Chapter 14- Manila Envelope

2.2K 158 6
                                    

Elisha

Tahimik na nakamasid si Doc. Sal sa mga bata. Kung minsan ay kumukunot ang noo niya kapag binabasa ang mga report sa metal folder. Ako naman ay abot ang kaba dahil hindi naman siya nagbibigay ng clue. Walang 'hay, Diyos ko,' na comment. Hindi ko man lamang kakitaan ng pagkagulat. Ano kaya ang ibig sabihin ng pagkunot ng noo niya?

"Ate, boyfriend mo?" tanong ni Maggie— isa sa pasyente na may tumor sa ulo.

"Hindi ah." Napalakas yata ang boses ko at natingin sa akin si Doc Sal. "Boss ko siya," dagdag ko sa malumanay na boses.

"Siya ba iyong kinukwento mo na hero mo?"

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Doc. "Oo, siya iyon. Pero hindi niya alam," bulong kong muli habang nakatingin kay Doc.

"Elisha,"

"Yes Doc... ay Sir. Bakit Sir?" Napaupo ako ng deretso nang wala sa oras na ikinatawa ni Maggie.

"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?"

"Ammm..." hindi? Aray! Bakit ko nakagat ang dila ko.

"Masama ang nagsisinungaling," paalala ni Doc. na ikinalaglag ng mga balikat ko. "Ano ang pinag-uusapan ninyo?"

"Kayo raw po ang hero niya," sabat ni Maggie. "Nilagtas n'yo raw po siya dati. Parati n'ya po kayong kinukwento."

Tumaas ang dalawang kilay ni Doc. Sal kay Maggie. "Pangit daw po kayong magsulat." Natawa ako nang maningkit ang mga mata ni Doc at tumingin sa akin. Lumapit siya sa kama ni Maggie at naupo sa upuan sa kabilang bahagi ng kama.

"Sabi ko po kay Ate, gano'n talaga magsulat ang mga doctor kaya nga nagpapractice na ako." Tumatawang pagpapatuloy ng kwento ni Maggie.

"Gusto mong maging doctor?" manghang tanong ni Doc. Sal kay Maggie na bibong bibo sa kabila ng sakit na nararamdaman.

"Gusto ko pong maging kagaya ninyo," sagot ng bata na ikinawala ng ngiti ni Doc. "Gusto ko po sumagip ng buhay kung—" huminga ng malalim si Maggie bago magpatuloy. "—kung mabubuhay pa ako."

"Ayaw mong maging teacher or dentist?" tanong ni Doc Sal na ikinailing ni Maggie.

"Gusto ko pong maging kagaya ninyo. Kung malalampasan ko ito, mag-aaral akong mabuti. Para magamot ko ang amnesia ni Ate. Para magamot ko ang mga bata dito. Unti-unti ng nawawala ang mga kasabayan ko. Dati, tatlo kami dito sa kwarto, ngayon, ako na lang ang natira."

Napatingin sandali sa akin si Doc bago bumalik ang atensyon kay Maggie.

"Naikwento rin ba ni Ate Elisha mo na nakalimutan niya ang pinagkaiba ng asukal at asin?" tanong ni Doc. Ay, nilaglag ako. Natatawang tumingin sa akin si Maggie.

"Ginawa niyang lasang dagat ang kape ko."

"Ay grabe Sir, kaunti lang ang nailagay ko noon," sagot ko. Masisira ang reputasyon ko sa mga kwento ni Doc sa mga alaga ko.

"At feeling n'ya doktor siya nang bigyan n'ya ako ng loperamide panlaban sa lactose intolerance."

Natawa maging ako. Kung ganoon ang pagkakakwento ni Doc. medyo sablay nga naman ako.

"Grabe ka Ate," natatawang wika ni Maggie.

"Kaya kailangan mong magpalakas at magpagaling. Baka sakaling ikaw ang makapagpagaling kay Elisha," saad ni Doc. Sal kay Maggie. Nakangiting tumango si Maggie sa kanya. "Yes Doc. Sal. Magpapagaling ako tapos magiging surgeon ako kagaya mo. Tapos ikaw ang mentor ko. Papanoorin kitang mag-opera habang nagtatake down ng notes."

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon