Chapter 7- Assistant

2.2K 162 5
                                    

Elisha

Nagtago kami ni May sa mga Media. Hindi ko alam kung bakit naging malaking balita ang pagkabuhay ko. Hindi a dapat mas maging masaya sila kaysa magtanong kung bakit at paano? Hindi ba pwedeng ipagdiwang na lang na buhay ako kaysa pag-aralan ako ng mga doctor na pilit akong ginagawang ekperemento.

Mabuti at kasama ko si Nurse May. Mabuti at pumayag siyang maging private nurse ko dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong kahit isang kakilala.

"Elisha, tumawag ang hospital," wika ni Nurse May sa akin habang nag-aalmusal kami. "Pinapaalala ang check-up mo. Pero hindi na raw si Doc. Andrada ang doktor mo."

"What? Why?"

Bumuntong hininga si May bago sumagot, "Nagresign na raw ito."

"Bakit?" nalungkot naman ako sa balita.

"Natatandaan mo ba noong palabas tayo ng hospital noong discharge mo? Tapos nagkakagulo ang mga nurse sa isang stretcher na papasok?"

Tumango ako. Naalala ko nga iyon. Nakita ko ang mukha ng isang babae na puno ng dugo. Umusal pa nga ako ng panalangin para sa kanya.

"Siya si Mira De Venecia, girlfriend ni Doc. Andrada."

Napasinghap ako sa sinabi ni May. "Is she alright? Ilang linggo na iyon. May balita ka ba?"

Umiling si Nurse May sa akin. "She died."

Napatakip ako sa aking bibig. Oh no...

"She died during the operation. At si Doctor Andrada ang nag-ooperate sa kanya."

Oh Lord. Napahawak ako sa puso ko na biglang kinabahan.

"Okay lang ba si Doc?" naitanong ko bigla.

Umiling si Nurse May. "Hindi na siya bumalik ng hospital after ng operation kay Mira. Ang balita ko, hindi rin lumalabas ng bahay nila. Sayang si Doc. Magaling talaga siyang doktor eh, maalaga pa sa pasyente niya. Kaya lang hindi naman lahat masasagip niya. Nagkataon naman na ang girlfriend niya ang hindi niya nailigtas."

"Nakakalungkot pero iyon ang will ni God. Minsan, mahirap ang pinagdadaanan natin dahil kailangan nating matuto along the way. Minsan, kailangan nating madapa hindi dahil hindi niya tayo mahal, kung hindi dahil kailangan nating maging matatag para sa magandang buhay na ibibigay niya."

"Mahirap kalaban ang grief, Elisha. Maraming sumusukot dahil sa pangungulila. Mapalad ka at hindi ka nakakaalala." Makahulugang sagot ni Nurse May sa akin.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Doc?"

Tumaas ang dalawang kilay ni Nurse May sa itinanong ko.

"Yayamanin si Doc. Anak siya ng may ari ng Andrada Pharmaceuticals. Hindi ko alam kung saan sila nakatira pero alam ko kung saan ang office ng Pharma." Sagot niya. "Gusto mong makita si Doc? Namimiss mo?" tukso ni Nurse May.

"Gusto ko lang magpasalamat at magpaalala sa kanya." Paliwanag ko kay May.

"Magpaalala ng ano?"

"Na mayroong kagaya ko na nabuhay dahil sa tulong niya."

"Sa tingin mo ba magandang idea iyan?" Alanganing tanong ni May.

Napatingin ako sa kanya ng taimtim. "Hindi. Pero kailangan kong gawin."

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang puntahan. Hindi ko alam kung paano ngunit nararamdaman ko ang lungkot niya. Nararamdaman kong kailangan niya ng gagabay sa kanya.

Pinuntahan ko kinabukasan ang Andrada Pharmaceuticals at pinaderetso ako ng receptionist sa isang pila, hidni pa man ako nagsasalita. Nagtataka man ay sumunod na lang ako. Halos lahat ng kasama ko ay naka business suit, ako langa ng naka jeans at shirt. Parang alangan ako sa pila. Nagci-clinic ba si Doctor Andrada dito?

"Miss, para saan ang pila na ito?" tanong ko sa nasa harapan ko. Tiningnan niya ako ng matagal at saka tinaasan ng kilay.

"Employment para sa assistant ni Doctor Salazar." Matabang na sagot niya.

Ay, hindi naman ako naghahanap ng trabaho. Bakit ako pinapila dito?

"Salamat," magalang na sagot ko. Pasimple akong umalis ng pila at iniwasang makita ng receptionist na masungit.

"Dito ang pila, Miss." Kaway ng isang staff.

"Ay, hindi po ako mag-aapply."

"Dito sinabi ang pila eh." Sigaw niya sa akin. Natahimik ako at hindi na kumibo. Lumapit ako sa kanya at nagpaliwanag.

"Hindi po ako nag-aapply. Hinahanap ko lang po si Doc..."


"Elisha,"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Doctor Andrada katabi ang isang may katandaang lalaki. Must be his father dahil magkahawig sila.

"Doc., magandang araw po." nakangiting bati ko.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Medyo masungit na tanong niya.

"Kakamustahin ko lang po...kayo." Pahina nang pahina ang boses ko.

"Umalis ka na." sagot niya at iniwan akong nakatulala. Parang ibang tao na si Doctor Andrada. Hindi na siya ang dating doktor ko na pala ngiti at palatawa.

"Hija, ano nga ulit ang pangalan mo?" Napatingin ako sa lalaki sa harapan ko.

"Good morning po. Elisha. Abijah Elisha Ocampo."

"Familiar ang pangalan mo." Wika niya.

"Pasyente po ako ni Doctor Andrada dati."

Nangiti ang lalaki sa akin. "Ikaw nga iyon. Halika sa office ko at mag-usap tayo. Ako nga pala si Salazar Andrada III. This way, hija. Magkwentuhan tayong dalawa."

"So, dati kang pasyente ng anak ko?" tanong ni Sir Andrada pagkaupo ko sa upuan sa harapan ng table niya.

"Opo. Ako po iyong niligtas niya."

Tumango ito at saka ngumiti sa akin.

"Naghahanap ka ba ng trabaho at nakapila ka sa employment?"

Natawa ako ng bahagya. "Hindi po. Ayaw lang po akong pakinggan ng mga staff at pilit na pinapila sa line. Hinahanap ko po talaga si Doc. Gusto ko po siyang kamustahin at magpasalamat."

Napailing ang matandang Andrada sa akin. "Ayon, nagkukulong. I have a proposal to you. Naghahanap kami ng assistant niya at dalawa na ang tinanggal ni Sal sa loob ng isang linggo. Gusto mo bang mag-apply? Mukhang kilala mo siya at siguro ay makakatulong na kilala niya ang assistant niya."

Tandaan mo ang iyong misyon. Hindi kaya ito ang misyon na iyon na laging bumubulong sa akin.

"Sir, aware po ba kayo na mayroon akong amnesia?" napakagat ako ng labi upang pigilang sabihin ang mga bas qualities ko.

"Yes. Minsan ka na niyang nabanggit sa akin kaya familiar ang pangalan mo."

Oh... ano kaya ang sinabi ni Doc?

"Baka matulungan mo siya, Elisha." Dugtong ni Sir Andrada. "He changed... a lot."

"Well, kung gusto ninyo po akong i-hire kahit wala po akong memory. Sige po. Baka po bukas sesante na rin ako." Biro ko.

"Huwag kang mag-alala, ako ang mag-hihire sa iyo kaya hindi ka pwedeng tanggalin ni Sal. Paano? See you tomorrow? 8am, dito sa office ko." Inabot ni Sir Andrada ang kamay niya for a hand shake.

"Yes, Sir," I replied and gave my hand to him. 

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon