Chapter 6- Gone

2.2K 146 5
                                    

Salazar

Hindi ko pinapansin ang phone na nagriring sa harapan ko. Nasa mga laboratory test, MRI at X-ray ni Elisha ang buong concentration ko. She is ready to be released at nagkakagulo ang media sa kanya. Bukod sa mabilis ang recovery niya, wala talagang mag-aakala na mabubuhay siya mula sa pagkakatalon niya sa building. Napagpasyahan namin na irelease si Elisha ngayong gabi. Kung kailan walang media sa labas. Kaya nakabantay kaming mga doctor ngayon sa kanya.

"Doc, phone call po. Si Ma'am Mira."

Napatingin ako sa secretary ko na nakasilip sa pintuan. Tinuro niya ang land line sa harapan ko na nagbi-blink ang led.

"Sige, thank you." I replied.

"See you tomorrow, Doc. Mauna na akong umuwi sa inyo." Iniwan ako ng secretary ko at na mag-isa sa office.

"Hello,"

"You forgot, didn't you?" Bungad ni Mira sa akin.

"Forgot what?"

"Our anniversary."

"Ngayon ba iyon?" Nagmamadali akong hinanap ang phone ko para makita ang date.

"Yesterday," sagot ni Mira. Napasandal ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata.

"I'm sorry, hon. Babawi ako."

"Seriously, Salazar? Nasa priority list pa ba ako?"

"Mira," napabuntong hininga ako. "marami lang ginagawa dito sa hospital."

"Like your patient that put you at the top." May halong panunumbat na sagot ni Mira sa akin.

"Akala ko ay naiintindihan mo ang profession ko."

"Naiintindihan ko, Salazar, believe me. Hanggang sa ngayon ay iniintindi kita. Pero intindihin mo rin naman ako. May halaga pa ba ako sa iyo?"

"Mira, calm down. Nasaan ka? Pupuntahan kita bukas."

She laughed without humor at the other end. "Bukas? Baka wala na ako bukas, Salazar."

"Mira,"

"I need you now. Please, puntahan mo ako sa condo ni Maggie."

"Ano ang ginagawa mo sa condo ng best friend mo? Anong oras na ba? Kailangan ako sa hospital ngayon. Bukas, I'll take my off tomorrow." I promised to her.

"Doc, pinapatawag kayo sa room ni Elisha." Wika ng isang nurse na sumilip lang sa pintuan ng opisina ko.

"Release na niya in an hour."

"Sige, pupunta na ako. Thank you Nurse May." I replied.

"Hon, I need to go." Paalam ko kay Mira. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya sa kabilang line.

"Okay. See you tomorrow." She answered back.

"Babawi ako. Promise."

"I love you, hon." She whispered and cut the line. She didn't wait for me to reply. Hinanap ko ang phone to so I can message her.

I love you too. I typed and send it. And it didn't send. Mayroon lang exclamation point ang message ko and it didn't go through.

"Doc, pinapatawag kayo sa room ni Elisha." Another nurse said from my door. Napabuntong hininga ako at nilagay sa bulsa ng coat ang phone. Mamaya ko na lang ireresend ang message ko para kay Mira. Galit pa siya, alam ko. Babawi ako bukas.

Nakangiti si Elisha ng pumasok ako sa room niya. Nakapagpalit na siya ng normal clothes. Nakakapanibago na hindi siya naka hospital gown ngayon.

"Doc," bati niya sa akin.

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon