Chapter 18- Picture

2.3K 165 10
                                    

Elisha

You are on the right path. Malapit na, Elisha. Malapit na.

Napamulat ako ng mga mata at tumingin sa cross na nasa altar. I heard His voice. I know He is talking to me. But—

"Tapos ka na ba?" bulong ni Doc. Sal sa akin. Umiling ako at nagpatuloy sa pagno-novena.

Though hindi umangal si Doc gaya ng dati, hindi n'ya pa rin ako sinabayan sa novena. Nakaupo siya at nakatitig lamang sa altar mula ng magdasal ako. Ano kaya ang iniisip niya? Nag-antanda ako ng krus at naupo sa tabi niya after I said the last prayer.

"What are you thinking?"

"Kailangan ba may iniisip ako kapag hindi ako nagsasalita?" balik na tanong ni Doc.

"Natatakot ka ba?"

Hindi kumibo si Doc. I felt his hands are shaking so I hold them both.

"Don't be afraid."

"You don't know what you are saying," he said and I felt the pain on his every word.

"You were not afraid when you helped me. You were so brave when you saved me."

Hindi muling kumibo si Doc. but he held my hand too tight to the point that it is painful but I keep it. He needs my hand right now.

"Habang nasa operating room ka, nasa chapel lang ako at ipinagdadasal ka. Pangako iyan."

"Ang taas ng tingin mo sa akin," wika niya.

"Tinitingala kita, Doc. Sal gaya ng pagtitingala ni Maggie sa iyo. Gaya ng pagtitingala ng buong hospital at medical field sa iyo. One bad chapter doesn't mean the story is bad throughout."

Huminga ng malalim si Doc at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko. "Let's go. Ihahatid na kita."

He let go of my hand and I felt a little... I don't know... disappointment maybe.

Kinabukasan ay wala sa opisina si Doc. Sal. Hindi siya pumasok kung kaya ay tinubuan ako ng kaba. No, he will be fine. Kinuha ko ang rosary ko at nagdasal sa tahimik na area ko. Pagkatapos kong mag-rosary ay nakareceive ako ng isang message galing sa kanya na nakapagpangiti sa akin.

Nasa hospital ako. Pumunta ka dito.

Nagmamadali akong lumabas ng opisina at nagpahatid sa company driver papunta ng hospital.

"Elisha, dumeretso ka raw sa opisina ni Doc. Sal," bilin ng receptionist pagpasok ko sa hospital. Nagmamadali akong sumakay sa elevator. Hinabol ko pa ang papasaradong pintuan nito na ikinakunot ng noo ng ilang pasyenteng sakay.

"Sorry po, nagmamadali lang," hinging pasensya ko sa kanila.

"Tagal mo." Pormal ang mukha ni Doc. Sal nang buksan ko ang pintuan ng opisina niya. Kausap niya si Doc. Chan at ang buong team niya.

"Sorry Doc., traffic," hinging paumanhin ko.

Sila ang team na nagligtas ng buhay ko. Nakangiti akong hinarap sila. "Anything you need, team?"

Natingin muna sila kay Doc. Sal bago sabay-sabay na nagsalita.

"Tubig, Elisha, saka pagkain."

"Kanina pa kami, toilet lang ang pahinga. Bili kang donut."

"Kape, please"

"Ang OA n'yo," sabat ni Doc. Sal.

"Doc, tatawag na ba ako ng delivery?" nakangiting tanong ko. Serious talaga siya ngayon, ang hirap biruin.

"Sa canteen ka—"

"Yuck," mabilis na naisagot ko na ikinatawa ng buong team. "Matabang, Doc."

A small smile appeared on his lips bago ito nawala at naging serious ulit ang mukha. "Ikaw na ang bahala," sabi niya.

"Okay," kinuha ko ang maliit na notebook ko sa bag at isang ballpen.

"Sino ang may gusto ng kape?" nagsimula akong magtanong kung sino ang may gusto ng mga pagkain para alam ko ang ipapadeliver ko.

"Ikaw Doc., gusto mo ng yakult?" Seryoso naman ang tanong ko, pero nagtawanan sila.

"Kaya pala medyo lumusog si Doc. healthy living na," tukso ng isa sa team.

Napa-face palm si Doc. Sal sa akin. "Lumabas ka na. Doon ka sa desk sa labas. Salamat, Elsiha."

Nevertheless, nilista ko pa rin ang yakult sa listahan ko.

"You're welcome, Doc," masiglang wika ko bago ako lumabas. Nakadial na ako sa telepono ng ibaba koi to.

"Oh no!" Nagmamadali akong bumalik sa office ni Doc. Sal. Nakalimutan ko ng kumatok. Natigil sa pagsasalita si Doc. at ang lahat ay natingin sa akin.

"Yes, Elisha?" tanong ni Doc.

"Doc, pahinging pera," nahihiya at natatawang wika ko na ikinatawa na naman ng ka-meeting niya.

Nag-isang linya ang kilay ni Doc at kinagat niya ang ibabang labi. Kinuha ang wallet sa likod ng suot na pants.

"Akin na muna ang wallet mo, Doc, para hindi ka na maistorbo mamaya."

Hindi naman umangal si Doc. Sal at inabot sa akin ang wallet.

"Wala bang co—"

"Wala," mabilis na sagot nito.

"Conditioner ang sasabihin ko," pagsisinungaling ko. Nakagat ko ang dila ko dahil doon. Tawa nang tawa ang buong team nang lumabas na ako ng opisina.

Bago ko iangat ulit ang telepono ay pinakialaman ko muna ang wallet ni Doc. Mayroong mga cards, cash at calling cards ang wallet niya. Sa pinakadulo ng lalagyan ng card ay naroon ang isang picture. Kinuha ko iyon at nakita ang picture ni Mira. I know na siya iyon dahil hinanap ni Nurse May ang picture niya noon upang ipakita sa akin.

May kaunti—kaunti lang naman— na kurot akong naramdaman.

"Mahal ka pa rin niya, kaya siya natatakot, Mira," bulong ko sa larawan. 

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon