapag ang kape sa table ko. "Ako ang bago mong assistant." Sagot niya. Napapikit ako sa inis. Of all people! si Elisha ang huling taong gusto kong makita.

"You're fired."

"Um, si Sir Andrada po ang naghire sa akin." Katwiran ni Elisha.

"Get out." Sigaw ko na ikinayuko niya.

"Nasa labas lang ako Doc. kapag kailangan mo ako." Nagmamadali siyang lumabas ng opisina ko at iniwang nakabukas ang pintuan. Hindi nagtagal ay bumalik si Elisha at hinila pasarado ang pinto. I dialed my dad's office pero mukhang wala pa ito sa opisina niya kaya ang sumunod kong tinawagan ay ang HR.

"Sir Sal, hindi po namin siya p'wedeng tanggalin. Bilin ni Sir Andrada." Paliwanag ng HR manager sa akin.

"Tanggalin n'yo siya sa akin."

"Hindi rin po p'wede, Sir."

Naiinis akong ibinagsak ang telepono at kinuha ang kape ng nilapag ni Elisha. Mabilis ko ring naibuga ang kape pagkahigop ko.

"Elisha," sigaw ko. Nagmamadaling pumasok si Elisha sa opisina ko kagat-kagat ang labi.

"Doc?"

"Balak mo akong patayin sa kape mo?"

"Doc., masama ang mambintang." Sagot niya sa akin. Nagtagis ang mga bagang ko at nakuha pa talagang sumagot.

"Sige tikman mo." Inusog ko ang kape palapit sa dulo ng table ko. Alanganing lumapit si Elisha at kinuha ang tasa ng kape. Nakatingin siya sa akin nang itaas ang tasa sa bibig at tikman.

"Ekkk," nailuwa niya ang hinigop na kape sa tasa. "Ang alat."

"Asukal ang inilalagay sa kape at hindi asin. Nakalimutan mo rin ba iyon?" sarcastic na tanong ko.

"Sorry po, papalitan ko na lang." wika niya at nagmamadali na namang lumabas ng opisina ko tangay-tangay ang tasa ng kape.

Panginoon ko. May amnesia pa ang kinuhang assistant ni daddy.

Hinintay kong bumalik si Elisha na may dalang bagong tasa ng kape na umuusok pa.

"Heto na Doc." Ibinaba niya ang tasa sa harapan ko. "Asukal na ang inilagay ko. Magkamukha po kasi sila ng asin." Katwiran pa nito.

"Doc,"

"Sir. Hindi na ako doktor." Pagtatama ko sa kanya. Kinuha ko ang kape at humigop ng kaunti. Sumubra naman sa tamis.

"Hindi naman po ninyo kasalanan," mahinang sagot niya.

Padabog kong binaba ang tasa at tumapon ang kape sa table ko. Napatalon ng kaunti si Elisha sa kinatatayuan.

"Ano ba ang alam mo?"

"Wala po,"

"Iyon naman pala. Wala kang alam kaya huwag kang magmarunong na alam mo ang sinasabi mo. Kung ako ang masusunod ay tatanggalin kita. Ikaw ang huling taong gusto kong makita. Lumabas ka nga."

Tiningnan ako ni Elisha nang taimtim. Her stares sent chills down my spine. Gaya noong unang tinitigan niya ako pagkatapos niyang magkamalay sa hospital.

"The pain that you've been feeling, can't compare to the joy that's coming." Ang sabi niya bago yumuko ng kaunti at lumabas ng opisina ko. Maghapon niya akong iniiwasan unless kapag dinadalan niya ako ng kape every two hours.

"Papatayin mo ba ako sa kape?" angil ko sa kanya nang dalan niya ako muli bandang ala-singko ng hapon. "Masama ang kape kapag sobra."

Hindi siya kumibo. Kinuha niya ulit ang tasa na kakalapag pa lamang at saka isinama palabas ng kwarto. Wala na si Elisha nang lumabas ako ng opisina bandang alas nueve ng gabi. Gaya ng nagdaang buwan, umuwi ako sa bahay ko na hindi binubuksan ang mga ilaw. Nangkukulong ako sa dilim at nilulunod ang sarili sa alak para makatulog lamang. Paulit-ulit na nagpa-play sa isip ko ang walang malay na si Mira habang sinasalba ko siya sa kamatayan. Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang huling pag-uusap namin bago siya maaksidente. At ang message ko na hindi naipadala sa kanya ay nasa inbox ko pa. Unsuccessful hanggang ngayon.

Kinabukasan ay bakante ang pwesto ni Elisha nang dumaan ako papasok sa kwarto ko. Ang akala ko na nagresign na ay nakangiting pumasok sa kwarto ko na may dalang tasa. Puting-puti ang suot na dress.

"Good morning Doc... ay Sir pala." Inilapag ni Elisha ang tasa na hawak at pinaningkitan ko ito ng mata ng makita ang laman.

"Aanhin ko ang gatas?"

"Sabi mo Sir, masama ang kape kapag sobra. Ayan, maggatas ka muna." Nakangiting sagot niya. Napasapo ako sa noo ko at hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o nang-iinsulto.

"Magtatae ako kapag nasobrahan sa gatas,"

"Napaghandaan ko na iyan, Sir." Sagot niya at naglapag ng gamot sa harapan ko. "In case magtae ka, 2 tablets daw ng loperamide ang inumin mo sabi ni Nurse May."

"Lumabas ka nga, Elisha." Kasakit mo sa ulo.

"Okay Sir. Tawagin n'yo lang ako kapag kailangan n'yo ako." Paalala pa nito bago lumabas ng opisina ko.

Gaya kahapon, every two hours akong dinadalan ng mainit na gatas ni Elisha. Pinipilit ko siyang huwag pansinin at ituon ang atensyon sa mga report na binabasa ko ngunit puting-puti kasi ang suot at mapapagkamalan mong multo.

"Huwag mo na akong dalan ng gatas." Utos ko sa kanya nang magdala ulit bandang alas dos ng hapon.

"Ano ba ang gusto mo, Doc?"

"Ang makapagbasa ng matiwasay dito."

"Hindi naman po ako nang-iingay kapag pumapasok." Katwiran niya.

"Ayaw ko ng gatas, Elisha," I said through gritted teeth.

"Okay po." Maikling sagot niya.

Hindi na ako ginambala muli ni Elisha sa pagbabasa. Hindi na rin siya pumasok sa opisina ko upang dalan ako ng gatas o kape. Wala na rin siya sa table niya nang lumabas ako ng opisina ng alas nueve ng gabi. Kinabukasan, pagpasok ko sa opisina, isang nakaputing Elisha na naman ang bumungad sa akin at may dalang tasa. Napapikit ako sa inis.

"Good morning, Sir. Peppermint tea," nakangiti niyang nilapag ang tasa sa harapan ko.

"Hindi pa ako nakakaupo," angil ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.

"At ham and egg sandwich."  Inilapag ni Elisha ang sandwich na hindi ko napansing hawak niya kanina. "Baka kasi hindi ka pa nag-aalmusal."

"Ang sabi kasi ni Nurse May, nagsusungit ka raw sa hospital kapag gutom ka." Wika nito. Nanlaki ang butas ng ilong ko sa narinig.

"Labas, Elisha," I said and pointed my finger at the door.

"Nalipasan ka nga ng gutom, Sir. Sige, nasa labas lang ako." Sagot niya. Ngunit bago niya maisarado ang pintuan, sumilip muna siya at nagtanong.

"Okay ba ang plain tea sa inyo o lalagyan ko ng gatas?"

"Labas," sigaw ko.

"Right, nagtatae ka nga pala sa gatas. Plain tea, it is." She replied and closed the door when she left.

Bakit ikaw pa ang nabuhay?

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon